Fourteen

3.8K 83 1
                                    

AN: Sorry mga besh mabagal sa update 😅 busy ang inyong beshy sa aking mga junakis at sa aking small business 😊 sana na eenjoy nyo po ang aking brain wacking story 😅😂❤

Selena's POV

"Montereal?!" ulit ko kay Arman, hindi ako makapaniwala. Noong madaanan namin ang billboard ni Juancho Montereal sa edsa noon ay siguro nagkaroon na si Nico ng kutob o lukso ng dugo. Kaya pala nagkaganoon siya noon dahil pamilya niya pala ang lalaking iyon, hindi lang niya matandaan dahil may amnesia siya.

"Oo ate, nagtanong-tanong na din ako tungkol sa mga Montereal, napakayamang pamilya pala ng mga iyon. May mga negosyo sila sa maynila at may hacienda sila sa katabing bayan natin." dagdag imporma ni Arman.

"Pwede ba tayong pumunta sa kanila, saan ba ang bahay nila Arman?" tanong ko sa kanya.

"Susubukan kong alamin ang tirahan nila ate. Pero hindi ko maipapangako na makakapunta tayo agad doon, mayaman sila sigurado na sa isang mamahaling subdivision sila nakatira at malamang na hindi tayo makapasok roon."

"Pero kilala tayo ni Nico, kapag nalaman niya na hinahanap natin siya ay sigurado ako ka makakapasok tayo." hindi ako nawawalan ng pag-asa na makita pa si Nico.

"Sige ate, bukas na bukas din ay maghahanap ako ng dagdag impormasyon tungkol sa kanila." pangako niya sa akin.

"Salamat Arman." pinilit kong ngumiti upang hindi na mag-alala sa akin ang aking pamilya.

Ilang araw na ba na wala sa piling ko si Nico, halos isang linggo? Sabi ni Arman ay mukhang nakaka-alala na siya, pero bakit hindi niya ako pinapatawagan para man lang sana makita ko ang kalagayan niya.

Sobrang nag-aalala na ako sa kanya, kamusta na ba siya? Gustong-gusto ko na din sabihin sa kanya na magkaka-anak na kami, sigurado ako na magiging masaya siya.

Nico/Juaquin's POV

Ilang araw na din mula ng makalabas ako sa ospital, pero hindi pa ako pinabalik ni kuya sa trabaho, narito lang ako sa bahay. Kakain, matutulog, gigising at kung may mapagkakahabalahan na hindi makakasama sa utak ko ay pwede kong gawin.

Hinabilin kasi ng doktor ko na bawal pa akong magtrabaho o ma stress dahil makakasama daw iyon sa utak ko. It bores me to hell but I have no choice, mas malaking problema kung hindi ko sila susundin.

Kaya heto, kung pamparelax lang ng isip at pampaalis stress ay pipiliin ko ito ng paulit-ulit. Ang mag pinta. Bata pa ako ay hilig ko na ito, nga lang ay hindi ko na ito madalas gawin. Dahil na rin sa nangyari sa pamilya namin.

"Sir, may bisita po kayo." pukaw sa akin ni manang Dolores.

"Who is it manang?" hindi ko na sya nilingon, nasa likuran na pala niya ang bisita ko.

"Fuck bro?! Buhay ka nga at nakabalik na!" exclaimed the man behind manang.

"Yullo!" tumayo ako at sinalubong ang aking best friend. Nag man hug kami pagkatapos ay ang aming fist bump.

"I missed you bro, where have you been? " tanong niya sa akin.

"Tara bro upo muna tayo, manang get us some beer." inaya ko muna siya para maupo.

"Ok, you have a lot to tell me."

Nang maka-upo kami ay muli niya akong inusisa. "Akala namin wala ka na talaga, halos baliktarin namin ang mga lugar na pwede kang mapadpad, pero hindi ka namin nakita. Kuya Juancho was so worried and almost devastated."

"Sobrang saya nga ni kuya when he saw me, naiyak pa." natatawa kong kwento.

"Gago, you don't know what he's been through." mahina niya akong sinapak.

Just A Little Bit Of Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon