Sometimes, two people have to fall apart to realize how much they need to fall back together.
--
"Nak, gising na. May pasok na kayo ngayon!"
Parang ayokong gumising sa realidad na pasukan na nman, 2nd semester na pero di ko parin feel ang course ko. Wala kasing major subject! Puro minor lang at ang chichicken, easy lang.
Kung ako tinatamad, si Travis nman excited. Sabay kaming nag-enroll at ang saya saya nya sa course nya. Anong masaya sa mga math subjects ng course nyang engineering?
"Nak, ano ba? Gising na" Panglabinlimang-libong tawag na ni mimi sakin kaya minabuti ko nang bumangon.
"Opo mi. Maliligo na po" Kauna-unahang respond ko sa libo-libo nyang sigaw.
"Bilisan mo. Sabay sabay ang breakfast, iintayin ka namin sa baba." She said.
Naligo at nagbihis nako kahit tamad na tamad ako, napilitan lang ako. Pagkababa ko, kumain kami ng sabay sabay at after nun, may kanya-kanya na kaming buhay.
Sabi sakin ni Travis, sa gate na daw kami magkita at pumayag nman ako. May communication na kmi ngayon dahil binilhan nya na ko ng bagong sim.
Napansin kong malapit nkong malate kaya binilisan ko na lakad papuntang sakayan ng jeep. Nagmadali ako at tumakbo, hindi ko napansin na may sasakyan pala at muntikan na kong mabangga, buti nlang nagpreno yung driver.
"Miss sorry. Ok ka lang?" Bumama ang isang lalaki. Tall, Dark and Handsome, ang hot nya kahit umaga!
"Yup. Sorry din" Yun lang sinabi ko at nagpatuloy ako sa paglakad ko papuntang sakayan.
"Sabay na tayo? Greendale din ako!" Hinabol nya ko at pinakita sakin ang uniform nya, same school pala kami.
"May kotse ka, ako wala. Magjijeep ako" sagot ko, sarreh hard to get ako, taken na e.
"Edi magjijeep nlang din ako" Pangungulit nya. Sinundan nya ko hanggang sa mkarating kami sa loob ng jeep, tinabihan pa ko.
Nkakabadtrip talaga, 1st day of classes late ako tapos traffic pa? Watta life. Napansin kong tumahimik ang paligid ko, pag tingin ko sa kaliwa, tulog pala ang stalker ko.
I stared at him, parang may kamuka syang artista na di ko maalala. Inisa-isa ko ang features ng muka nya, ang gwapo talaga.
"Anong asset ko?" Biglang dumilat at nginitian ako. Umiwas ako ng tingin, potek pahiya ako dun. "Shane Chelsea Vasquez, BS Psychology, 1678940253"
Pagtingin ko sa kanya, nakatitig sya sa I.D. kong asdfghjkl (mukang ewan) at apat na taon kong pagtyatyagaan. Bigla kong binaligtad para di nya makita at nagpatay malisya.
"Jarred Paolo Shanchez, AB Journalism, 1678956324" He offered his hand, pero di ko tinanggap.
"Tinatanong ko ba?" Taray mode.
"Type ko yung mga babaeng mataray, gaya mo! Fierce" Kinindatan nya ko.
I dunno kung naiilang lang ako o kinikilig din at the same time pero feeling ko nagbablush nko. Di ko nlang sya pinansin, wala akong idea kung anong gagawin.
"Paraaa po! Paraaaaaa!" Biglang sumigaw si Jarred. At dun ko lang napansin na lumampas na kami sa school. Tae kung kelan late? hmf. Bumaba kami at halatang parehas kaming dismayado sa nangyari.
"Ikaw kasi e. Lumampas tuloy!" Sinuntok ko sya sa left side ng braso nya. Ganun ako kabayolente kahit di pa close.
"Wag mo ko sisihin. Tara na! Parehas tayong late" Hinawakan nya yung kamay ko at hinila ako. Napatakbo kami ng sabay, di nko umangal. Go with the flow.
BINABASA MO ANG
SIGNATURE MAN♀
HumorThere's a difference between who we love who we settle with, and who we're meant for. -- May nakilala ka na bang SIGNATURE MAN? Hindi yung magaling pumirma, o yung may mga signature things. What I mean is, yung lalaking may mga qualities na SIGNATU...