EIGHTEEN

3.7K 82 0
                                    

After Two years...

Selena's

"Ma-ma.." then he giggled.

"Napaka cute mo talaga baby ko, anong gusto mo?" masaya kong sabi sa anak kong si Nicolas.

Nasa kusina ako at kinukulit ako ngayon ng anak ko, magdadalawang taon palang siya, pero maramirami na siyang alam na sabihin.

"Ma-ma, gushtow kow pow nang fyuts, banana!!" sabi nya sabay hagikgik.

"Okay, heto ang banana." kinuhanan ko siya ng saging saka binalatan bago ko iyon ibigay sa kanya.

"Tentyu you mama!!" my little one said, then he giggled again.

Napakamasiyahin niya, bumalik sa siya sa salas nang makuha ang pagkain niya. Sinundan ko siya ng tingin, bigla akong nakaramdam ng kaunting lungkot.

Dalawang taon mahigit na ang nakakalipas mula nang umalis si Nico papuntang america, nagkasya ako sa pakikibalita kay manang kung ano na ang kalagayan niya.

Sabi niya ay maayos naman ito at busy ito lagi sa trabaho doon dahil naging successful ang kanilang business doon, masaya naman ako na malaman iyon, pero nalulungkot ako na ni hindi niya parin ko maalala kahit na katiting.

Hindi ko namalayan na may pumatak na palang luha sa mga mata ko, pinahid ko iyon nang maramdaman ko ito sa pisngi ko. Ayaw ko na makita ng anak ko na malungkot ako, dahil siguradong malulungkot din siya.

"Selena, naalala mo na naman siya?" si tiya pala iyon, umupo siya sa may tabi ko saka tinulungan ako na putulin ang mga sitaw.

"Opo tiya, dalawang taon na mahigit. Hindi pa rin bumabalik ang ala-ala niya sa akin, sa atin." malungkot kong saad.

"Manalig ka lang at huwag mawalan ng pag-asa anak." pinisil niya ang palad ko.

"Opo tiya, para kay Nicollo hindi ako mawawalan ng pag-asa, alam ko din na binabantayan kami ng aming pamilya na nasa langit na, ibubulong nila sa Diyos a ibalik sa amin si Nico." nakangiti kong sabi.

Sa loob ng mahigit dalawang taon ay si Nicollo lang talaga ang naging lakas ko, para sa kanya ay lalaban ako sa buhay.

Nag-iba ang pinagkukwentuhan namin ni tiya, nang bigla nalang nag ring ang celphone ko.

Nang makita ko na kay manang ang numerong tumatawag ay agad ko itong sinagot.

"Manang, magandang araw po." masigla kong bati.

"Good morning hija, may maganda akong ibabalita sa iyo. Uuwi na ang mga senyorito sa makalawa." masaya niyang balita.

Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko sa aking narinig, hindinko mapigilan ang maluha dahil sa kasiyahan.

"Salamat po sa balita manang, napakasaya ko po na malaman ito." mangiyak-ngiyak ako.

"Kailangan mo nang pumunta dito bukas, para makilala ka na din ni Señorito Juancho, ipinaalam ko na naman sa kanya na pupnta ka dito kapag uuwi na si Señorito Juaquin. " saad pa niya.

"Talaga po? Sige po manang at maghahanda ako para makaluwas bukas." excited kong sabi.

"O sia sige aasahan kita bukas dito hija, kami naman ay naghahanda na din dito sa mansyon para sa pagdating nila."

"Sige po, salamat ulit." sabi ko saka na kami nagpaalamanan.

Nagkatinginan kami ni tiya, tinanguan niya ako, alam ko na masaya din siya para sa akin.

"Sige na anak, ayusin mo na ang mga dadalhin mo bukas. Ako na ang bahala sa pagluluto dito." sabi nito.

"Salamat tiya." masaya kong saad, saka na ako tumayo at pumunta sa kuwarto upang mag-empake.



Just A Little Bit Of Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon