Warning:
Mas nakakasabaw na SPG 😋😝😂
Mula nang gabing iyon ay madalang ng nagpupunta si Ana sa bahay, tuwing kakain nalang siya halos nagpupunta sa bahay, dahil sa ako ang nakatoka sa paghahanda ng pagkain ay wala siyang choice kundi ang pumasok sa bahay ko.
Tuwing sa harapan ng hapag ay mabilis siyang natatapos sa pagkain, at tuwing uutusan siya ni tiya na siya ang magligpit ay tahimik siyang maghihintay na matapos kaming lahat sa pagkain.
Hindi na siya lumapit muli kay Nico, at si Nico ay unti-unti isinisiwalat ang aming relasyon sa aking pamilya, kung dati ay hindi kami nagpapahalata ngayon ay halos sabihin na niya na may relasyon kami.
Hindi ko naman gusto pang patagalin pero gusto ko lang humanap ng magandang tyempo, mas matanda parin si tiya sa akin at para ko na siyang pangalawang ina kaya mahalaga parin na boto soya kay Nico para sa akin.
Kaya laking tuwa ko ng isang hapon ay bigla niya akong kausapin tungkol kay Nico.
"Selena, alam mo ba mula ng mawala ang mga magulang mo nawala ang kislap sa mga mata mo, pero nang dumating si Nico sa buhay mo ay nakita kong parang muling bumalik ka sa dati mong sigla." saad ni tiya habang nagpapahinga kami sa maliit na kubo na nasa likod bahay.
"Ano hong ibig ninyong sabihin tiya?" tanong ko sa kanya.
"Mahal mo siya hindi ba?" walang gatol niyang sabi.
"Ha??" hindi ko siya masagot, nabigla ako sa tinuran niya dahil totoo iyon.
"Huwag kang mag-alala anak, hindi ako tututol kung nagmamahalan kayo, nakikita ko sa mga mata ninyo ang kasiyahan sa piling mg bawat isa. At isa pa sa tingin ko naman ay handa kana kung sakaling magkaroon kayo ng sariling pamilya." nakangiti niyang saad.
"Tiya, sariling pamilya agad? Maaga pa po para diyan." namumula kong sabi.
"Nasa tang edad ka na rin naman anak, hindi masama kung magkakapamilya kana, at boto ako para kay Nico." patuloy ni tiya.
"E tiya sigurado kaba na mahal ako ni Nico?" tanong ko naman.
"Oo naman, ramdam ko iyon at nakikita ko sa mga kilos niya, sa kilos mo din kaya kahit hindi na kayo umamin ay alam ko naman na nagkakamabutihan na kayo at hindi ko hahadlangan iyon. Ang gusto ko lang ay ang sumaya ka sa piling ng lalaking mahal mo at alam kong mahal ka." pinisil ni tiya ang aking mga kamay.
"Salamat po sa suporta tiya, pero gusto ko din maging tapat sa inyo, Oo mahal namin ni Nico ang isa't-isa pero si Ana mukhamg may gusto po siya kay Nico. " pag-amin ko.
"Si Ana? Naku huwag kang mag-alala sa pinsan mo, siguro ay simpleng paghanga lang iyon, bata pa si Ana hindi pa niya naiintindihan ang tunay na ibig sabihin ng pag-ibig, mawawalan din siya ng interes kay Nico."
"Sinabihan din siya ni Nico na kapatid lang amg turing nito sa kanya." dagdag ko.
"Mas mabuti iyon para hindi na umasa pa si Ana, hanga ako sa ginawa ni Nico. Tapat siya sa nararamdaman niya." hindi ko makitaan ng hinanakit si tiya kaya gumaan ang pakiramdam ko.
"Salamat tiya. Sa lahat sana nga ay kami na ni Nico at sa pagbalik ng ala-ala niya ay sana mahal parin niya ako." niyakap ko ang aking tiyahin.
"Ang puso ay may sariling desisyon, kahit na sabihin ng utak na kalimutan o huwag mahalin, kung talagang tunay na mahal ay hindi madidiktahan." saad ni tiya habang hinahaplos ang aking buhok.
"Sana nga po tiya."
"At ipaglaban mo ang pagmamahal mo para sa kanya, bumalik man ang ala-ala niya ay ipakita mo na mahal mo siya at mahal ka niya."
BINABASA MO ANG
Just A Little Bit Of Your Love
AcakHe forgot the memory of our love. Susuko na sana si Selena dahil mukhang pati puso ni Nico ay nakalimutan na siya. No he is not her Nico, he is the rude, jerk and heartless Juaquin Montereal. Pero bumalik ito sa kanya at sinabing naalala na siya ni...