Epilouge

6.3K 148 33
                                    

Epilouge of He's My Boss
____

Masaya ang lahat.
Makikita mo sa ngiti ng pamilya ang umaapaw na kaligayahan nila.

Malaki na rin ang mag-kambal na anak nila Airah at Gino. Nakakalakad at nakakasalita na ito kaya naman mas tumataba ang puso ng mag-asawa sa tuwing tinatawag sila na 'mama at papa'.

Sa kalagitnaan ng pagsalo-salo nila sa isang mahabang mesa, biglang tumunog ang cellphone ni Airah.
She received a text message coming from the unknown number.

"May regalo kami sa'yo. Lumabas ka.", pagbabasa nito sa mensahe dahilan para mapatingin ang babae sa gate.

Tumayo siya at pinunasan ng bahagya ang labi.

"Where are you going, my wife?", pagtatanong ni Gino sa kanya.

"May titingnan lang ako sa labas. Mabilis lang 'to.", saad ni Airah at mabilis na tumungo roon.

Nang nasa kalsada na ito, palinga-linga ang s'yang ginagawa niya para hanapin ang regalo na tinutukoy sa text message.

Pero sa halip na regalo ang mahanap niya, isang puting van agad ang huminto sa mismong pwesto ni Airah at kinidnap siya.
Hindi na nakasigaw ang babae dahil sa panyong pinaamoy sa kanya dahilan para mahilo at mawalan s'ya ng pagkamalay.

____

Sa kabilang banda, isang dalaga ang lumabas mula sa itim na kotse.

"Ingat, Sarah. Galingan mo.", sambit ng binata rito.

"Of course, I will. Thank you, Doc.", ngising turan ni Sarah na animo'y nakamit niya na ang tagumpay.

Pumasok na siya sa bahay kung saan nando'n si Gino at ang kambal na anak nila Airah.

"My wife, natagalan ka yata. Ano bang ginawa mo, sa labas?", Gino asked him.

"Ahm here, nag-order kasi ako ng pizza. And I know na favorite niyo 'to.", saad ni Sarah at inilapag ang pagkain na hawak niya.

"Wow, ang sarap mama.", sambit ng isang batang babae nang matikman ang pizza.

Umupo na ang dalaga sa tabi ni Gino at bahagyang pinisil ang pisngi nito.

"Say 'ahhh', hubby.", mapanuksong turan niya sa lalaki.

Binuka naman ni Gino ang kanyang bibig at kinagat ang pizza na inilahad ni Sarah.

Buong akala ng tatlo, si Airah ang s'yang kasama at kaharap nila.

Pero ang totoo, nagpapanggap lang ito.
Dahil ang mukha at pananamit ng tunay na Airah ay ginaya niya lamang.

Yes, nagpaplastic surgery ang dalaga para kunin ulit ang nawala sa kanya at para na rin makaganti.

END OF BOOK 2 HE's MY BOSS
____
Author: Another book end, but Book 3 will be open again.
Thank you sa mga nagbasa at hindi nagsawang basahin ang aking akda.
Ang saya ko na meron ulit akong natapos.
I love you ojiee babies!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's My Boss (Book 2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon