Fourty

2.7K 136 70
                                    

Selena...

"Gabriel?" gulat na anas ko ng makita kung sino ang kumakatok sa hapong iyon.

Hindi sana ako magugulat kung hindi lang siya may dalang bulaklak at regalo. Nakangiti siyang nakatingin sa akin at bumati.

"Magandang hapon Selena, nariyan ba si Anna?" medyo namula ang mukha niya nang banggitin ang pangalan ng aking pinsan.

Napangiti ako, kaya pala dikit ng dikit itong si Gabriel kay Anna sa resort noong birthday ni tiya at panay ang pa-pogi points sa amin ay may gusto pala siya sa aking pinsan.

"Magandang hapon din naman, halika at pumasok ka, maupo ka muna sa salas at tatawagin ko lang si Anna." nakangiti ko siyang binati rin at pinatuloy sa bahay.

Naupo siya sa salas habang ako naman ay dumiretso sa kwarto at tinawag ang aking pinsan.

"Anna, may bisita ka sa labas." anunsiyo ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako at tumango, kasalukuyan kasi siyang nagta-type sa kanyang laptop. Mukhang para sa kanyang school. Kolehiyo na kasi si Anna.

Kung noon ay tutol ako na mag boyfriend siya ngayon ay hindi na bente anyos na kasi siya at seryoso sa pag-aaral kaya naman alam ko na hindi naman siya magpapabaya sa pag-aaral kung sakali man na magka-boyfriend man siya.

"Sino naman yun ate?" tanong niya na hindi parin tumatayo mula sa kama.

"Si Gabriel, labasin mo muna at hinihintay ka sa salas." sabi ko.

"Ahh, ok." sabi niya pero patuloy ang pagta-type niya sa kanyang laptop.

"Anna, mamaya na yan, naghihintay yung tao sa iyo." mahina kong asik sa kanya,natutulog kasi si Nicollo nap time niya.

"Oo, teka lang ate. Paki suyo muna lalabas din ako, sabihin mo nalang na lalabas na ako, mag-aayos lang ako ng kaunti." medyo mahina din niyang saad, at isinara na nga niya ang kanyang laptop.

"Okay sige." nakangiti kong tango at saka nga ako lumabas para sabihan si Gabriel.

Nang makalabas sa kwarto ay dumiretso ako sa binatang naghihintay sa aking pinsan.

"Gabriel pakihintay mo sandali si Anna at mag-aayos lang daw." imporma ko.

"Sige Selena,  salamat." nakangiti itong tumango.

"Maiwan muna kita at igagawa ko kayo ng pwede niyong miryendahin." paalam ko sa kanya at iniwan ko na siya sa salas.

Pumunta ako sa kusina at iginawa sila ng sandwich at juice pati na rin ang meryenda namin ng anak ko ay isinama ko na.

Nang lumabas ako ng kusina ay naroon na si Anna at magkausap na sila ni Gabriel. Lumapit ako sa kanila at ibinigay ang kanilang meryenda.

"Heto at mag meryenda kayo habang nagkukwentuhan." saad ko habang inilalapag ang mga sandwich at juice.

"Naku salamat Selena, naabala pa tuloy kita." si Gabriel.

"Walang anuman, basta itong pinsan ko huwag mo papaiyakin." nakangiti kong sabi.

"Never." sinsero niyang sabi, hindi naman napigilan ni Anna na ngumiti.

"Ate ikaw pala mag meryenda ka na rin." saad naman ni Anna.

"Gumawa na ako ng sa'min ni Nicollo, sige maiwan ko na muna kayo." saka na ako nagpaalam sa kanila.

Bitbit ang tray na may lamang meryenda ay pumasok na ako sa kwarto namin ni Nicollo, ang anak ko naman ay mahimbing parin ang tulog.

Inilapag ko muna sa side table ang meryenda namin saka ako dahan-dahang tumabi sa kanya, marahan kong hinalikan ang kanyang ulo pagkatapos ay humiga ako sa tabi niya.

Just A Little Bit Of Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon