Chapter 28
Gino's POV:
Kita ko ang pag-aalala sa mukha ng babaeng mahal ko habang hindi ito mapakali sa loob ng aking kotse.
Nasabi na rin nito sa akin ang aksidenteng nangyari kay Jake kaya naiintindihan ko kung bakit sya nagkakaganito.
Marahan kong hinawakan ang kanyang kamay at pinisil iyon para kahit papano maibsan ang nararamdaman nyang takot.
Alam ko kasi na importante sa kanya ang binata dahil naging bahagi na rin ito ng buhay nya kaya minabuti kong wag yon bigyan ng malisya.
"Please Gino, bilisan mo ang pag-drive. Gusto ko ng makita ang kalagayan ni Jake.", turan nito sa akin.
"My wife, gustuhin ko mang bilisan ang pagmaneho pero masyadong madulas at maulan. Ayoko namang may mangyari sa atin na masama, lalo na sayo.", tugon ko.
"Pero--"
"Airah, just pray. Yan na lang muna ang tanging magagawa mo ngayon habang hindi pa tayo nakakarating sa hospital.", wika ko naman.
Medyo kumalma sya at napatango bilang tugon.
Sinunod nya nga ang sinabi ko dahil narinig ko ang mahinang panalangin nito habang pinapaki-usapan ang Diyos.
Now I realize na sobrang halaga talaga para sa kanya si Jake.
Base sa mga pinapakita ng dalaga, halos lamunin ako ng aking selos. Pinipigilan ko lang dahil hindi ito ang tamang oras para mag-isip ako ng kung ano-ano.
Nakarating na nga kami sa hospital kung saan dinala si Jake ng babaeng nakabunggo sa kanya.
Nanguna ng pumasok sa loob si Airah at hindi man lang ako nito hinintay.
Kaya napailing ako at sumunod na lamang.Nang matunton ko na ang room ay natanaw ko sa di-kalayuan ang taong mahal ko habang kausap ang doctor.
Dahan-dahan naman akong lumapit para marinig ko ang pinag-usapan nila."Okay naman ang pasyente at hindi naman gaano kalala ang nangyari sa katawan nya. Pero yung isang braso nito ay nabalian kaya't mahihirapan syang gumalaw. But anyways, 3 weeks lang naman ang tatagalin non bago tuluyan gumaling ang kanyang braso.", paliwanag ni Doc.
Medyo nakahinga ng maluwag si Airah at laking pasasalamat ang sinabi nya sa doctor.
Di-nagtagal ay umalis na rin si Doc sa harapan ng dalaga.
"I told you my wife, everything will be okay.", malambing na saad ko rito.
"Oo nga eh. Buti naman at hindi napuruhan si Jake. Kung alam mo lang, halos mamatay ako sa pag-aalala.", sambit nya sa akin.
Pilit akong ngumiti at isinanday ko na lamang ang kanyang uluhan sa aking balikat.
Ayokong pairalin ang pagiging madamot ko, kasi I know na kailangan din kami ng binata.
Napatayo ng straight si Airah nang lumabas sa room ang babaeng nakabundol kay Jake.
"I'm really sorry for what happened. Hindi ko sinasadyang mabunggo sya. Nawalan kasi ng preno ang kotse ko kaya't dire-diretso yung andar. But don't worry, sagot ko naman ang lahat ng gastusin sa gamot at pambayad sa hospital.", sincere na sambit nito sa amin.
"Ayos lang yon. Alam ko naman na aksidente lang yon nangyari. And besides, dapat ngang magpasalamat ako sayo dahil dinala mo dito sa hospital ang kaibigan ko.", wika ni Airah.
"Kaibigan? Akala ko girlfriend ka nya. Nakita ko kasi eto sa pitaka nya.", bigkas nya at linahad sa dalaga ang pitaka ni Jake.
Nakabukas na rin ito kaya nasilayan ko ang picture nilang dalawa habang sweet sa isa't-isa, at nakalagay don ang katagang, 'I love my girlfriend.'
'Damn!
Kalmahin mo lang ang sarili mo Gino, hindi mo pwedeng pairalin ang selos mo ngayon.',
kausap ko sa aking sarili para sa ganon kumalma ako."Ahm hehe actually hindi na ho kami magkarelasyon. Kakabreak lang po namin kanina. But we're still friends.", nahihiyang tugon nya.
"Oh I see, kaya pala parang wala sa sarili sya. Pero, sige't kailangan ko na ring umalis. Marami pa akong negosyong aasikasuhin. Babalik na lang ako bukas dito.", huling litanya ng babae.
"Salamat ho, mag-iingat ka.", sambit ni Airah at nakipagbeso na ito.
At nang umalis na ang tao ay napagdesisyunan naming pumasok sa room para tingnan na ang kalagayan ni Jake.
I admit na medyo naawa ako sa natamo nitong sugat.
Kahit karibal ko sya pagdating kay Airah, hindi ko hiniling na mangyari to sa kanya.Wala pa rin itong malay kaya't wala kaming nagawa kundi ang pagmasdan ang binata.
"K-kasalanan ko kung bakit nandito si Jake. Kasalanan ko ang lahat ng to.", sambit ng dalaga na tila ba sinisisi nya ang sarili.
"Wag na wag mong sisisihin ang sarili mo my wife. Kailanman hindi naging kasalanan ang magmahal. You just choose me, pinili mo lang ako dahil ako talaga tong mahal mo.", I said.
"Pero nang dahil sa pagpili ko sayo, humantong sa ganito ang sitwasyon natin. Hindi ko lang nasaktan si Jake, muntik pa syang mamatay dahil akala nya, niloko ko sya.", wika nito.
"W-what do you mean Airah? Nagsisisi ka bang pinili mo ako?", pagtatanong ko.
Tiningnan ko sya ng diretsa sa mata kaso bigla nya tong iniwas.
"Ang mabuti pa, bumili ka na lang ng makakain sa labas. Para sa pag-gising ni Jake, may makain sya at hindi na magutuman.", pag-iiba nitong saad.
I tried na wag na lamang balikan ang tanong ko kanina, natatakot ako na baka bawiin nya bigla yung pagpili nito sa akin.
Tumayo na ako at bago ako lumabas ng room ay dinampian ko sya ng halik sa labi.
"I love you my wife. Sana walang may magbago sa desisyon mo. Bukas na bukas, ipapakilala muli kita kila mom at sasabihin ko sa harapan nila na liligawan ulit kita."
seryosong pahayag ko."Oo Gino. Walang may magbabago.", sambit nya na hindi man lang tumingin sa aking mukha.
Ilang segundo rin akong nakatayo pero sa huli't bumili na nga ako ng makakain.
BINABASA MO ANG
He's My Boss (Book 2) (Completed)
General FictionMatapos piliin ni Airah si Jake, marami na ring nagbago sa binatang si Gino. Halos araw-araw na itong lasing at palaging may babaeng dinadala sa bahay na tinitirhan nila dati ni Airah. - Pero paano kung dumating yung araw na muli silang paglapitin n...