The best thing I can do for a friend is to be there even when I have nothing else to offer but my presence.
--
"Nak, nagpaalam samin si Travis na dadalhin ka daw nya sa bahay nila, birthday daw nung kapatid nya" maagang bati ni dada sakin.
"Buti pa kayo nainform, ako hindi" sagot ko, malamya pa boses ko kasi kakagising ko lang.
"Mamayang gabi daw yun nak, formal party. Sumama ka muna samin ngayon sa shop para makapili ka ng susuotin mo" singit ni mimi.
"Ok po sge" sumang-ayon nlang ako, mukang mas excited pa sila sakin e.
After naming magbreakfast, dumaretso na kami sa shop. Hiyang hiya tlaga ko sa mga damit na pinasukat sakin nila mimi, although design nya yun at special yun, nkakahiya parin talaga suotin. Ang OA lang kse, ano ko aattend ng prom?
"Mi, Da, ayoko nito. Daig ko pa prom queen namin nung highschool pag sinuot ko to" angal ko sakanila.
I'm wearing a pale pink gown which is designed by mimi and made by dada. Long back bottom with ruffle laces, plain short front bottom, sleeveless see through back, and sequined top in front. Wagas na wagas!
"Sus. Nung isang beses nga gumala lang kayo ni Travis nkaRed na dress ka pa. Ngayon may occassion kaya dapat bongga suot mo!" pang-aasar ni mimi sakin, kung alam nya lang na date namin yun ng ex ko kaya ako nkaganun hmm ..
"Eh pero mi, ayoko talaga. wala na bang mas simple pa dito?" pag-uungot ko.
"May point ang anak mo hon, mas maganda tingnan kung simple lang sya" Sabi ni dada kay mimi. "Eto nak, eto nlang ang suotin mo" May binigay sya sakin.
Sinukat ko and it really fits me, comfortable din ako sa tela at hindi ganun kagarbo. Plain gray cocktail dress na may ribbon na pink sa likod, sleeveless din pero di revealing.
"This is perfect, mi, da!" Bungad ko sa kanila pag labas ko ng dressing room.
"Ang ganda talaga ng anak natin hon, mana sakin" Sabi ni dada kay mimi.
"Maganda pala e, sakin yan nagmana. Kung sayo, edi sana pogi yan" sagot ni mi.
Nagtawanan lang kami. I'm thankful to have these humorous and supportive parents.
--
Maghahapon na nung umuwi ako sa bahay. Naenjoy kong tumulong kela mimi at dada sa shop kaya nagtagal ako dun. Pinauwi nila ko para mkapag-ayos sa party na ppuntahan ko this evening.
"Best, 6pm sharp, sunduin kta" Text ni Travis. Sumagot lang ako ng 'sge'.
Nagshower ako at nagbihis. I wear my dress, at tinernohan ko ng pink sneakers. Hindi ako naglagay ng kahit anong make-up at sinuklay ko lang ang buhok ko. After kong mag-ayos, narinig kong may kumatok.
"Best, I'm here. Tara na?" he said behind the door.
"Coming" sagot ko. Nakita ko sya sa labas na nkaformal suit. Black and white ang color. Nux prom king ang peg.
Inalalayan nya ko papasok ng kotse nya, fully furnished na, pinagawa nya na yata. While on our way, binasag ko ang katahimikan.
"Loko ka talaga! Hindi mo sinabi agad sakin, kela mimi kpa nagpaalam. Para paraan? Kanina lang ako nainform" Tinapik ko sya sa braso.
"Syempre best, para payag agad" Patawang sagot nya sakin.
"Ewan ko sayo!" Inirapan ko sya.
"Best, ganda mo ngayon!" change topic? connect neto sa usapan?
"Ngayon lang?" Nanlaki yung mata ko at tinanong sya.
"Lagi pala best!" tumawa ulit sya.
"Forever and always akong maganda" Sabi ko at ngitian ko sya.
"Pafall, kainlove" simpleng sagot nya.
Inalis ko ang tingin sa kanya at hindi ako sumagot, bka kung san pa mapunta ang usapan.
Nakarating kami sa bahay nila, ang laki grabe. Daig pa white house sa sobrang lawak. Binuksan nung guard yung gate at pagpasok nung kotse, nakita ko yung malaki nilang garden na para bang kasing laki ng luneta park. Nga-nga face ako!
"Astig!" Nasabi bigla ng mga labi ko! Amaze na amaze kasi ako msyado.
Inakay nya ko papasok ng bahay, pagbukas nung pintuang mala-gate sa laki, bumungad sakin ang isang engrandeng party. Awkward, nkarubber shoes ako, akala ko kasi yung party nila e 'partyparty' lang.
"Family, Friends, Relatives and all of the people here, this is Shane Chelsea Vasquez, my girlfriend!" Siniko ko sya ng malakas pagka-announce nya nun.
"Girlfriend ka dyan?" Nakakunot yung noo ko nung tinanong ko sya.
--
2014. All Rights Reserved.
©JijayPajuls
![](https://img.wattpad.com/cover/19733137-288-k219908.jpg)
BINABASA MO ANG
SIGNATURE MAN♀
HumorThere's a difference between who we love who we settle with, and who we're meant for. -- May nakilala ka na bang SIGNATURE MAN? Hindi yung magaling pumirma, o yung may mga signature things. What I mean is, yung lalaking may mga qualities na SIGNATU...