Selena...
Nasasanay na naman ako na araw-araw kong nakikita at nakakasama si Juaquin, kahit na medyo umiiwas ako sa kanya ay hindi na ganoon kailang ang pakiramdam ko kapag malapit siya sa akin.
Pero parang nagkaroon ako ng invisible na pader sa paligid ko para sa kanya, ayaw ko naman na lumalayo sa kanya pero hindi ko rin inahayaang mapalapit pa ng husto sa kanya.
At sa tuwing nararamdaman niya iyon ay nakikita kong nalulungkot siya, nasasaktan din ako dahil gustohin ko man na mahalin at pagtiwalaan siya ng buo muli ay may pumipigil sa akin.
Ang takot ko na masaktan muli.
Pero umaasa parin ako na darating ang oras na malalabanan ko ang takot na iyon at mangibabaw na ang pagmamahal ko sa kanya.
Para sa amin at sa aming anak, dahil mahal ko parin naman talaga si Juaquin at mahal na mahal ko si Nico at gusto ko na magkaroon siya ng isang masaya at buong pamilya.
"We're here." saad ni Juaquin. Nagpark kami sa parking lot ng mall.
Nag-aya kasi si Nicollo na mamasyal sa theme park sa bayan na malapit sa mall, pumayag naman kaagad ang kanyang Dada na talagang ini-spoiled ang aming anak.
"Yehey!!" napapalakpak pa si Nicollo na nasa likuran ng sasakyan nakaupo at naka seatbelt.
Napangiti akong lumingon sa aking anak at pagkatapos ay kay Juaquin, nasa front seat kase ako ng sasakyan dahil magmumukha daw siyang driver namin kung parehong sa likod kami ni Nicollo.
"Na-spoiled mo na ng husto ang anak natin, masasanay yan." saad ko sa kanya.
"It's ok mahal, kulang pa nga ito." nakangiti lang nitong sabi bago bumaba ng sasakyan at umikot para mapagbuksan niya ako ng pintuan.
Napangiti ako dahil hindi na niya inalis sa akin ang endearment namin na ginagamit namin noon para sa isa't-isa. Talagang bumalik na ang ala-ala niya sa amin noon.
"Thank you." sabi ko ng makababa ako ng sasakyan, pinipigilan kong mapangiti dahil napaka-gentleman niya.
Nginitian lang niya ako at si Nicollo naman ang kanyang kinuha mula sa may likurang upuan ng sasakyan.
"Let's go." anunsyo niya nang makuha na si Nicollo, kinarga na lamang niya ang aming anak at naglakad na kami papunta sa Theme park na katabi lang ng mall.
Sabay kaming naglalakad habang karga niya si Nicollo, napapalingon ang iba naming kasalubong sa kanya.
Kahit na simpleng t-shirt, cargo shorts at sandals lang ang suot niya ay nag-uumapaw parin ang kanyang kagwapuhan, hindi maikakaila iyon.
May mga mangilan-ngilan na hindi nagpapakita ng hiya at hayagang nagpapakita ng interes sa kanya.
Kaya medyo tumataas ang kilay ko sa mga nakakasalubong namin, hindi naman ako ganoon kaliit para hindi nila mapansin na kasama ko siya, at isa pa hindi ba nila nakikita na may karga na bata si Juaquin?!
Kaya napatingin ako sa kanya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko, pinagsiklop niya ang mga palad namin.
Ngumiti lang siya at kinindatan ako, inirapan ko siya pero napangiti rin ako bandang huli.
Nang nakapasok na kami sa theme park ay inilapag na ni Juaquin ang aming anak at ang paslit ay parang sisiw na nakalaya sa kulungan niya.
"Don't run baby." palala ko sa kanya.
Sinusundan namin siya kung saan niya gusto unang magpunta.
"What do you want to ride first buddy?" tanong ni Juaquin sa aming anak.
BINABASA MO ANG
Just A Little Bit Of Your Love
De TodoHe forgot the memory of our love. Susuko na sana si Selena dahil mukhang pati puso ni Nico ay nakalimutan na siya. No he is not her Nico, he is the rude, jerk and heartless Juaquin Montereal. Pero bumalik ito sa kanya at sinabing naalala na siya ni...