Pagkarating na pagkarating namin sa ospital ay wala kaming sinayang na oras, kaagad naming hinanap kung nasaan si Nico.
"Sigurado ba kayong walang Nico na dinala dito?" muli kong tinanong ang nurse sa Nurse Station.
"Ano po bang surname ng Nico na hinahanap nyo ma'am?" balik tanong niya sa akin.
"Ha? E wala syang gamit na surname, --- napayuko ako dahil sa naisip na hindi nga pala totoong pangalan ni Nico ang gamit niya. --- ah heto po nurse ang picture nya." inilabas ko ang cellphone ko at ipinakita ko sa nurse ang picture ni Nico.
Tinitigan naman nito ang picture na ipinakita ko, kinilatis at kinikilalang mabuti. "Ah oo yan yun." bigla niyang sabi.
"Narito sya? Saang kwarto?" lumakas ang kabog ng dibdib ko excited sa sagot ng nurse.
"Kanina ma'am isinugod nga dito ang lalaking yan, naaksidente daw sa gitna ng high way. Mga turista na dumadaan ang tumulong sa kanya, pero may head injury ang pasyente kaya pinatransfer po siya sa ospital sa Maynila dahil mas kumpleto ang mga gamit doon." mahaba nitong salaysay.
Pero sa lahat ng sinabi nito ay ang mga pumasok lang sa utak ko ay may tama sa ulo si Nico at kinailangan siyang ilipat sa isang ospital sa Maynila. Kaya ang ibig sabihin lang nito ay baka malubha ang lagay ni Nico.
Nanikip na ang dibdib ko na kanina pa binubundol ng kaba, sa pakiramdam ko ay nauubusan ako ng hangin sa katawan at kasunod iyon ay ang pagdilim ng aking paningin, hindi ko na nakita at narinig ang pagkataranta ng mga kasama ko na biglang nagkagulo sa akin.
Pagmulat ng aking mga mata ay nasamyo ko ang amoy ng ng antibiotic sa paligid at ang puting mga pader at green na kurtina. Indikasyon na nasa ospital prin ako.
"Anak, mabuti ant gising kana." masayng saad ni tiya.
"Ano pong nangyari tiya? Nahanap na po ba si Nico.?" naluluha na naman ako dahil sa pag-aalala kay Nico.
"Wala parin balita kay Nico, nahimatay ka kanina anak dahil da2 sa pagod at stress. Babalik na ang doktor hintayin lang natin dahil may mga ginawa pa silang test sa iyo." mahinahong paliwanag ni tiya.
At ilang segundo lang ay narito na nga ang doktor na tumitingin sa akin. "Mabuti at gising kana Miss." nakangiting bati sa akin ng doktor.
"Maayos na po ang pakiramdam ko dok. Baka pwede na po akong lumabas, hahanapin ko pa po ang boyfriend ko na naaksidente." pakiusap ko sa doktor.
"Pwede kanang lumabas miss, but please wait for doctora Agatha, papunta na sya dito ngayon." saad ng doctor.
Pagkatapos pa ng mga ilang tanong ay nagpaalam na ang doktor dahil i chechek up pa niya ang mga katabi kong pasyente sa ward na kinalalagyan ko.
Ilang minuto lang ay narito na nga si doctora Agatha sa harapan ko, masayang binati ako ng "Hi Miss Selena Cortez, congratulations you are eight weeks pregnant."
Napatulala ako sa aking na rinig.
Buntis?! Ako ba ang buntis?!
"It's been what almost three months ago when you and your husband came to me for a check up, and now you are pregnant. Congratulations again." basag ng doktora sa katahimikan namin.
Namuo ang mga luha sa aking mga mata, luha ng kagalakan "S-salamat po doktora, sa kabila ng problema ko ay may magandang balita po pala akong matatanggap." masaya kong sabi.
"Aww, sorry to hear that I pray that what ever it is, sana malagpasan mo yan, think of your baby for you to have the courage and strength to keep going and fight for what is life throws at you. Anyways here are your vitamins every night and please eat a lot of fruits and healthy diet ka muna. Iwas stress for you and baby's safety ok."
BINABASA MO ANG
Just A Little Bit Of Your Love
RandomHe forgot the memory of our love. Susuko na sana si Selena dahil mukhang pati puso ni Nico ay nakalimutan na siya. No he is not her Nico, he is the rude, jerk and heartless Juaquin Montereal. Pero bumalik ito sa kanya at sinabing naalala na siya ni...