Juaquin's Pov
Kuya and Yulo are enjoying the cold water in the pool, sa tindi ng init dito sa Pinas na di namin natikman sa loob ng halos tatlong taon, ay naninibago kami, kaya nagkasundo na mag swimming dito sa isang bahagi ng roof top kung nasaan ang swimming pool namin.
Yulo came so early lalo na at may chismis na nasagap ang gago!
Pero sa totoo lang ay na i-stress ako sa pagdating ni Selena at sa pagdedeklara niya na may relasyon kami.
She left yesterday afternoon with a promise that she would come back here to be with me, siguro nga ay totoong naging kami noong nasa poder niya ako. Hindi siya aasta ng ganoon kung hindi iyon totoo, pero may ugali talaga akong di nagtitiwala sa tao, baka gawa-gawa lang niya kasi nakita niya na bilyonaryo ako.
Well whatever her plans, I'll ruin it! Hindi ko hahayaan na maloko ako ng isang babae lang, Yes I maybe in debt to her, but that doesn't mean na magpalaloko ako.
Kaya kahit kanina pa nila ako inaaya na maligo ay nanatili lang ako sa bench at umiinom ng rum, maya-maya na ako maliligo, nag-iisip pa ako ng mga pwdeng maging rules and regulations ko para sa pagsasama namin ni Selena sa iisang bubong.
Hindi porket sinabi niya na girlfriend ko siya ay makokontrol na niya ako, sisiguraduhin ko na ako ang kokontrol sa kanya at sa sitwasyon namin.
She maybe smart and courageous but I am ruthless and heartless, napangisi ako sa naisip. Baka hindi siya tumagal ng isang buwan sa poder ko, kung mabait ang sinasabi niyang ako noong nasa poder nila ako ay dahil siguro iyon sa amnesia ko.
Pero kung wala akong amnesia noon ay baka isang araw lang akong nanatili sa kanya, dahil ayaw ko ng ganito, na may pinagkakautangan ako ng loob, lalo na ng buhay ko.
Natigil ako sa pag-iisip ng may tumapik sa balikat ko. Si Yulo. "Baka naman malasing kana ni hindi kapa nakakapag-swimming." saad niya sabay upo sa katabi kong bench.
"Hindi naman, may iniisip lang ako." maikling sagot ko.
"Are you thinking of that woman?" nakangisi niyang tanong na para bang nakakatuwa na may iniisip akong babae!
Naikwento ko na sa kanya kanina ang nangyari, ang pagpapakilala ni Selena at kung ano kami.
At mula kanina ay inaasar ako ng gago kong best friend!
"Hindi naman siguro maglalakas ng loob ang babaeng iyon kung hindi totoo ang mga sinabi niya at may ebidensya siya." tukoy niya sa mga pictures na kinuha ko mula kay Selena.
Ipinasuri ko iyon kaagad sa eksperto kung hindi ba edites iyon! Ganoon ako kasigurista!
"Yeah, those pictures are real, itinawag sa akin kanina ni George, pero bakit ni pangalan niya hindi ko matandaan o hindi man lang pamilyar." Napahilot na ako sa sentido ko.
Matagal na hindi na sumasakit ang ulo ko, I am fully recovered, pero ngayon parang nag-uumpisa na namang pumintig ang mga ugat ko sa ulo dahil sa sobrang pag-iisip.
"What's bothering you?" tanong ni kuya na umahon na din pala.
"Nothing kuya, may mga iniisip lang ako." tanggi ko.
"Is it about Selena? Don't over think brod, baka makasama na naman iyan sa iyo." bilin niya.
"Yeah, I know kuya, hindi naman ako nag oover think." pagsisinungaling ko.
"Be good to her, nararamdaman ko, minahal ka niya at mahal ka parin niya kahit di mo na siya nakikilala." bigla niyang seryosong sabi.
May naramdaman naman akong pagkairita dahil sa nakikita kong concern kay kuya para kay Selena, pero hindi ko pinansin iyon. Mas mabait si kuya kesa sa akin, mas mabilis na lumambot ang puso niya.
"I will kuya, pinagbigyan ko nga siya diba, we would live together. Bibigyan ko siya ng isang buwan para maalala ko siya." pagmamalaki ko sa desisyon ko.
"Asus! Parang lugi ka pa ah!!" singit ni Yulo sa usapan namin ni kuya.
Napailing nalang ako sa kaibigan. Saka itinaas ang kamay at nag middle finger salute sa kanya. Tumawa lang ang gago na bumalik ulit sa paglangoy.
"You owe her your life, ipinapaalala ko lang sa iyo." saad muli ni kuya.
"Yes kuya, I know that very well, hindi ako magiging masama sa kanya, pero hindi ko naman mapapangako na sobra akong magiging mabait sa kanya." sagot ko.
Napailing nalang si kuya at tinapik ang balikat ko ulit. "Halika na nga, tama na muna yang pag-iisip mo, let's swim!" aya niya na pinaunlakan ko na.
Naligo at nag-enjoy na muna ako sa pool.
Selena's
Sobrang na miss ko ang aking munting anghel, halos dalawang araw lang naman iyong pagkakalayo namin pero pakiramdam ko ay sobra ko siyang namiss.
Umalis ako kahapon sa mansiyon ng mga Montereal ng hapon na kaya nakarating ako sa bahay ng gabi na, tulog na si Nicollo kaya ngayong umaga ay sobrang saya niya nang makita ako.
Masaya din ako na makasama at makita si Nicollo, pinapanood ko siya na naglalaro, pakiramdam ko ay kuntento na ako na ganito kami. Masaya lang.
Pero tuwing naiisip ko na isang buwan kaming hindi magkikita pagkatapos nito, ay nasasaktan ako pero kailangan ko tatagan ang sarili, para sa kanya naman iyon, para magka-roon siya ng buongpamilya.
Dalawa ang goal ko ang maalala ako muli ni Nico at king hindi naman mangyari iyon ay misyon ko rin na ipaalala sa puso niya na mahal niy ako.
Nakakalungkot isipin na totoo nga ba niya akong minahal? Kasi ang alam ko mararamdaman iyon ng puso niya.
Diba? Dapat kahit konti ay nakilala ng pakiramdam niya ang presensya ko, pero sa nakita kong katigasan at kung gaano kalamig ang pakikitungo niya sa akin, napapaisip ako kung malalim ba ang naging pagmamahal sakin ni Nico noon.
O baka dala lang ng utang na loob at awa, dahil na rin ulila na ako.
Di ko namalayan na naluha na pala ako dahil sa pag-iisip, nagulat nalang ako nang lapitan ako ni Nicollo at yakapin.
"Mama, bakit ka po iyak?" saad niya sa maliit na boses.
Napaigtad ako at mabilis na pinunasan ang aking pisngi. "Ahh, no anak wala ito, napuwing lang si mama." ngiti ko sa kanya.
Naniwala naman siya pero niyakap at hinalikan niya parin ako sa pisngi.
"Wag ka iiyak mama, ayaw ko po ikaw mag cry." napaka cute at bibo talaga niya.
"Yes baby, di mag cry si mama, I love you." sabi ko sa kanya sabay yakap at pinanggigilan ko ang mataba niyang pisngi.
"Play tayo po mama." aya niya sa akin na buong puso ko namang pinaunlakan.
Maghapon ang pag lalaro namin ni Nicollo, parang nararamdaman niya na matagal kaming hindi magkikita kaya sinulit ang oras.
Ganoon din ako, sinulit ko ang araw na ito para makasama siya. Ito ang babaunin ko sa darating na mga araw ang ngiti at saya na hatid ni Nicollo.
Nang sumapit ang gabi ay maagang nakatulog ang aking anak, masyadong napagod sa pag lalaro.
Inasikaso ko siya ng maigi upang kumportable siyang matulog. Humiga na rin ako sa tabi niya saka ko marahang hinahaplos ang kanyang buhok upang mas mahimbing siyang makatulog.
Pero ako, ewan ko mukhang hindi ako makakatulog, bukas aalis ako muli at makakaharap ko na naman si Juaquin Montereal.
Noong Nico pa siya ay din ko naramdaman ang kaba at takot, pero ngayong ibang tao na siya? Hindi ko alam.
Dalangin ko nalang na sana gabayan ako ng aking tatlong anghel na nasa langit upang magtagumpay ako sa kakaharapin kong ito.
BINABASA MO ANG
Just A Little Bit Of Your Love
RandomHe forgot the memory of our love. Susuko na sana si Selena dahil mukhang pati puso ni Nico ay nakalimutan na siya. No he is not her Nico, he is the rude, jerk and heartless Juaquin Montereal. Pero bumalik ito sa kanya at sinabing naalala na siya ni...