Chapter 6

600 22 3
                                    

Chapter 6

Shaila

Napangiti ako nang makita ko ang aking mag-ama na nag-uusap sa sala habang itinatali ni Hunter ang sintas ng anak namin.

"Saan kayo pupuntang mag-ama?" I asked. Mukhang magjajogging sila at hindi na naman ako kasama dahil hindi nila ako ginising.

"Good morning, love." Mabilis na lumapit sa akin si Hunter at ginawaran ako ng halik sa labi.

"Good morning rin sa inyong dalawa."

"Good morning, mommy." Humalik rin sa akin si Shanaia.

"So saan kayo pupunta?" Tanong ko kahit na alam ko na ang sagot doon.

"Jogging!" Our daughter said.

Tinaasan ko sila ng kilay. "Nang hindi ako kasama?"

"Mommy it's not my decision, it's daddy." May paturo effect pa ito sa tatay.

I looked at my husband, nakataas pa rin ang aking kilay. "Love, ayaw lang kitang istorbohin ang sarap ng tulog mo eh." Paliwanag niya.

Napangiti ako sa sinabi niya. "Sige na, magjogging na kayo pero before 7 dapat nandito na kayo for breakfast."

"Ok, love. Let's go, Shan."

"Bye, mommy!"

"Bye, mag-iingat kayo." Nang makaalis ang mag-ama ko ay tumuloy ako sa kusina at nagluto ng almusal after that ay naligo na ako and true to their words before 7am ay nakabalik na sila.


Rogue

"Good morning, Rogue!" Bati sa akin ng makulit kong sekretarya.

I just looked at her without an emotion. "How's the party? Nagkita na ba kayo?"

Doon nagtangis ang aking bagang. She left me there for her so called husband! That lying jerk!

"Naalala ka ba niya?"

How can she remember me if she's suffering from amnesia? According to the private investigator that I hired, may mga bagay na hindi naaalala si Shaila and that includes me...I think.

"I think I know the answer. So what's your plan?" She asked. Hindi ba titigil sa kakasalita ang babaeng ito?

"Shut your mouth." Malamig kong ani.

"Oh, Rogue. Ganyan ka ba talaga ka-cold? I can't believe that Shaila Avery-Lockwood fell for you before. I heard that her husband is a sweet man." She mocked.

"If you say another word, I will sew your lips." Seryoso kong sabi.

Hunter Lockwood is a sweet man? That liar? Ang magnanakaw na iyon? I don't think so.

Nakasimangot na lumabas si Akira sa opisina ko.

Inihilig ko ang aking ulo sa headrest ng upuan ko at ipinikit ang aking mga mata.

"Take me away, Rogue. Please, take me away. Ayoko na sa kanila. No one loves me except you." Iyak niya. "Ikaw...ikaw na lang ang tanging totoo. My mom, my dad even Hunter lahat sila sinungaling, lahat sila."

"I will take you again, Shai and this time I won't let them snatch you away from me."

Tumayo ako para umalis. "Where are you going?" Tanong ni Akira paglabas ko.

"None of your business."

"Ang sungit-sungit mo talaga!" Hindi ko na siya pinansin at dire-diretsong umalis at natagpuan ko ang aking sarili na tinatanaw ang bahay ni Shaila. Saktong lumabas siya sa bahay, I studied her from head to toe. She aged but in a good way, she's far more beautiful and sophisticated, hindi halatang may anak na siya. Nakita kong kumaway siya, tinignan ko ang kaniyang kinawayan and there I saw Hunter and Shanaia. Tumakbo papalapit si Shanaia sa nanay niya, naglabas naman agad ng towellette si Shaila at pinunasan ang anak. Napangiti ako sa nakita ko, magkamukhang-magkamukha sila. Shanaia is her spitting image. Nawala ang ngiti ko nang lumapit iyong magnanakaw kay Shaila at naglabas naman siya ng panibagong towellette, she wiping his sweats at lalong kumuyom ang aking kamao nang halikan ng gagong iyon si Shaila. Hindi na ito nahiya sa anak ko!

Oo, anak ko! I know Shanaia is mine! Akin siya because for f*ck's sake, she's seven years old that means Shaila was pregnant before that accident happened!

"You took them away from me, Hunter Lockwood but I swear to God babawiin ko sila sa'yo. You made my life miserable and it's my pleasure to do the same with yours."


Hunter

"Daddy, I'm tired na." Reklamo ng anak ko. I chuckled, 20 minutes pa lang simula ng makaalis kami sa bahay.

"Agad-agad?" Tanong ko.

She nodded cutely. "Piggyback." Aniya, she threw her arms in the air. Napailing na lang ako pero binuhat ko pa rin siya. "Run, daddy. Run!" She said and so I did.

"Yippee!!" Natawa na lang ako sa anak ko.

Nang mapagod ako ay tumigil ako sa pagtakbo. "Daddy, you can just walk I don't want to get you tired." She said.

"My baby is so sweet."

"Of course! I'm mana to you." Natawa ako sa kaconyohan ng anak ko.

"Daddy..."

"Yes?"

"Kailan ako magkakababy brother? I want a baby brother actually I demand a brother."

Natawa ako sa tono niya. She demands a brother? She's really got that to her mother, so bossy and bratty.

"We are working on it, baby." I said, actually hirap kaming makabuo ni Shaila because of her condition. I know my wife is frustrated dahil gusto talaga niya ng malaking pamilya, she said that she wants to give me a son pero ang sabi ko naman sa kaniya ok na ako kay Shanaia. We are happy and that's enough for me.

"Ok, bilisan niyo po I don't want to wait ng matagal."

"How about a baby sister? Ayaw mo ba ng little sister?" Tanong ko sa kaniya.

"No!! I don't want a sister!" Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

"Why?"

"I'm the only princess! You can't have another princess. I'm your only princess, right daddy? You are my only daddy so I have to be your only baby girl." Aniya.

"Ok, ok but if it's a baby sister you have to accept it." I told her.

"No! Put me down, daddy di kita bati!" I put her down and saw her nose, namumula na iyon at alam kong maiiyak na siya anytime. Natanaw ko si Shaila, kumakaway ito kaya kumaway rin ako, mabilis na tumakbo si Shanaia kay Shai.

"Mommy!"

"What's wrong, baby?"

"Si Daddy, di kami bati! He wants to have another baby girl!" Sumbong nito sa ina, mabilis na pinunasan ng asawa ko ang pawis ng anak namin.

"Kayo talagang dalawa." Napapailing na ani ni Shai pero nakangiti.

"Love, come here. Pupunasan kita." Lumapit naman ako at pinunasan niya ako.

"Thank you, love." I said then gave her a peck on her lips.

Tinampal niya ako sa braso. "Nasa harapan tayo ng anak mo."

"Ayos lang 'yan, gusto na nga niya ng baby sister eh."

"Brother kasi, daddy!!" Ani Shan na ikinatawa namin, inis na inis na ito, pulang-pula na ang mukha. "Di kita bati, nakakainis ka!" Nagdadabog na pumasok si Shan sa bahay.

"Hay naku! Ikaw talaga, ang hilig mong iniinis si Shan."

"Ang cute kasi niya lalo mong nagiging kamukha." Sabi ko.

"Maganda ako hindi cute!"

I chuckled. "Sabi ko nga pareho kayong maganda ni Shan thanks to my genes."

"Hoy, Mr. Hunter Lockwood walang nakuha sa'yo si Shan! Akin lahat. Sige na suyuin mo na ang baby natin baka mamaya tumabi pa yan sa akin at ikaw ang mawalan ng lugar sa kwarto natin. Alalahanin mo Saturday ngayon, mag-eexercise tayo mamayang gabi." She told me with a naughty smile on her face. "Gusto ko iyong kamukha mo naman."

Saturday...my favorite day of the week.


Heroine Series 2: DetritusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon