Happy 150k reads/views 😍🎉
Walang sawang thank you guys
I love you all ❤Selena...
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at pinapasok si Juaquin na may hawak sa cake ni Nicollo at si Anna na may hawak naman sa cell phone na siyang nagsisilbing videographer.
Mag-aalasyete na ng umaga at sigurado na ilang minuto nalang ay magigising na si Nicollo ito nga ang naisip ni Juaquin, ang isurprise si Nicollo pagmulat ng mga mata niya.
Kagabi kasi ay tumawag si Juaquin at sinabihan si Nicollo na hindi makakauwi para sa birthday nito at ipapadala nalamang ang regalo.
Nalungkot si Nicollo at muntik na akong magalit kay Juaquin dahil akala ko talaga ay hindi ito uuwi para sa kaarawan ng aming anak.
"Of course I am going home, sinabi ko lang iyon kasi I want to surprise him kaya wag ka maingay ha! mahal?" saad nito sa akin nang makausap ko siya sa cellphone.
"Ah ok, akala ko kasi totohanin mo iyon." patango-tangong sabi ko.
"Actually we're on our way na mahal, patulugin mo na si Nicollo para hindi niya kami makitamg dumating."
"Ok sige, bye mahal. Ingat!"
Ganoon nga ang ginawa ko inalu ko muna siya dahil medyo nagtampo nga siya sa sinabi ng kanyang Dada at nang maging ok na ay saka ko siya pinatulog.
At heto nga excited kong makita ang reaction niya ngayong umaga, last year hindi namin nakasama ang kanyang Dada sa first birthday niya kaya sigurado na mas masaya ito ngayon.
"Game?" tanong ko sa dalawa at sabay naman silang tumango. Kaya sinimulan naming kumanta habang papalapit sa kama kung saan nahihimbing ang am8ng munting prinsipe.
"Happy birthday to you... " sabay-sabay ang aming mga himig.
At dahil nga oras na rin ng pag-gising ni Nicollo ay mabilis siyang naalimpungatan, nagmulat siya ng mga mata at kinusot iyon.
Sumigla ang aming pagkanta ng happy birthday para sa kanya, si Juaquin na sinindi na ang kandila ng cake habang si Anna ay patuloy sa pagkuha ng video.
Nang marealized na ni Nicollo ay napabangon siya at nanlaki ang mga mata na tumingin sa kanyang Dada.
"Happy birthday Nicollo..." sabay-sabay naming tinapos ang kanta saka ko pinaputok ang party popper na hawak.
"Dada you came pow!" masaya at hindi makapaniwala paring saad ng aming chikiting.
"Of course buddy, I missed your first birthday last year at hindi ko hahayaan na mamissed ko ito ngayon and all your birthdays I would be by your side." nakangiti namang sabi ni Juaquin na ikinangiti ko din.
Umupo si Juaquin sa gilid ng kama, tumayo naman si Nicollo at yumakap sa ama.
"Thank you pow Dada! I love you!"
"I love you too buddy, let's blow your candle." masayang sambit ni Juaquin at ginulo ang buhok ng aming anak.
"You make a wish first anak." sabat ko naman.
"Opow mama." pumikit siya at pinagdikit kiya ang mga palad sa tapat ng dibdib saka taimtim na bumubulong ito para sa kanyang wish.
Nakangiti habang pinagmamasdan siya sa ginagawa, ngayon sigurado na mas masaya ang aming anak sa araw ng kanyang kaarawan dahil kumpleto kaming lahat na nagmamahal sa kanya.
Abala ang buong maghapon namin sa pagluluto at pag-de-decorate para sa birthday ng aming munting prinsipe.
Mabuti nalang at marami kami ngayon na nagtutulong-tulong para sa napaka-importanteng okasyon na ito.
BINABASA MO ANG
Just A Little Bit Of Your Love
CasualeHe forgot the memory of our love. Susuko na sana si Selena dahil mukhang pati puso ni Nico ay nakalimutan na siya. No he is not her Nico, he is the rude, jerk and heartless Juaquin Montereal. Pero bumalik ito sa kanya at sinabing naalala na siya ni...