Thirty-eight

3.2K 212 215
                                    

AN:
Hello dear readers  👋
My heart is so, so happy.  Kasi hindi ko akalain na gatino yung magiging pagtanggap ninyo sa story kong ito ❤

Para sa akin sobrang lakas na ng 100k plus na views/reads for a wanna be writter lang na gaya ko and yung mga comments nyo mostly ang nagpapadagdag ng inspiration ko. Kaya asahan niyo na mas lalo ko pang pag-iisipan ang mga susunod na chapters para naman maibalik ko sa inyo yung saya na ibinigay niyo sa akin dahil sa init ng pagtanggap niyo kina Juaquin at Selena ❤😘

Selena...

Lumipas ang mga araw na parang kaybagal, dahil siguro malungkot ako, yung Juaquin kasi na nakasama ko sa isla nawala na ng tuluyan.

Balik na siya sa pagtrato sa akin ng malamig at palaging nagagalit sa akin lagi rin niya akong dinadala sa safe room.

Pagpapahingain niya lang ng isang araw ang katawan ko tapos ay dadalhin niya ako roon at bawat gabing nasa loob kami ng safe room ay iba't-ibang uri ng pagpaparusa ang natatamo ko,  pati ang mga kagamitan na ginagamit niya sa akin ay iba-iba.

Wala naman akong matandaan na ginawa kong mali para bumalik sa dati ang trato niya sa akin, mas malala pa nga e.

Tatanggapin ko naman lahat e kahit dalhin niya ako sa safe room at parusahan doon ng paulit-ulit o tratuhin ng malamig, basta siguro yun lang, pero iba na siguro kung may mas malala pa siyang gagawin.

Kagaya ngayong gabi hinihintay ko siyang dumating dahil hindi ako makatulog na wala pa siya.

Halos gabi-gabi yata ay nakainom siya kung umuwi, minsan ay diretso lang sa kwarto niya minsan naman ay sa saferoom kasama ako.

Pero kakaiba ang nararamdaman ko ngayong gabi, kanina pa kakaiba ang nararamdaman kong kaba.

Dinistract ko na nga ang sarili ko sa pagka-usap kanina sa anak ko pero hindi parin mawala ang nararamdaman ko.

At nakumpirma ko ito sa pagbukas ng pintuan ng condo.

Si Juaquin iniluwa ng pintuan pero hindi lang siya ang dumating, may kasama siyang babae.

Sexy, morena at matangkad na babae. Mukha silang nakainom. Humahagikgik ang babae dahil hinahalikan siya ni Juaquin sa leeg.

Automatic na sumara ang pinto at napaigtad ako sa pagtitig sa kanila, hindi ko maipaliwanag ang sakit na unti-unti lumalason sa puso ko.

Natigilan ang babae nang makita niya akong nakatitig sa kanila.

"My gosh Juaquin! Maid mo ba yun?" bahagya niyang itinulak si Juaquin para tumigil ito sa paghalik sa kanya.

Bumaling naman sa akin ang pinakamamahal kong lalaki na nakikipaglandian ngayon sa iba at sa mismong harapan ko pa.

"Ohh!! Selena you're still awake baby." balewalang saad niya.

"What? Baby?!" nanlaki ang mga mata ng babae. At sa kakatitig ko dito ay naalala ko na ito, siya iyong Regine na nakita namin sa market noon.

"Yeah she's my girlfriend."

"O my gosh again!  And your cheating on her with me in front of her?!" halos mag histerya si Regine.

"Shh... don't shout at me like that I don't like it. And Selena is not that important to me." kung kanina ay masakit ang nakita ko ngayon ay para na akong papatayin sa mga naririnig ko sa kanya.

"But you said she is your girlfriend." nalilitong sabi ni Regine.

"Yeah, but she's boring. Sawa na akong makipaglaro sa kanya." the he gave me a boring look.

Just A Little Bit Of Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon