FIVE

4.3K 80 0
                                    

WARNING:

MEDYO SPG 💏😋✌

ILANG gabi akong hindi nakatulog dahil sa halik na iyon, pero hindi naman nagbago ang pakikitungo ko kay Nico, katulad parin ng dati.

At kung bakit hindi ako nagalit sa ginawa niya ay hindi ko maintindihan bagkus ay masaya pa ako at parang naging seguridad ko iyon na wala talaga siyang interes kay Ana.

Ipinilig ko ang aking ulo dahil naalala ko na naman iyong halik niya sa akin, nasa kwarto ako ngayon at abala sa pag kukwenta sa kita ng pananim namin ngayong buwan.

Nagpatuloy ako ng biglang may kumatok sa aking pintuan.

"Tuloy bukas yan." sigaw ko sa kung sino mang kumakatok. Nakayuko ako kaya hindi ko alam kung sino ang pumasok.

"Gatas, para sa iyo." baritono niyang sabi, kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Ngiti naman ang isinalubong niya sa akin.

At ayun nagsirko na naman ang baliw kong puso.

"Salamat." pinilit kong maging mahinahon ang tinig ko.

"Pwede bang tumabi, panonoorin ko lang ang ginagawa mo." saad niya pagkatapos mailapag sa mesa ang aking gatas.

"Ha? Sige." lalo tuloy kumalabog ang puso ko. Walang pag aalinlangan siyang tumabi ng pagkakaupo sa akin.

"Ano ba yang ginagawa mo?" kuryoso niyang tanong.

"Kinukwenta ko ang kita ng taniman sa buwan na ito." ibinaling ko ang atensyon sa aking ginagawa.

"Malapit ka na bang matapos?" naramdaman kong gumapang ang kamay niya sa bewang ko.

"M-Malapit na." nabulol na naman ako dahil sa kaba.

"Pwede bang dito ako matulog sa tabi mo, wala akong gagawin na hindi mo gusto, gusto kasi kitang makatabi sa pagtulog." naglalambing niyang sabi.

"Ikaw dito katabi ako?" mangha kong sabi at napa tingin ako sa kanya.

"Please." namumungay ang kanyang mga matang pakiusap sa akin.

At ako ay parang nahipnotismong tumango, ngumiti siya dahil doon at ibinaon ang kanyang mukha sa aking leeg, ramdam kong uminit ang aking pisngi.

"Sina tiya.. " alanganin kong sabi.

"Hmmn.. Sarado na ang ilaw sa kanila, tulog na sila. Nasanay na siguro sa ating dalawa kaya di ka na nya pinapasamahan sa mga anak niya." saad niya.

At napagtanto kong tama siya, hindi na nga lumilipat si Arman o si Ana dito para samahan ako, siguro nga ay palagay na ang loob ni tiya Isabel kay Nico.

"Patapos na ako, sa ginagawa ko, uh.. Mauna ka nang matulog." suhestyon ko, dahil sa totoo lang di ako gaano maka concentrate sa ginagawa ko.

"Hmm.. Sige, hihiga na ako pero hindi pa ako matutulog hihintayin kita." malambing niyang sabi.

"Okay." tipid kong tugon, dahil pinipigilan kong mapangiti sa ka sweetan niya.

Mula kasi ng halikan niya ako ay napansin kong mas naging thoughtful at sweet siya sa akin, hindi na rin siya ganoon naging kalapit kay Ana, kung baga nilagyan niya ng limitasyon ang pagitan nila. Pinaramdam nito na para lang itong nakababatang kapatid para sa kanya.

Ewan ko kung anong pakiramdam ni Ana pero paniguradong may naramdaman siyang lungkot, halata ko na may pagtingin siya kay Nico, pero hindi pwede. Bata pa siya at kailangan niya magtapos ng pag-aaral, makakahanap din siya ng taong iibigin niya at iibigin siya.

Just A Little Bit Of Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon