Be nice to everyone, always smile and appreciate things because it could be all gone tomorrow.
--
Di ako nkatulog magdamag. Yung feeling na lahat ng makita kong bagay kamuka ni Travis. Grabe para kong nilalamon ng muka nya. Kabadtrip.
"Cous, kain tayo sa labas, shopping, nood tyo sine, picnic tayo, swimming o kahit ano pa mang gusto mo" Text ko kay Faye pra magkaron ako ng mapagkakaabalahan.
"Andami mong gusto. Wa ako pondo. Tara nlang sa clubhouse, kain tayo mani tapos chitchat" Mabilis nyang reply.
"Sge. Sagot ko mani, sayo chitchat" Reply ko then nag-ayos na.
Agad agad nman akong pumunta sa clubhouse para magliwaliw kasama ang pinsan ko.
"Manong, pabili po mani. Yung walang balat tska di maanghang. Pakidamihan po bawang. 50pesos po" Bumili na ako ng mani bago pa dumating si Faye para ready na agad.
Umupo ako sa isang bench at sinimulang lumapangng mani. Maya-maya dumating nadin sya.
"Cous, grabe kinikilig ako ng todo! Feeling ko mangingisay ako sa sobrang kilig" Bungad nya sakin. Para syang cellphone na nagbavibrate!
"Teka, maghunos-dili ka! Kumaclimax kna agad e kakadating mo plang. Sge huminahon ka at magumpisa sa introduction" I said then pinaupo ko sya sa tabi ko.
Hindi nya pinansin yung hawak kong mani, huminga ng malalim bago nagkwento.
"Si Travis cous" Sinasabi nya palang yung pangalan na yun naiinis nako. Pero may something weird! Bat sya kinikilig?
"Don't tell me nililigawan ka nya? E kahapon ko lang yun binasted a? Ay nako, sinasabi ko na nga ba e! Parehas lang din sya ng ibang lalake, mga walang kwenta! At nagpa-uto ka nman?" I stood up and show my badtrip face.
"La? Pinagsasasabe mo dyan?" She laughed at me. At ako pa ang may pinagsasasabi? Grabe!
Habang tumatawa si Faye, I saw a couple na papalapit samin. I rapidly held the arms of Faye para magtago.
"Ang sarap magmura cous, lasang nutella" Sabi ko sakanya ng nanlilisik ang mata.
Yung couple kuno? Si Hana at Lance. Ay grabe ang kakapal ng muka. Magka-akbay pa! Mukang magkakaroon na ng World War 3 sa Pilipinas.
"Don't mind them, mas kikiligin ka sa ikukwento ko" Faye distracted me habang tinititigan ko yung dalawa.
"Ano? Yung lovestory nyo ni Travis? Na masaya kayo gaya nila Lance at Hana? Oo na! Ako na forever alone" Sarcastic kong sagot then walked out.
Dala dala ko padin yung mani while walking pauwi. Parang gusto kong sumigaw at magtumbling sa kalsada.
"Watta life Shane! Swerte mo sa lalaki grabe!" I said to myself.
Biglang tumulo yung luha ko. I feel so pathetic. Nakakaawa ako grabe. Buti pa yung mani di ako iniiwan.
Shane+You+Foods-You=Happiness.
"Hoy cous para kang tuleg. Kanina pa kita sinusundan!" Nasa likod ko pala si Faye, adik talaga yun.
"Ano? Faye+Travis=Love?" Sagot ko pero di parin humaharap.
"Hahahahaha slow ka pala, di ko alam! But now, I know Hahahahaha" She was laughing and laughing and laughing.
"Oo, slow ako. Ngayon ko lang nalaman na may relasyon pla kayo ni Travis" Pasigaw kong sagot. Binato ko sya ng isang dakot na mani para patigilin ang walang humpay nyang pagtawa.
"Slow na Bobo na Manhid na Tanga na Maganda at mahaba ang buhok Hahahahaha" Bahagya nya kong sinabunutan.
"Pwede paki-deretso na? Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin" I said.
BINABASA MO ANG
SIGNATURE MAN♀
HumorThere's a difference between who we love who we settle with, and who we're meant for. -- May nakilala ka na bang SIGNATURE MAN? Hindi yung magaling pumirma, o yung may mga signature things. What I mean is, yung lalaking may mga qualities na SIGNATU...