Inaya kong mamasyal si Nico ngayong araw sa may batis, para naman maibsan ang kanyang mga dalahin at malibang siya kahit papaano.
May baon kaming kaunting pagkain para sa aming dalawa, kumbaga kami ay mag pipicnic dalawa. Maganda kasi sa may batis, maaliwalas at masarap ang hangin, luntian ang mga halaman at damo.
"Hayan maayos na ang lahat, umupo kana dito sa tabi ko Nico." aya ko sa kanya ng matapos kong ilapag ang blanket at isaayos ang aming pagkain.
"Okay sige." saad niya saka na niya ako dinaluhan sa blanket.
"Marerelax ka dito, tahimik at maganda ang tanawin." yumakap ako sa braso niya.
"Salamat Selena." ngumiti siya sa akin at hinaplos niya ang aking mukha.
"Walang anuman, alam ko na mabigat ang pinagdadaanan mo ngayon kaya kahit sa kaunting paraan lang ay makatulong naman ako." sabi ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.
"I'm sorry, mula ng manggaling tayo ng Manila ay nawalan ako ng panahon sa iyo, mas nauubos pa sa pagkatulala ko at pag-iisip ang oras ko kesa sa samahan kita." sinsero niyang saad.
"Naiintindihan ko ang sitwasyon mo Nico, kung pwede nga lang na tulungan din kita makaalala ay ginawa ko na."
"Sa totoo lang ay wala parin akong maalala kahit na paulit-ulit kong iniisip ang mukha at pangalan ng lalaki sa billboard." pag-amin niya.
"Huwag mong piliting maka-alala baka mas lalong makasama sa iyo, sinabi naman na ng doktor na unti-unti o bigla mo nalang maalala ang nakaraan mo." nag-aalala kong saad.
"Huwag kang mag-alala, hindi ko naman pinipilit ang isip ko, at tama ka darating din ang araw na maalala ko ang lahat, at sorry nawalan ako ng panahon sa iyo mahal ko, pangako babawi ako." malambing niyang sabi saka niya itinaas niya ang mukha ko gamit ang kanyang hintuturo.
Masuyo niya akong hinalikan sa labi na agad ko namang tinugon, ipinulupot ko pa ang aking mga baraso sa kanyang leeg.
Masuyo at malalim ang pinagsaluhan naming halik, nabura lahat ng aking pangamba ng maramdaman ko ang pananabik sa kanyang mga halik.
Kaya sa paghihiwalay ng aming mga labi ay pareho namin na hinahabol ang aming mga hininga, nagkatinginan at nagkatawanan pa kami dahil sa aming ginawa.
"Namiss kong halikan at lambingin ka mahal ko, pangako babawi talaga ako sa iyo." pilyo niyang biro.
"Namiss din kita, ang paglalambing mo at kapilyuhan mo mahal ko." nakangiti kong sabi saka ako yumakap sa kanya.
Ilang oras din kaming nanatili sa may batis, nagkukwentuhan at naglalambingan, napagpasyahan lang namin na umalis ng mapansin namin na palubog na ang araw.
>>>>
Lumipas ang mga araw na unti-unting bumalik sa dating sigla si Nico, bumalik din ang dating pag-aasikaso at paglalambing niya palagi sa akin.
Ngayong araw nga ay maaga siyang sumama kina tiya at Arman sa taniman, dahil ngayon itatanim ang mga bagong binhi.
At ako ang maghahatid sa kanila ng pananghalian, kasalukuyan kong nagluluto ng pumasok si Ana sa bahay.
Mula ng mapagsabihan ko si Ana ay hindi na siya madalas pumunta sa bahay, pumupunta nalamang siya dito kapag narito sina tiya.
Kaya nagulat ako at pinuntahan niya ako ngayon. Nahihiya pa suyang magsalita at nakayuko lang kaya ako na ang naunang nagsalita.
"May pasok kaba ngayon? Malapit ng maluto ang agahan." saad ko.
"Wala po ate, pero may practice po kami mamaya para sa graduation namin." Sagot niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Just A Little Bit Of Your Love
De TodoHe forgot the memory of our love. Susuko na sana si Selena dahil mukhang pati puso ni Nico ay nakalimutan na siya. No he is not her Nico, he is the rude, jerk and heartless Juaquin Montereal. Pero bumalik ito sa kanya at sinabing naalala na siya ni...