Chapter 20: Bipolar Kuno. ♡

79 2 0
                                    

Adjustments and sacrifices are made to see things which are more worth it.

--

"Punta ko sainyo maya BB. See you" Text ni Travis. Mga 10times na sinend.

"Oo na!" sagot ko.

Isa sa mga kinaiinisan ko e yung tinatadtad ako. Ganda ganda ng gising ko tapos yun bubungad sakin. Lakas mka-sira ng araw.

Hapon na nung dumating si Travis sa bahay. FC talaga yun kela mimi, msyadong feeling, kala mo family.

"Hi BB" Bati nya sakin with wide smile.

"Baby tawagan nyo? Ayiie" Singit ng kuya kong muka naring chimpansi kakasama sa girlfriend nya.

"BB po yun kuya, Best Babe" Pagcocorrect nya.

"Nux. Daig pa kme ni Marga ko" Tinapik nya si Travis at pangisi ngisi.

Naiinis ako sa fact na inaasar nila kami ni Travis. Kahit ba biruan lang yun, naaasar padin ako. Di nman kme e, kung mka-asar sila kala mo magpapakasal na kme.

Nagwalk-out ako kse masyado nang malalim ang mga biruan nila ni kuya together with mimi and dada.

Pumunta ko sa room ko mag-isa at nagsoundtrip. Nilakasan ko talaga yung volume para dumagundong ang buong bahay.

I didn't respond sa mga katok at sigaw ni Travis sa labas ng kwarto ko. Gusto nya yatang pumasok at kausapin ako pero di ko sya pinansin, snobber ang drama.

After 2hours ng walang batid kong pagsasoundtrip, nagutom ako. Pinatay ko ang music, wala nkong narinig na boses outside so I decided na lumabas.

I opened the door at andun padin si mokong. Nakaupo at nkasandal sa pinto kaya pagbukas ko, #boomtumba. Nagulat kami parehas, nagreact agad ang cells ko at mabilis kong sinara ulit ang pinto.

"BB, what's your problem?" tanong nya behind the door.

Para itong dramatic scene sa isang tele-novela. Madalas nag-iiyakan pero I wanna change it into our own style.

Idinikit ko ang tenga ko sa pinto at sinabing "Problem? Masyado kasi akong maganda".

"Alam ko nman yun e. Sakin ba may problema ka?" sagot nya.

"Meron" I said then opened the door. Nakadikit pla sya sa pinto kaya npatumba sya ng bahagya.

"Ano?" He lowered his voice, mgkaharap na kse kme.

"Una sa lahat, nabigla lang ako nung snbi kong magpapaligaw ako sayo. Pangalawa, ayoko sa lahat yung ang kulit. Pangatlo, ayoko nung feeling close ka masyado sa family ko. Pang-apat, wag kang umasang sasagutin kita. Pang-lima, you're not my type. Pang-anim, ayoko pang pumasok sa isang relasyon. Pang-pito, iwasan mo na ko dahil ang pang-walo binabasted na kita" I shouted to him.

"Ok Shane. This is the last time you could see me. Thankyou for being part of my life. Sorry sa mga nagawa ko. Goodbye" He said then turn away from me.

Lumuwag ang paghinga ko at ngumiti. I walked to the kitchen and get a lot of foods pero ni isa parang wala akong gustong kainin. I just stared.

♬♪♬♪♩

Bakit di ko maaming wala na ang dating pag-ibig, di na ganun

At hindi ko na kayang piliting muli mong angkinin, di na ganun

♪♬♪♬♩

Parang nananadya yung tugtugan ng kapit bahay namin. Lakas mkabwisit!

"Wag mong sabihing nagsisisi ka?" Biglang may paepal na nagsalita, sino pba? edi yung sarili ko na nman.

"Sabagay, mali ka nman talaga" Kinokonsensya na nman ako ng sarili ko.

"No way! My decision is final" Sagot ko sa sarili ko. I stood up ang widen my smile.

"Snong kausap mo nak?" Napaharap ako sa may pinto at nakita si dada.

"Ahhh di, yung pagkain po! Sabi ko po war muna kme, I'm on my diet" I smiled again then walked away. Iwas pahiya.

Nakita kong pailing-iling si dada while returning the foods to the ref. Akala nya siguro baliw nako.

--

2014. All Rights Reserved.

©JijayPajuls

SIGNATURE MAN♀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon