Chapter 15

473 12 1
                                        

Chapter 15

Akira

"Are you ok, boss?" I asked.

"Kailan ba ako naging ok?" He asked me back. Inisang lagok niya ang brandy na nasa harap niya habang nakaupo sa sahig, nandito ako ngayon sa bahay niya. Sa bahay na ipinatayo daw niya para sa pamilya niya. "That bastard really did a good job. Mahal na mahal siya ng anak ko. Mahal na mahal siya ni Shaila and it's suffocating while watching them loving him dahil ako dapat iyon. Ako dapat ang nasa pwesto niya. Ako dapat ang mahal nila. Kami dapat ang may family room." Sumandal siya sa pader. He's a mess! I can feel his sadness at para akong maiiyak. Nakakainggit. How can a man love a woman like this?

Umupo ako sa tabi niya. "Your plan failed. Iyong ipinadala kong babae para akitin si Hunter hindi nagtagumpay." I saw the video at kahit pa lasing or should I say we drugged Hunter Lockwood ay hindi pa rin ito natinag.

"No! You're not my wife!"

"I am your wife. Baby, please." Pilit ng babae.

"L-liar! I know my wife's scent." Kita ko ang paghihirap nito, pinagpapawisan ito ng malagkit dahil sa droga na pinainom dito. Pilit siyang tumatayo ngunit pinipigilan siya noong babae siguro ay nairita na ito kaya malakas nitong hinawi ang babae. Hirap itong naglakad papunta sa banyo at buong gabing nagkulong sa banyo.

Ang swerte naman ni Shaila, dalawang lalake ang nagmamahal sa kaniya ng sobra.

"Why? Hindi ba maganda ang babaeng pinadala mo?"

I rolled my eyes. "Rogue, kahit yata si Catriona Gray ang ipadala ko doon ay tatanggihan pa rin ni Mr. Lockwood. That man is obsessed with his wife, alam nga niya iyong scent eh." I sighed.

"Of course, he's obsessed with my Shaila! He snatched her away from me!"

"Boss baka umuwi iyon kapag ipinilit natin iyong babae."

His jaw moved. "Fine, keep an eye on him."

"Noted, boss."

"Now, leave." Aniya

"Grabe siya oh! Ang cold mo talaga, I met Hunter kahapon sa summit. Ang cold rin niya tulad mo at muntikan na niyang balibagin iyong babae dahil lapit ng lapit sa kaniya." Kay Shaila lang yata nagiging malambot ang dalawang lalakeng ito.

"Stop talking about him."

"Rogue, kaya ako bumalik dito para magreport sa inyo tungkol kay Mr. Lockwood malamang siya ang bukambibig ko."

"Then tell me, paano ko siya mapapabagsak?"

"In terms of business, you can't bring him down. The Lockwood industries is growing strong, palaki ito ng palaki, it's a growing empire."

"I don't care about the business, I want my family."

I smiled sadly. I want a man like him.

Shaila

"Hi!" Halos mapatalon ako nang biglang sumulpot sa harap ko si Rogue.

I smiled. "Hi! What are you doing here?"

He shrugged. "Naglilibot-libot. How about you?"

"Hi, Tito Rogue!" Bati sa kaniya ni Shan

"Hello, baby girl."

"Magsa-shopping po kami ni mommy."

"Can I join you?"

He will join us? Hindi ba parang nakakailang naman iyon?

"R-rogue---"

"Of course po! Are you going to buy me a harp?"

"Shan!" Mariin pero mahina kong bawal.

"What? Tito Rogue promised me that he will buy a harp, a drum set and a saxophone."

I looked at her with disbelief. "You asked him to buy you those instruments?"

"He offered, di ba po Tito?"

Tinignan ko si Rogue. He smiled. "I offered."

"No. Rogue, hindi mo kailangang bilhan ng kung ano-ano ang anak ko."

"It's a gift."

"I'm sorry but it's a no, ayokong masanay si Shan na nanghihingi lalo pa sa ibang tao. It's enough na spoiled na siya sa tatay niya at sa grandparents niya."

"Hindi ako ibang tao, Shai." Malamig na ani niya. Maybe he is offended pero totoo iyong sinabi ko. Ayokong maging spoiled brat ang anak ko.

"I'm sorry but...it's a no."

"Mommy,"

I looked at my daughter, iyong tingin na alam niyang hindi ko siya pagbibigyan.

"It's ok, Tito Rogue. I'm still learning pa naman po how to play a violin." Sabi ng anak ko.

Bigla akong nakaramdam ng guilt nang makita ang mukha nilang dalawa. Para ko silang pinagkaitan ng kasiyahan.

"Can I at least buy her a toy?" Ani Rogue na may bahid ng pagmamakaawa sa kaniyang boses

I was hesitant pero naalala ko ang kaniyang kwento. He is living a not so happy life kaya tumango ako. Kaagad namang lumiwanag ang kaniyang mukha ganoon din ang anak ko. Alam kasi ni Shan na hindi ko siya bibilhan ngayon, we are here to buy some clothes. Gusto ko nga sanang bumili na ng mga feeding bottles kaya lang gusto ring nandito si Hunter.

"Let's go." Iginaya niya kami sa toy store.

"How many toys can I buy po?" Tanong ni Shan kay Rogue.

"Buy anything you want."

Oh, boy! He is going to spoil my kid. He can't spoil his kaya ang anak ko ang ini-spoil niya.

"Just one." I told them.

"Three." Ani Rogue na nakikipagnegosasyon.

"One." I told him.

"Two?" He asked nicely and I can't say no with his pleading eyes! Ang gwapo ng mokong na 'to! Kung hindi lang ako kasal, magkakacrush ako sa kaniya. Crush lang kasi ang puso ko ay para lang kay Hunter.

"Fine!"

Kinuha niya ang kamay ng anak ko at ang tanging ginawa ko lang ay panoorin sila. I can see that Rogue is happy and so as my daughter. Miss na miss na siguro niya ang anak niya pati iyong babaeng mahal niya. We met at the party at doon pa lang ay ramdam ko na ang kaniyang lungkot, medyo nalilito lang ako sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Naaawa ako sa kaniya dahil kung ako ang nasa lugar niya siguro ay hindi ko kakayanin.

Heroine Series 2: DetritusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon