Fourty-Five

3.1K 126 67
                                    

Selena...

Maaga kaming namalengke kanina kailangan namin maghanda dahil tumawag si Juancho sa amin noong nakaraan at bibisita daw sila dito sa bahay kasama si manang Dolores at si Greta.

Excited pa nga sa akin si tiya Ysabel dahil sa mga bisita, ipapatikim daw niya sa mga ito ang kanyang espesyal na kare-kare.

Nagpasya kami na tatlong putahe ang lulutuin para sa hapag mamaya, bumili din kami ng mga kakanin at nagpakuha ako kay Arman ng ilang prutas sa taniman para panghimagas.

"Anong oras sila aalis sa mansyon?" dinig kong tanong ni tiya kay Juaquin na kalalabas lang mula sa kwarto.

"Mga alas nueve po tiya, dalawa hanggang taltong oras po ang byahe mula doon hanggang dito kaya sakto lang po sila sa oras kung sakali." sagot naman nito kahit mukhang kagigising lang niya.

Hindi kasi agad sila natulog ni Nicollo kagabi nag movie marathon pa silang mag-ama at kung anong oras sila natapos ay hindi ko na alam dahil sa kwarto ni Juaquin natulog ang batang paslit.

"Naku mabuti naman at hindi kami magagahol ni Selena sa oras." natutuwang sabi ni tiya.

"Dapat ay hindi na kayo nag-abala pa tiya nakakahiya naman at sila ang bibisita pero mapapagod kayo sa pagluluto." napakamot pa si Juaquin sa kanyang ulo nang masulyapan ko.

"Hindi naman hijo, kaunti lang naman ang aming lulutuin, nakakahiya naman sa kapatid mo at sa mga kasama niya kung wala silang madatnan na pagkain dito sa atin."  magiliw na saad nito.

"Salamat po tiya, hayaan niyo po kapag ako ang nagpasyal sa inyo sa private resort ko ay sisiguruhin ko  na mag-eenjoy kayo roon at makakapagrelax ng husto." napangiti ako sa sinambit ni Juaquin, sigurado na totutohanin niya iyon.

"Ay naku anak na excite naman ako sa tinuran mo, hihintayin ko ang araw na iyon." nasa boses ni tiya ang kasiyahan.

"Pangako tiya isa sa mga araw na ito matutupad iyon."

"O sya at ako ay magluluto pa, magkape kana muna hijo at maiwan na kita." paalam ni tiya at bumalik na sa kanyang ginagawa.

"Sige po tiya."

Nang maiwan na siya ni tiya ay lumapit si Juaquin sa akin at hinalikan ako sa aking ulo.

"Good morning mahal, pasensya na at naabala pa kayo sa pagbisita nina kuya." paghingi nito ng paumanhin sa akin.

"Good morning, ano ka ba walang anuman ito, noong ako naman ang nasa mansiyon noon ay naging maayos at mabuti ang pakikitungo sa akin ni Juancho at nina manang." nakangiti kong tugon.

"Oo at ako lang ang masungit sa iyo noon." napasimangot siya sa na-alala.

Ako naman ay natawa sa kanya, mas apektado pa siya sa akin.

"Nagulat ka lang sa pagsulpot ko noon at hindi mo ako matandaan kaya ganoon ka."

"But It doesn't mean that I can be rude to you, hindi dapat ako umakto ng ganoon, pero ganoon kasi ang defense mechanism ko sa mga tao, I don't trust easily. But you manage to made me trust you and fell for you." paliwanag niya na may kasamang banat pa.

Kaya naman hindi ko mapigilan ang kilig at napangiti ako na abot tenga.

"Sus! Ang aga-aga bumabanat ka diyan, magkape ka na doon at ng kabahan ka." pagbibiro ko sa kanya na ikinatawa naming dalawa.

Tawang kay gaan sa puso.

"But that's true,  mahal, maghihilamos lang ako at ng makapagkape na ako." paalam niya sa akin, tumango naman ako at ipinagpatuloy ang paghihiwa sa mga sangkap na gagamitin namin maya-maya.

Just A Little Bit Of Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon