Buong araw akong nagmukmok dahil sa nangyaring iyon pero naisip ko na wala naman din akong mapapala, hindi ako mahalaga sa kanya kaya wala din siyang pakealam sa lungkot ko.
Kaya minabuti ko nalang na kalimutan ang nangyaring iyon at mas naging maingat ako sa mga kilos at salita mula ng araw na iyon, ayaw ko na na makarinig pa ng masakit na salita mula sa kanya.
Ganoon parin sa araw-araw na lumipas ang routine namin, ipaghahain ko siya ng agahan at ipagluluto ng hapunan sa gabi kung maaga siyang makakauwi.
Para lang akong personal maid niya, kung kausapin naman niya ako ay madalang din madalas parin ay masungit siya. Pero nagpapakamartyr ako at tinitiis iyon nagbabakasakali na darating ang araw o oras na matandaan na niya ako o mahalin niya muli ako.
Akala ko nga ay maghapon lang akong maiinip na naman sa condo niya pero mabuti nalang at kailangan na naming mag grocery at isasama daw niya ako sa pamimili.
Kaagad akong nagbihis at nag-ayos dahil na excite ako sa paglabas, dalawang linggo na din kasi na dito lang ako maghapon sa condo.
Nagsuot ako ng isang faded blue na pantalon at ang blouse ko naman ay baby pink na v-neck shirt na pinarisan ko ng kulay cream na rubber shoes.
Nagpulbo at liptint lang ako nang makita ko sa salamin na maayos na ako ay lumabas sa ako sa kwarto at bumaba na.
Pagbaba ko ay ready na din siya, naka black maong pants din siya at puting v-neck shirt at sapatos, simpleng porma pero nagsusumigaw ang kagwapuhan niya.
"Let's go." untag niya sa akin nang mapansin na nakatitig lang ako sa kanya.
"ah.. Oo tara na." napakurap-kurap naman ako, hindi ko namamalayan na napapatitig at napapatulala pala ako sa kanya.
Masyadong obvious ang pagiging patay na patay ko sa kanya!
Nanuna siyang naglakad para lumabas, ako na ang nagsara ng pintuan ng condo, nasa likuran niya ako ng patungo na kami sa elavator.
Walang kibuan kami hanggang sa makasakay kami sa kotse niya, isang kotse na napakagara at mukhang milyones ang halaga, hindi ito ang kotse na sinakyan namin noong dinala na niya ako sa condo noon mas maganda ito.
"Bago yata ang kotse mo?" hindi ko mapigilang tanong.
"Yeah, I just bought it last week ayaw ko na dun sa isa kong kotse so I disposed it." kibit balikat lang niyang sagot.
"Ah ok." tanging nasagot ko nalang.
Pagkatapos ay tahimik na ulit kami mula sa pag-alis hanggang sa makarating sa mall. Itinigil niya ang kotse sa entrance ng mall, pagbaba namin ay may lumapit na lalaki at iniabot niya ang susi ng kotse dito.
Hindi na ako nakapagtanong pa dahil hinila na niya ako papasok sa mall, bumati naman ang mga gwardiya sa amin. At hindi katulad sa mga costumer na iba ay hindi kami kinakapan man lang.
"I am one of the owner of this mall so wag kana magtaka diyan." napansin niya pala iyon.
"Wow, talaga ang galing naman." mangha kong sabi, nailing naman siya sa reaksiyon ko.
Naglakad na siya na kaagad ko namang sinundan, papasok palang kami sa super market ng mall ay kaagad na may sumalubong na naka uniform na babae.
"Good morning Mr. Montereal, It's glad to see you do you need some assistance?" magalang na saad ng babae na siguro ay nasa mid thirties na.
"Good morning, no need. But thank u." nakangiti niyang saad, nagulat pa ako ng kaunti dahil ngumingiti pala siya sa mga empleyado niya.
Nakakainggit!
![](https://img.wattpad.com/cover/177524535-288-k981350.jpg)
BINABASA MO ANG
Just A Little Bit Of Your Love
AléatoireHe forgot the memory of our love. Susuko na sana si Selena dahil mukhang pati puso ni Nico ay nakalimutan na siya. No he is not her Nico, he is the rude, jerk and heartless Juaquin Montereal. Pero bumalik ito sa kanya at sinabing naalala na siya ni...