NINETEEN

3.8K 84 2
                                    


Kinakabahan ako, hindi ko malaman ang mararamdaman ko. Mula kanina na sabihin ni manang na malapit na ang mga Montereal.

Makikita ko na ulit si Nico, mayayakap ko na siya, walang pagsidlan ang saya ko pero may halong kaba iyon.

At ilang sandali ay napatayo ako mula sa kina-uupuan ko nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng mansyon.

"Welcome home Senyorito Juancho at Senyorito Juaquin." dinig kong bati ni manang at ng mga kasambahay na kasama niyang sumalubong sa kanila.

"It's nice to see you all again manang." tinig siguro iyon ni Juancho.

Napapisil ako da aking mga palad at daliri ng marinig ko ang mga yabag na patungo na sa kinaroroonan ko.

At nang makita ko na ay awtomatikong namilibis ang mga luha ko sa aking mga mata.

"Siya ba ang sinasabi niyo sa akin manang?" dinig kong tanong ng nagngangalang Juancho.

"Oo Senyorito."

"Who's she?" tinapunan ako ni Nico ng tingin pero blangko sa emosyon ang kanyang mukha.

Pero kahit ganoon ay hindi ko na napigilan ang tumakbo palapit sa kanya at basta ko nalang siya niyakap.

"Nico.. " tanging nasambit ko.

Sa una ay nagulat pa siya kaya nanigas siya sa kinatatayuan niya, pero nang makabawi siguro ay hinawakan niya ako sa maglabilang braso at inilayo niya ako sa katawan niya.

"Hey miss, please don't hug me." naiirita niyang saad sa akin. Masakit iyon pero naiintindihan ko, hindi parin niya ako maalala.

Napayuko akong lumayo sa kanya, napahiya dahil sa naging agresibo ako sa mga galaw ko.

"Juaquin! Don't be rude to her!" saway ni Juancho sa kanya.

"Psss, ok. I am sorry." bigkas niya pero hindi iyon sinsero.

Umiling ako at linakasan ang loob na tignan siya. "Hindi, huwag ka mag sorry, kasalanan ko naman, dahil bigla nalang kitang niyakap. Ako ang dapat magsorry."

"She's your savior years ago, nung mawalan ka ng ala-ala." saad nito at nakangiti itong lumapit sa akin saka inilahad ang kanyang kamay.

"It's nice to finally meet you Miss. Selena Cortez, I am Juancho Montereal and thank you for saving my brother years ago." nahihiya man ay tinggap ko ang pakikipag kamay niya.

"Nice to meet you po sir." pormal kaming nagkamay.

"So why are you here by the way miss? Manang, hindi ba sabi ko noon na kapag may nagpakilala na sila ang sumagip sa akin noon ay bigyan ng pera?" napalunok ako dahil sa talim ng mga salita ni Nico.

"Nico--"

"My name Is Juaquin Montereal!" putol niya sa akin.

Muli akong napayuko, di kinakaya ang mabibigat niyang titig. "Sorry, J-Juaquin. Hindi ko tinanggap ang pera, dahil hindi naman ako nagpapabayad sa pagtulong ko sa iyo noon." paliwanag ko.

"Please Juaquin, be polite to her, you owe your life to her." may diing sabi ni Juancho.

"Kuya, I know, I am just asking these lady here. Get to the point miss. What do you need from us if it's not about the money?" suplado parin niyang sabi.

Parang umatras ang dila ko, hindi ko alam kung paano sasabihin, parang gusto ko nalang tumakbo paalis.

Tanggapin niya kaya ang sasabihin ko?

Just A Little Bit Of Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon