I don't like depending on others because people leave. At the end of the day, all you have is yourself and that has to be enough.
--
Nakatunganga ako ngayon sa harap ng laptop, umaasang mag-oonline si Travis at magpaparamdam kaso wala.
Mag-aapat na buwan na simula nung umalis sya. Habang tumatagal, lalong nagiging malayo ang loob namin ni Travis. Wala na kasi syang time para kausapin ako sa dami ng trabaho nya, ako naman busy sa pag-aalaga kay dada.
Once a week nalang kami kung mag-kausap tapos hindi pa umaabot ng isang oras. Nalulungkot ako sa kalagayan namin ngayon, hindi kasing strong gaya ng dati.
"Nak, andito na si Jarred" Kumatok si mimi sa pinto ng kwarto ko. Lumabas naman ako bigla.
Sanay na ko kay Jarred, lagi syang pumupunta dito sa bahay para i-document ang sitwasyon ni dada. Journalist na kasi sya at gumagawa sya ng documentary about sa sakit ni dada.
Sa araw-araw naming pagbobonding ni Jarred, hindi mapagkakailang naging close na talaga kami pero malinaw ang usapan namin na hanggang friends lang talaga.
Natutuwa akong nandito si Jarred dahil kahit papaano, may tumutulong din sa pag-aalaga ko kay dada. Malaki din ang utang na loob ko sa pamilya nila dahil pati yung mga maintainance medicine ni dada, sila narin ang sumasagot.
"May regalo ako sayo" Sabi sakin Jarred pagkababa ko.
"Di ko naman birthday e" Pabiro kong sagot sa kanya.
"I know" Lumapit sya sakin. "Sigurado akong matutuwa ka sa ibibigay ko" He smiled, yung abot tenga.
"Ano ba yun?" Tanong ko then may inabot sya sakin na sobre.
Binuksan ko yun. Inside it, there's a plane ticket. "Para san to?" Tanong ko sa kanya.
"Alam mo Shane, alam ko at ramdam ko na mahal na mahal mo si Travis. Yan ang pinaka-makakapagpasaya sayo. Puntahan mo sya, yakapin at halikan" Nakangiti nyang sagot sakin.
Napatingin ako kay mimi at kuya na nasa may tabi ko. Tinanguan ako ni kuya. "Go if you want to be happy" Sabi nya.
"Pano si dada?" Tanong ko sa kanila.
Lumapit sakin si mimi. "Ginawa mo na ang lahat nak at nagpapasalamat ako sayo dahil sa walang sawa mong pag-aalaga sa dada mo. Nag-improve na sya at malapit nang gumaling. It's time for you to have a break. Reward mo yan anak kaya tanggapin mo na" Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi.
Tumulo ang luha ko, sa sobrang saya. Napayakap ako kay mimi at nagthankyou ako kay Jarred. Nabigla ako ng malaman kong yung flight ko, tonight na pala.
Hinatid ako ni Jarred at Faye, hindi nakasama sila kuya at mimi dahil walang maiiwan para kay dada pero naintindihan ko yun.
Kinakabahan ako pero natutuwa. Kinakabahan kasi di ko alam kung anong gagawin ko kapag nagkita na kami, Natutuwa dahil finally makakasama ko na ulit ang taong mahal na mahal ko. I wanted to surprise him kaya hindi ko sya nainform about sa pagpunta ko.
Ilang oras din tumagal ang byahe pero ni matulog di ko nagawa. Excited much! Pag-apak ng paa ko sa semento, kakaiba yung feeling. Ibang lugar, ibang mga tao pero dapat maging matatag ako. Ang tanging hawak ko bukod sa bag ko ay ang papel na naglalaman ng address ni Travis.
Naglakad-lakad ako, nagtanong-tanong, nakipag-kilala sa mga tao. Halos tatlong oras na akong naghahanap sa lugar kung saan sya naroon. Matapos ang matyagang pagtatanong, may nakapag-turo sakin kung saan yun.
Nakarating ako sa company nila. Nakausap ko ang secretary nya, hindi daw pumasok si Travis. Hiningi ko nalang ang home address nya. Pagdating ko sa bahay nya, wala rin daw sya sabi ng isang katulong.
![](https://img.wattpad.com/cover/19733137-288-k219908.jpg)
BINABASA MO ANG
SIGNATURE MAN♀
HumorThere's a difference between who we love who we settle with, and who we're meant for. -- May nakilala ka na bang SIGNATURE MAN? Hindi yung magaling pumirma, o yung may mga signature things. What I mean is, yung lalaking may mga qualities na SIGNATU...