Chapter 1

1.1K 19 1
                                    

Chapter 1

Shaila

8 years ago...

"Holdap 'to." Bigla akong nanigas sa takot nang may maramdaman akong matalim na bagay sa aking tagiliran. Oh my gosh! I'm gonna die here! "Akin na ang bag at cellphone mo!" Inabot ko ang bag at cellphone ko sa kaniya. Nasa isang hindi kilala at makipot akong eskinita kaya malabong may makatulong sa akin.

"Ang ganda mo ah." Oh my gosh! Ito na ba? Rerape-in ba niya ako? Ayoko! Ang pangit niya at kahit gwapo pa siya ayoko pa rin para kay Hunter lang ako!

"K-kuya please pakawalan mo na ako. You have my bag and cellphone na." Pagmamakaawa ko but the goon didn't hear my plead, he started caressing my cheek down to my shoulders. Nanginginig na ako sa takot, I want to scream pero nanghihina ako sa takot so this what it felt, iyong gusto mong lumaban pero hindi ka makalaban because of fear, ni hindi ka makapalag all you can do is cry and beg.

"P-please, kuya wag."

"Sandali lang naman ito, Ms. Beautiful malay mo pagkatapos nito hindi ko na kukunin iyong cellphone mo."

"P-please." Inipon ko lahat ng pwersa ko para maitulak siya kahit pa nangangatog ako sa takot. The guy was surprised kaya nabuwal siya, I run away pero hindi pa ako nakakalayo nang matigilan ako dahil sa isang bulto ng lalake na nasa harapan ko. Hindi ko maaninag ng maayos ang mukha niya kumbaga sa camera against the light.

"Hoy, babae!" Rinig kong sigaw noong magnanakaw. Nilingon ko ito, kita ko ang pagtakbo niya papunta sa akin. Napaiyak na lang ako, mukhang kasamahan niya ito. Napaupo na lang ako sa sahig habang iyak ng iyak.

"Please kunin niyo ng lahat ng gamit ko, wag niyo lang po akong sasaktan!" Sabi ko habang sapo-sapo ang aking mukha.

God, please save me.

Dasal ako ng dasal na sana may magligtas sa akin. Na sana bigla na lang susulpot si Hunter at ipagtatanggol ako pero alam kong imposible iyon, nasa America siya, iniwan niya ako.

"Miss." Rinig kong sabi noong isang lalake, hindi ko siya pinakinggan at patuloy sa pagdadasal, ayoko pang mamatay, ayoko ring ma-rape.

Tinapik ako noong lalake dahilan para mapaigtad ako. "Please, kuya pakawalan niyo na lang ako!! Kung gusto mo pati password ng atm mo ibibigay ko sa'yo! Please lang." Sabi ko na hindi pa rin nag-aangat ng tingin.

I felt that he sat down too then poke my forehead. "Tapos na. Tumba na iyong rapist." Aniya.

I looked at him, di ko pa rin masyadong maaninag ang mukha niya dahil nga sa ilaw pero mas malinaw naman ngayon dahil malapit siya. "H-hindi mo siya kasamahan?"

Umiling ito. "Huwag ka ng umiyak, ligtas ka na. Dalhin na lang natin siya sa pulis."

"H-hindi ka magnanakaw o rapist?"

"Hindi nga." Tumayo siya then he offer his hand. "Tayo na." I grabbed his hand, tinulungan niya akong tumayo. Lumingon ako doon sa nagtangka sa akin, duguan siya at walang-malay.

"Salamat." Sabi ko. Inabot niya sa akin iyong bag ko at cellphone. "Salamat." Sabi ko uli.

Binitbit niya iyong magnanakaw slash rapist at sumunod naman ako at doon ko nakita ng malinaw ang kaniyang mukha. The man is handsome, he has a proud nose, a thin lips and a beautiful eyes, ang haba rin ng pilik-mata niya.

Nang makarating kami sa police station ay kinuhanan ako ng statement at kung ano-ano pa, hindi niya ako iniwanan at thankful ako don. Palabas na kami ng tanungin ko ang kaniyang pangalan.

"Anyway, what's your name? Kanina mo pa ako tinutulungan pero hindi ko alam ang pangalan mo."

"Rogue."

I smiled at him. "Ang ganda ng pangalan mo. I'm Shaila Avery, nice to meet you." Sabi ko. Alam kong alam na niya ang pangalan ko, tinanong kasi noong pulis kanina.

"Sige, aalis na ako." Aniya.

I grabbed his hand. "Wait lang, ititreat na muna kita. Saan mo gustong kumain?"

"Gabi na. Umuwi ka na." Aniya, tama iyong 8:30pm na pero kasi ayoko ng may utang na loob.

"Sige na, kakain lang tayo tapos uuwi na ko. Please."

"Sige na nga." Napapailing na aniya.

"Yehey! Saan mo gustong kumain?"

"Kahit saan." Sagot naman niya.

"Resto o fastfood?" Tanong ko naman.

"Sa mura na lang baka dalhin mo pa ako sa mamahaling restaurant." Aniya

I gave him a cheeky smile. "Ok! Magtaxi na tayo."

"Hindi na meron akong alam na malapit."

Dinala ako ni Rogue sa hindi kilalang resto pero abot kaya ang presyo. I don't know the name, di na rin ako nag-abala.

"Palabok at chicken sandwich." Sabi ko, tinignan ko si Rogue para iparating na mag-order na din siya.

"Goto atsaka lumpiang togue." Parang ang konti naman ng inorder niya, ni hindi nga umabot sa 100pesos.

"Bigyan mo rin kami ng isang coke, isa pang pancit guisado, dalawahin mo na iyong chicken sandwich, porkchop din, sisig at chicken adobo at two rice." Order ko.

"Bakit ang dami mong inorder? Gutom ka?"

Nginitian ko lang siya. "Iyon lang." Sabi ko sa waitress. Inulit niya iyong order ko.

"Ang konti ng inorder mo, nahihiya ka yata kaya ako na ang umorder sa'yo." I said and he just tsked.

"Anyway, thank you talaga sa pagliligtas mo sa akin, if you need anything just call me." Kumuha ako ng tissue at naghanap ng ballpen sa bag ko. Isinulat ko iyong number ko and I gave it to hindi.

"Sige."

"Ilang taon ka na?"

"21."

I pouted my lips. Hindi ba niya ako tatanungin? "Mas matanda ka sa akin, 19 pa lang ako, should I call you kuya?"

"Ikaw bahala."

Suplado! Mabait siya pero suplado. Lahat ba ng gwapo suplado? Pati kasi iyong isang kilala ko ubod ng suplado na nagngangalang Hunter Lockwood.

"Nag-aaral ka ba? O tapos ka na?"

"Hindi, natigil ako."

"Bakit?"

"Kapos sa pera."

"May trabaho ka ba?"

"Pa-extra extra lang."

"Gusto mong magtrabaho sa akin?" I asked him, kumunot naman ang noo niya. "Be my bodyguard slash driver. I heard 15k ang sweldo na ibibigay ni Daddy tapos stay-in, libre rin ang pagkain."

"Hindi ba nakakahiya iyon?"

"Anong nakakahiya? You save me, Rogue tsaka malay mo gawin ka pang scholar ni Daddy, we can be schoolmates pa."

"Pag-iisipan ko."

"Huwag mo ng pag-isipan bahala ka kapag nakahanap si Daddy wala na."

And for the first time I saw him smile. "O sige."

I bit my lower lip tapos nag-iwas din ako ng tingin ramdam ko rin ang pag-iinit ng aking mga pisngi. Ang gwapo niya.

I love Westlife new song. Na-shookt ako kanina ng makita ko sa recommended ko iyong 'Hello my love'---iyan dapat kasi ang title ng story na 'to tapos iyong 'Fragile Heart' nila iyon ang title ng Series #3 ko. Knows yata ng Westlife ang hugot ko sa buhay hahahaha. 😂😂

Heroine Series 2: DetritusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon