Ramdam ko ang daliri na pumipindot sa aking pisngi, kaya dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata.
At tumambad sa akin ay mukha ng lalaking kasama ko sa pagtulog buong gabi, ngumiti siya sa akin, kaya nginitian ko din siya.
Pero napabalikwas ako ng bangon nang ma realized ko na ito nga pala ang estranghero kong bisita.
"I-ikaw g-gising kana?!" una kong nasabi.
"Yeah, I think so. Sino ka at nasaan ako?" malumanay na sabi niya.
"Ako, ako si Selena at ako ang mayari ng bahay na ito. Ikaw sino ka at anong nangyari sa iyo." pagpapakilala ko at sabay pagtatanong.
"Me, I am, ah wait." napakunot ang noo niya at nag-iisip, kumunot din ang noo ko dahil sa narinig na sinabi niya.
"Fuck! My head hurts!" bigla niyang hinawakan ang kanyang ulo. Halata pa din ang panghihina niya.
Nataranta ako sa sinabi niya kaya napahawak ako sa mga braso niya.
"Anong nangyayari sa iyo." tanong ko.
"My head is hurting, pilit ko kasing iniisip ang pangalan ko,kung sino ako." sabi niya na nakalukot parin ang gwapong mukha dahil nga masakit daw ang ulo niya.
"Wala kang maalala?! Sige tumigil ka muna sa pag-iisip kung sino ka. Baka makatulong iyon na mawala ang sakit ng ulo mo." medyo natatarantang sabi ko.
Pinagpatong ko ang tatlong unan sa may likuran niya saka ko siya dahan-dahang isinandal doon.
"Relax ka lang muna ha, gutom ka ba? Ipagluluto kita ng almusal at ipagtitimpla kita ng gatas, hintayin mo ako dito." tumango naman siya kahit medyo nakangiwi ang bibig niya dahil sa sakit.
Mabilis ang naging kilos ko, lumabas agad ako sa kwarto at nagtungong kusina.
Ipagluluto ko siya ng lugaw para mainitan ang sikmura niya, kaagad akong kumilos para maihanda na ang almusal niya.
Pagpasok ko sa kwarto niya dala ang kanyang almusal ay nakita kong nakasandal parin siya, nakatingala pero nakapikit ang kanyang mga mata.
"Ehem, ah heto na ang pagkain mo kumain ka muna para makabawi ka kahit kaunti." agaw ko sa malalim niya yatang pag-iisip.
Inilapag ko sa mesa na nakatabi sa papag ang tray na dala ko na may lamang mangkok ng lugaw tubig at gatas.
"Salamat." tipid na tugon niya, pero tiningnan niya lang ang pagkain.
"Ahm, kaya mo ba? I mean pwede kitang subuan kung gusto mo." nagpresinta na ako.
"If you don't mind? Please." magalang niyang sabi.
Tumango lang ako at ngumiti, mabilis akong umupo sa may tabi niya at kinuha ang mangkok ng lugaw.
Dahan-dahan ko siyang pinakain, pinainom ng gatas at tubig, naubos naman niya lahat ng inihanda ko para sa kanya.
Dala siguro nang ilang araw na pagtulog kaya nakakain siya kaagad ng ganito.
"Maraming salamat Selena." may lakas na ang kanyang tono, hindi na katulad kanina na hinang-hina siya.
"Walang anuman, masaya akong gising kana at malayo sa kapahamakan." nakngiti kong sabi.
"Pwede ba akong magtanong?" tanong niya.
"Oo naman, ano ba iyon.?" sagot at balik tanong ko sa kanya.
"Paano akong napunta dito?"
"Sa totoo lang, hindi ko alam paano ka nakarating dito sa bahay ko. Ganito kasi ang nangyari, nang nakaraang gabi, nagising ako ng bandang alasdose nang hating gabi. Uminom ako sa kusina, nang pabalik na sana ako sa kwarto ko ay narinig ko ang katok mo, una nga akala ko ay may masamang loob, pero narinig ko ang boses mo, nanghihingi ka ng tulong, kaya kaagad kong binuksan ang pintuan, pagkabukas ko, tatatnungin sana kita kung anong nangyari sa iyo pero nawalan ka ng malay. Ayun tinulungan ka namin ng tiyahin ko at ng mga pinsan ko."
BINABASA MO ANG
Just A Little Bit Of Your Love
SonstigesHe forgot the memory of our love. Susuko na sana si Selena dahil mukhang pati puso ni Nico ay nakalimutan na siya. No he is not her Nico, he is the rude, jerk and heartless Juaquin Montereal. Pero bumalik ito sa kanya at sinabing naalala na siya ni...