Juaquin....
Prente kaming naka-upo ni Nicollo sa salas ng condo habang nanonood ng kanyang paboritong cartoon series, nang bumaba si Selena galing sa itaas.
Nagtataka ako dahil may maleta siyang dala, iniwan ko saglit si Nicollo at pinuntahan ang kanyang ina.
"Ikaw na ang bahala kay Nicollo Juaquin." nakangiting saad ni Selena pagkalapit ko sa kanya
"Saan ka pupunta mahal, b-bakit mo sinasabi sa akin yan?" takang tanong ko, walang kasing lakas ang kaba sa dibdib ko.
"Patawad pero hindi na kita mahal." lumamlam ang kanyang titig sa akin.
"N-no! Please baby don't do this to me, pinag-sisisihan ko na ang mga nagawa ko sa iyo, please give me one last chance." napaluhod ako sa harapan niya.
"Hindi na magbabago ang isipan ko Juaquin, isa kang masamang lalaki, pinagdusa mo ako sa piling mo dahil lang sa pagdududa mo!" ang kaninay maaliwalas na itsura niya kanina ay biglang nag-iba.
Biglang dumilim ang paligid at nakita ko si Selena na nakahandusay sa sahig yakap ang sarili habang walang saplot at puno ng latay sa buong katawan, wala na kami sa salas!
Lumingon ako sa paligid at natanto kong narito kami sa safe room ng condo at nang subukan ko siyang hawakan ay bigla nalang akong may hawak na posas at leather whip!
Binibitawan ko ang mga iyon pero ayaw iyong maalis sa mga kamay ko.
"Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin Juaquin!" galit na nakatingin sa akin si Selena habang yakap niya ang kanyang kahubdan.
Pagkatapos ay bigla nalang pumasok sa kwarto si Regine.
"Hello lover boy." nang-aakit na saad niya.
"W-what are you doing here?!" asik ko sa kanya at napabaling ako sa direksyon ni Selena.
Impit lang siyang umiiyak at nakatulala, hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Regine sa akin at hinawakan niya ang aking kamay.
"Let's start lover boy." bulong niya sa tenga ko. Nanlaki ang mga mata ko, hindi ako makagalaw!
"No! Stop!" sigaw ko kay Regine pero parang wala siyang ibang naririnig.
"Taksil ka Juaquin! Napakasama mo!" sigaw ni Selena habang luhaan.
"Baby please forgive me." pagsusumamo ko at bigla nalang akong nakagapos habang si Selena at Nicollo ay nakatayo at nakatingin sa akin.
"Hindi na kita mapapatawad pa, hindi ka rin nararapat na maging ama kay Nicollo." galit na saad ni Selena saka na nila ako tinalikuran at naglakad na sila palayo.
"Baby please don't leave me! Selena, Nicollo!" pilit akong kumakawala sa pagkagapos ko pero hindi ko magawa.
At nang tumingin ako sa direksyon ng papalayo kong mag-ina ay nakita kong sinalubong sila ng isang lalaki.
Niyakap niya ang mga ito at masaya silang lumisan.
"Noooo!!" sigaw ko.
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sariling sigaw, pinagpawisan ako dahil sa panaginip na iyon kahit na naka-on ang aircon.
Napasabunot ako sa aking buhok, binabangungot pala ako, binabalikan ako ng mga nagawa ko kay Selena.
Napabuntong hininga ako at tumayo, pinasya kong lumabas sa kwarto at pumunta sa kusina para uminom ng malamig na tubig.
Akala ko ay tuloy-tuloy na ang pagkaka-ayos namin ni Selena, but I was wrong. She told me to go home, bisitahin ko nalang daw ulit si Nicollo.
Masaya kami ng aking anak na nagkakilala na kami, naikwento na din ni Selena na buntis na pala siya noon bago pa man ako maaksidente at hindi lang namin kaagad nalaman.

BINABASA MO ANG
Just A Little Bit Of Your Love
RandomHe forgot the memory of our love. Susuko na sana si Selena dahil mukhang pati puso ni Nico ay nakalimutan na siya. No he is not her Nico, he is the rude, jerk and heartless Juaquin Montereal. Pero bumalik ito sa kanya at sinabing naalala na siya ni...