Chapter 12

451 15 2
                                        

Chapter 12




Shaila




"Thank you." Sabi niya nang abutan ko siya ng kape. Nandito kami ngayon sa kitchen niya, Shan was sleeping soundly bumaba ng kaunti ang kaniyang lagnat. Hindi ko alam kung anong magic ang meron si Rogue pero parang biglang nagkaroon ng bisa iyong mga gamot na ipinainom ko rin naman kahapon sa anak ko.




"It's the least that I can do for letting us stay here. Anyway, what do you want nutella, peanut butter or mayo?"




Parang natigilan siya sa sinabi ko, may mali ba doon? Tinanong ko lang naman kung anong gusto niyang palaman.




"Peanut butter na lang." We both said and this scene is somewhat familiar pero ipinagkibit-balikat ko na lang iyon. Bahagya pa nga akong natawa dahil sabay na sabay kami.




"You knew." Tila namamangha aniya.




Nginitian ko siya. "Nahulaan ko lang, iyong asawa ko rin mahilig sa peanut butter. Minsan nga inilalagay niya pa sa crackers."




Iyong mangha kanina sa kaniyang mukha ay napalitan ng pagkadismaya. Bakit naman kaya sya madidismaya? "Anyway, my daughter hates it, well actually she's allergic to nuts."




"Like you."




Kumunot ang noo ko and then he cleared his throat. "It's a question."




"Oh. Yes, like me allergic rin ako sa nuts." Of course, it is a question. There is no way na alam niyang allergic rin ako sa nuts.




"Tell me more about your daughter." He said.




"Bakit? May balak ka bang kidnappin ang anak ko?" Biro ko sa kaniya.




"Siguro kapag kinailangan ko ng pera." Sakay niya sa biro ko.




Natawa ako ng mahina. "Makulit at bibo si Shan. Di ko na kailangan pang sabihing maganda ang anak ko dahil kitang-kita mo naman ang pruweba." Pagmamalaki ko. Well when it comes to my daughter nagiging mapagmalaki ako. "Mabait na bata si Shan, may pagkapilya nga lang spoiled pa sa tatay, you see she's a daddy's girl. Siguro kung maghihiwalay kami ng husband ko at papipiliin siya, si Hunter ang pipiliin niya." I said while smiling, masaya ako na ganoon ang mag-ama ko just like how my dad and I. "Pero hindi naman kami maghihiwalay ni Hunter, we've been through a lot at alam kong panghabang buhay na 'to."




"Are you happy?" Aniya na parang may bahid na sakit.




Walang pag-aalangang tumango ako. "They are my life, Rogue."




Ilang segundong namayani ang katahimikan sa pagitan namin at tila napuno ng kalungkutan ang kaniyang mga mata. "How about you? Do you have a family?" Nakangiting tanong ko.




"Meron dapat." He said while his eyes are now full of anger and despair.




"What happened?" Hindi ko napigilang itanong. "I don't mean to pry, you don't have to answer that."




"I have a daughter but she doesn't know that I'm his father."




Natigilan ako sa balak kong pag-inom ng gatas nang marinig ko ang kaniyang sinabi. May anak na siya? Kaya ba I saw longing on his eyes while hugging my daughter?




"Anong nangyari?" Katulad rin ba siya ng ibang lalake na nang malaman na nakabuntis ay tatakasan ang babae tapos ngayon ay nagsisisi na pero huli na ang lahat dahil ayaw na noong nanay ng bata?




He sighed. "Her mother doesn't even know that I'm the father."




At doon ako lalong naguluhan. The woman doesn't know? Ano iyon? Sa dami ng lalake niya hindi niya alam kung sino ang tatay ng anak niya?! And Rogue knows na kaniya iyon?! Pambihira!




"She's not a bad woman, Shaila." Pagtatanggol niya na para bang nababasa ang nasa isip ko.




"Not a bad woman?! Rogue, ni hindi niya alam na ikaw ang ama ng anak niya?! And how the hell did you know na sa'yo ang bata?! Are you even sure na sa'yo nga?!" Medyo galit na utas ko and then I realized na wala naman pala akong karapatang mag-react ng ganoon, we're not even friends, he's just a good samaritan who saved me and my daughter. "Sorry." Nahihiyang sabi ko.




"She met an accident and forgot me. I was erased in her memories at iyong gagong asawa niya ngayon ang naglayo sa mag-ina ko. They are mine, Shaila. Kukunin ko sila, I will assure you na kukunin ko sila pabalik because they are mine to begin with." Kita ko ang determinasyon sa kaniyang mukha. Mukhang gagawa talaga siya ng paraan para mabawi ang kaniyang mag-ina and somehow I can understand him kasi kung sa akin mangyayari iyon ay baka makapatay pa ako which I know is wrong sa batas ng tao at sa batas ng Diyos.




"I'm sorry." Hingi ko ng patawad. "Sorry for judging without even listening to your story."




"It's not your fault kaya wag kang humingi ng sorry."




Natahimik ako. Di ko na kasi alam ang sasabihin ko, naaawa ako sa kaniya pero hindi ko na siguro kailangan pang sabihin iyon dahil baka ma-offend lang siya at magalit.




"You know what, I got on an accident too...together with my husband. I also forgot my memories at hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakaalala." Kwento ko.




"Hindi ka man lang ba interesado sa nakaraan mo?"




"Of course, I'm interested and curious pero wala naman akong magagawa kung hindi ako makaalala, I tried naman eh, nagpatherapy na ko't lahat-lahat pero wala namang nangyari. Sumasakit lang ang ulo to the point na mahihimatay ako sa sakit so my husband said na hindi importante kung nakakaala ba ako o hindi ang mahalaga ay mahal niya ako at magkasama kami."




"You're cruel." He said the ikinabigla ko.




"W-what?"




"You're happy with your present but what about the people you forgot? The woman I love lost her memories, ano sa tingin mo ang mararamdaman ko kung maririnig ko mismo sa kaniya ang mga salitang binitawan mo? Nakalimot ka, alam kong mahirap ang sitwasyon mo pero hindi mo alam ang sitwasyon ng taong nakalimutan." Puno ng hinanakit na aniya. He is in pain. Alam kong nasasaktan siya.




"She doesn't recognize me, Shaila! I didn't get the chance to see my daughter when she was a baby, I didn't even know her first word, I can't even hug her whenever I want to!" He is in pain and I inflicted it nang dahil sa salitang nabitawan ko. "So tell me, hahayaan ko na lang ba siya at ang anak ko sa lalakeng iyon dahil masaya na sila?! Paano naman ako? Paano ako?" Aniya. "For f*cking seven years I lived in pain and it is eating me alive. I want them to be happy but I can't let them with that man. I want them with me." He said. I was shocked when I saw tears streaming down to his cheeks. A second later, I found myself hugging him.




"I'm sorry for being insensitive." Hingi ko ng tawad. Humigpit ang yakap niya sa akin. "I'm sorry because I inflicted that pain...I'm sorry."




Ang dami ng nagrereklamo sa akin kesyo ang tagal ko daw mag-UD. Pasensiya na po pero busy lang talaga ako, pasasaan ba't magkakaroon rin ako ng time tapos araw-araw na kong mag-uud hahaha.

Heroine Series 2: DetritusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon