Selena...
"Yeyyy Dada!!" tili ni Nicollo nang marinig niya ang busina ng kotse ni Juaquin.
Nakangiti akong umiiling, paanong sa kaunting panahon palang ay alam niyang sa kanyang Dada ang tunog ng businang iyon.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at iniwan ang pinapanood na kiddie show sa YouTube.
Nagtatakbo siyang lumapit sa akin at excited akong hinila palapit sa pintuan ng bahay.
"Mama, pagbukash mo ng door shi Dada andyan na pow sha." nagniningning ang mata ng aking munting prinsipe.
"Sure ka na si Dada mo iyon?" pagbibiro ko pero unti-unti ko nang binubuksan ang pintuan.
"Yesh pow mama, tanda ko pow ang bushina ni Dada." napangiti akong muli.
Magdadalawang taon palang siya pero sobrang dami niyang alam sabihin, napakatalinong bata.
"Ok sabi mo e." saka ko na binuksan ng tuluyan ang pintuan ng bahay.
Sakto naman na nasa labas na ng pintuan si Juaquin.
"Dada!!" Salubong ng aming anak sa kanya.
Mabilis na lumapit si Nicollo sa kanya at yumakap sa isang binti nito.
"Hello buddy, na miss mo ba si Dada?" iniabot sa akin ni Juaquin ang dalang mga paper bag at saka niya binitbit ang aming anak.
"Yesh pow Dada." nakalabing saad ni Nicollo saka niya niyakap at hinalikan sa pisngi ang kanyang ama.
"Ang sarap naman ng salubong ng baby ko." masayang sambit naman ni Juaquin.
"Pumasok na tayo sa loob para naman hindi kayo nakatayo diyan." aya ko sa kanila.
"Hello mahal, na miss din kita." nakangiti akong kinindatan ng pilyo.
Nakagat ko tuloy ang aking pang-ibabang labi dahil sa pinipigilan kong ngiti.
"Bolero." saad ko saka na ako nagpatiuna sa pagpasok sa loob ng bahay.
"That's true." sagot niya.
"Oo nga totoong bolero ka." biro ko.
"No, hindi ako bolero, I mean it's true. I missed you." seryoso niyang sabi.
Nagkibit balikat lang ako, bawal ang marupok!
Inilapag ko ang mga paper bag na inabot niya sa akin sa center table.
"Maiwan ko na muna kayo at kailangan kong magluto ng agahan nina Arman at Tiya." paalam ko sa kanila at saka ko na sila iniwan sa salas.
Hindi ko na pa hinintay ang sagot niya, diretso akong naglakad papunta sa kusina.
Inabala ko ang sarili sa gawain sa kusina, alam ko mapapansin ni Juaquin ang medyo pag-iwas ko sa kanya. Pero para sa akin kasi ito, ayaw kong malunod na naman ako sa labis na pag-ibig ko sa kanya.
Natatakot ako para sa sarili ko, baka kasi masaktan lang na naman ako. Baka kahit na na-alala na niya ako ay ma-realize niya na hindi naman talaga niya ako mahal.
Napabuntong hininga ako at umiling, tama na muna ang pag-iisip ko ng kung ano-ano.
At isa pa bonding time nilang mag-ama ito kaya mas mabuti na sila na munang dalawa ang madalas na magkasama.
Juaquin...
Maghapon kaming naglaro ni Nicollo, pati nap time niya ay hindi nasunod dahil gusto niya ay lagi kaming magkadikit.
BINABASA MO ANG
Just A Little Bit Of Your Love
RandomHe forgot the memory of our love. Susuko na sana si Selena dahil mukhang pati puso ni Nico ay nakalimutan na siya. No he is not her Nico, he is the rude, jerk and heartless Juaquin Montereal. Pero bumalik ito sa kanya at sinabing naalala na siya ni...