Chapter 8
Rogue
"What's wrong with you, boss? You look...happy?" Tila nahihiwagang aniya.
I frowned at her. Bakit ba laging sulpot ng sulpot itong babaeng ito? Nakakasira ng mood.
"Ano 'yan?" Tanong pa niya and in just a blink of an eye hawak-hawak na niya ang cellphone ko. Kita ko ang pag-awang ng kaniyang labi. "B-boss, ito ba si Shaila at ang anak niyo? Ang ganda!" Napangiti ako sa tinuran niya. I think this is the first time na nakita niya si Shaila at ang anak ko.
"My daughter's name is Shanaia, Shan for short." Huwag ng Artemis, I know what Artemis means. Noong nagtatrabaho pa ako sa kanila she told me she will name her daughter Huntress or Artemis because of Hunter. Kapag nakuha ko sila, I'm gonna change my daughter's name.
"Grabe! Kamukhang-kamukha ng ina, ang ganda! Walang kinuha sa'yo, boss!"
Sa halip na mainis ay lalo pa akong napangiti, last week ang mall tour ko para sa bagong labas kong album and I was surprised seeing them there, gusto ko na nga silang puntahan pero pinigilan ko ang aking sarili. Shaila doesn't remember me, hindi ko siya pwedeng biglain dahil baka tumakbo siya palayo at puntahan pa iyong gagong Hunter na iyon.
"She's jolly at napakadaldal niya, mana sa ina." I told her.
"Ang ganda ni Shaila, boss pero parang mas maganda siya dito." Inilabas niya ang kaniyang cellphone at nawala lahat ng sayang nararamdaman niya kanina sa nakita. F*ck! It was Shaila and my daughter together with Hunter.
"Kakapost lang ni Hunter ngayon and guess what, boss. Shaila is---" Kinuha ko iyon at ibinato.
"Oy g*go! Yung cellphone ko!! Rogue, bakit mo naman ginawa iyon?!"
"Leave." Mariing kong sabi.
"Boss, iyong iphone ko fully paid 'yon---"
"Leave!!!" Nagdadabog na lumabas siya sa opisina ko. F*ck! That f*cking Hunter stole everything that is meant for me! If I can just kill you, matagal ko ng ginawa.
Hunter
"You will lose today, love." Napangisi ako sa sinabi ng aking asawa habang nagmamasa ng dough.
"2-0, love." Paalala ko sa kaniya. It's our bake challenge today at nagbebake kami ngayon ng donuts and our judge... it's our daughter.
"Hmmp! If I know kinuntsaba mo lang ang anak mo." Aniya na nakasimangot.
"That's not true, mommy!" Angil naman ng anak namin. "I am a fair judge."
"Yes, my daughter is a fair judge. Sadyang mas masarap lang akong magbake. Accept it, love."
"That's not true, nag-aral ako ng baking how come na mas magaling ka?" Giit niya.
"Talent, love talent."
"Are you saying na wala akong talent? Gusto mo bang sa guest room ka matulog?"
At doon ako natahimik kahit pa natatawa talaga ako, ang cute magsungit ng asawa ko.
"Daddy, sa room na lang kita magsleep." My daughter offered.
"See! Pinagkakaisahan niyo ako!" Aniya nabigla naman ako nang biglang pumalahaw siya ng iyak.
Mabilis ko siyang nilapitan at inalo. "L-love, I'm sorry, sorry." Bakit sobrang emotional yata ng asawa ko ngayon?
"M-mommy, sorry the truth you really bake well, super sarap po." Anang anak namin na nakayakap na sa binti ng ina.
BINABASA MO ANG
Heroine Series 2: Detritus
Ficción GeneralShaila Avery Lockwood is living an ideal life with her loving husband and daughter, lahat ng hiniling niya sa Diyos ay nakuha niya. Her husband, Hunter Lockwood is perfect---mahal na mahal siya nito at wala na siyang iba pang mahihiling, she's livin...
