Thirty-Nine

3.2K 163 113
                                    

Juaquin...

"What kind of work is this? You even called this as a report?!" galit na galit ako sa manager ng isa sa mga Super Makets namin.

Ibinato ko sa sahig ang mga papeles na iprinesenta niya sa akin.

"I am sorry sir, I didn't notice the flaws, uulitin ko po at aayusin ang pinapagawa niyo." halos hindi siya magkanda-ugaga sa pagpulot sa mga papel na itinapon ko.

"You better do your job properly dahil kung hindi malilintikan ka sa akin!" asik ko sa kanya.

"Y-yes s-sir." nauutal na sagot niya. Kita sa mukha niya ang pamumutla.

"Leave!" mas mahinahon kong saad.

Pagkasara ng pintuan ay napaupo ako sa aking swivel chair at hinilot ko ang aking sentido.

I am a strict boss, metokuloso kahit na sa pinaka-maliit na bagay, pero hindi ako kung ganito magalit sa mga empleyado ko.

Nito lang nakaraang linggo nangyayari sa akin ito, madalas na mas mabilis uminit ang ulo ko at hindi ko mapigilan to burst out my emotions.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, ito ang gusto kong mangyari diba? Tama naman dapat ito.

That finally she left! She's gone! Isang linggo na ang nakakalipas mula ng sulat nalang niya ang matira sa condo.

Pero heto ako at miserable, laging nagagalit kahit sa maliliit na bagay lang. I easily get irritated kahit na konting maling kibot lang.

Alam ko, I indirectly told her to leave at dapat ay masaya na ako na umalis na siya. She's no good to me. Dahil niloloko niya lang ako.

Pero kahit ginusto ko na umalis siya, mahal ko parin si Selena and I am trying to fucking move on with my life!

Binuhos ko ang panahon ko sa pagtatrabaho ng sagaran at kung wala naman talaga akong magagawa pa sa opisina ay aayain ko si Yulo o kahit sino sa mga kaibigan ko na mag-inom.

Minsan ay ako lang mag-isa at uuwi ako nalango sa alak at hindi na iisipin pa ang babaeng iyon dahil makakatulog na ako sa sobrang kalasingan.

I've also tried to play again with my fuck buddies pero bigla na lang akong nawawalan ng gana kaya tinigilan ko na rin.

I am miserably missing her, pero alam ko naman na nasa piling na siya ng lalaking talagang mahal niya. And it's fucking killing me slowly.

She gave up on me dahil nakita niya na hindi niya ako mapapaikot at dapat ay pabor sa akin iyon.

Pero putang ina! Tang ina talaga!

Natigil ang pag-iisip konng tumunog ang intercom sa mesa ko. Pinindot ko iyon at sinagot.

"What is it Guel?" supladong tanong ko.

"Sorry to disturb you sir, but Sir. Juancho is here." magalang parin na sagot niya.

"Let him in." hindi ko naman pwdeng paalisin lang si kuya.

Inayos ko ang sarili para naman sa pagharap ko kay kuya ay hindi ako mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa.

Dire-diretsong pumasok si kuya at umupo sa sofa at nag de kwatro pa.

"I just came here to check on you, my little brother." seryoso niyang saad.

Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya, tumabi ako sa upuang katapat ng kanya.

"What is it all about kuya?" direkta kong tanong.

"What is happening to you?" mag seryoso niyang sabi.

"Nothing." tipid kong sabi.

"You are firing those efficient employees at lagi ka ring galit sa mga tauhan natin, are you getting out of your mind?!" mahinahon pero may himig ng galit ang salita ni kuya Juancho.

Just A Little Bit Of Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon