A friend is someone who can see the truth and pain in you even when you are fooling everyone else.
--
Isang linggo ang nakalipas. Buo na ang desisyon ko. Di ako sasama dahil sobrang mahal ko si dada, di ko kayang iwan sya.
"BB, I have already made my decision" Bungad ko kay Travis over the phone.
"Ooops. Don't say it in this way. Punta ka dito sa bahay. Be formal sometimes, BB" Pagbibiro nya. Buong akala nya siguro ay sasama ako sa kanya.
"Sge. After lunch. Sabihin mo nadin kanila tito at tita. Bye I love you" Sagot ko.
Matagal kong pinag-isipan ang desisyon na ginawa ko. It caused me sleepless nights, alam ni God kung gano ko kagusto pumunta ng ibang bansa with Travis pero may side talagang nangingibabaw, yun ay ang manatili dito sa Pinas para alagaan ang dada ko.
Oo, nanghihinayang ako. As far as I know, sobrang laki ng company na yun at sigurado akong mag-eenjoy ako dun, mahilig din ako sa stars gaya ni tito Tirso. PERO mas magiging masaya ako kung gagaling ang dada ko dahil sa alaga ko.
"BB, tara dun sa dining room" Pagkapasok na pagkapasok ko hinatak na agad ako ni Travis.
"Goodafternoon po" Nagbow ako as a sign of respect then umupo.
"Oh Iha, wag mo na kaming bitinin. Nakapagdesisyon kna ba?" Binigla agad ako ni tito Tirso sa mala-hot seat nyang tanong.
Tumingin ako kay Travis at nginitian nya nman ako. "Opo" Sagot ko. Tumingin ako pabalik kay tito, nag-aantay sya ng sagot.
"Hindi po ako sasama"
"Edi hindi na ko tutuloy" Sabat ni Travis.
"Naiintindihan namin ang kalagayan ng papa mo at ang desisyon mo" Hinimas ni tita Claudia ang kamay ko.
"Hindi kami papayag Travis. Ikaw lang ang nag-iisang tagapag-mana ng company natin. Sa ayaw at sa gusto mo, aalis ka. Sumama man o hindi ang girlfriend mo" Malakas na sigaw ni tito sabay walk out.
"Anak, alam mo namang wala akong magagawa pag papa mo na ang nagdesisyon diba? Pasensya kna" Hinimas himas ni tita Claudia ang likod ni Travis.
"Eh pano nalang kami ni Shane ma?" Nahalata ko sa muka nyang hindi nya talaga ko kayang iwan pero kailangan. Hindi nkasagot si tita at iniwan nya kami ni Travis na magkasama.
"Ok lang ako dito BB, sige tumuloy ka. Pangarap mo yan diba? Gusto mong ikaw magpatakbo ng company nyo kaya susuportahan kita. Pwede naman tayong LDR, as long as mahal natin ang isa't-isa, distance doesn't matter" Words of wisdom ko para mainspire sya.
"Ilang araw nga lang tayong di magkita, miss na miss na agad natin ang isa't-isa tapos magkakahiwalay tayo ng matagal? Baka mabaliw nman ako nyan BB" Protesta nya. Ayaw nya talaga akong iwan, natouch naman ako.
"Pero BB, kailangan e. Kung ako ang tatanungin, ayoko din na umalis ka pero yun yung mkakabuti para sayo. Para satin. Para sa future natin" I looked at him seriously.
"Kakayanin kaya natin?" Seryosong tanong nya.
"Oonaman! Fight lang" Nakangiti kong sagot. "Just promise me, one thing"
"Ikaw nga tong dapat magpromise sakin na di ka manlalalake dito sa pinas e" Pag-aasar nya, binatukan ko nga sa ulo. Natawa naman.
"Baliw. Communication, yun ang mahalaga" Pagputol ko sa pagtawa nya.
"I know" Niyakap nya ko. "Hindi ka pa nagpapromise" Pag-uungot.
Kumawala ako sa yakap nya. "Wow ha? Ako pa talaga magpapromise. Speak to yourself babaero" Sinampal ko sya pero mahina lang.
BINABASA MO ANG
SIGNATURE MAN♀
HumorThere's a difference between who we love who we settle with, and who we're meant for. -- May nakilala ka na bang SIGNATURE MAN? Hindi yung magaling pumirma, o yung may mga signature things. What I mean is, yung lalaking may mga qualities na SIGNATU...