Airah POV:
Napag-isipan kong paglutuan ang aking sarili since nakaramdam ako ng gutom.
Kahit sino naman ay magugutom ng husto kapag nakulong ka ng ilang oras sa isang kwarto.
Anyways, nagkaayos na kami ni Jake.
Mabilis lang mapawi ang pagtatampo at pagseselos nya kapag nilalambing ko sya.
I'm so lucky talaga na hindi sya tulad ng iba na masyadong pakipot.
Kapag nagsorry ako, madali nya akong patawarin kaya hindi ako nahihirapan na suyuin sya.
So yon, tinawagan ko ulit sya through video-call at don sinagot nya na ito.
Kaya all in all, nagkausap kaming dalawa ng matagal.
At sya na mismo ang nagsabi na kumain na ako at wag ng magpagutom.And here I am, nasa kusina na ako, pero tila ba namagnet ang mata ko sa mga gulay na nasa aking harapan.
I can't decide kung anong klaseng luto ba ang gagawin ko sa mga to.
Ayoko namang mag-order ulit dahil nakakasawa na rin yon.
I prefer na kumain ng gulay na luto ko mismo.
Pero bakit parang nawawalan ako ng ideya kung ano ang sisimulan ko?
Tsk. Feeling ko, nagiging weirdo na ako.
•
"You need help?"
Isang tinig ang syang narinig ko mula sa aking likuran.
Ganon na lamang ang pagtataka ko kung bakit may boses pang iba dito sa aking bahay.
Sa pagkakaalam ko, nasa Probinsya si Jake at ako lang ang naiwan dito mag-isa.
So it means may magnanakaw ang syang nakapasok sa pamamahay ko.
Sa naisip kong yon ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis kong kinuha ang kutsilyo na nasa lababo.
Lakas-loob kong hinarap kung sino yung tao at tinutok ko ang patalim sa kanya.
"Potah! Magnanakaw--"
Ni hindi ko naituloy ang aking sasabihin dahil nakilala ko ang natatawang mukha ng lalaki.
Shit!
Ngayon lang nagproseso sa akin ang lahat.
Ang taong nakapasok sa bahay ko ay walang iba kundi si Gino.
Oo, si Gino nga.
But wait--- bakit nya alam na dito ako nakatira?
At bakit nandito sya?•Mga katanungan na gumugulo sa aking isipan sa mga oras na to.
"Labas!"
mariing sigaw ko sa kanya.Sa halip na tanungin ko sya ay minabuti kong paalisin na lamang ito.
"Oh chill. Kakarating ko lang, papaalisin mo agad ako?"
ngising sambit nya."Ano bang kailangan mo ha?!"
pag-uumpisang tanong ko na.I want to know his reason kung bakit naparito sya.
Until now ay nanatiling nakatutok sa kanya ang kutsilyong hawak ko.
"Calm down Airah."
saad nito at hindi man lang sinagot ang tanong ko."I'm asking you Gino. Anong kailangan mo?" pag-uulit kong bigkas na may kalmadong boses na tinataglay.
But still, yung expression ng mukha nya ay walang pinagbago. Nakangisi pa rin sya sa akin while looking me straight to my eyes.
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 2) (Completed)
Fiksi UmumMatapos piliin ni Airah si Jake, marami na ring nagbago sa binatang si Gino. Halos araw-araw na itong lasing at palaging may babaeng dinadala sa bahay na tinitirhan nila dati ni Airah. - Pero paano kung dumating yung araw na muli silang paglapitin n...