Chapter 18
Shaila
"Love!" Mabilis kong dinaluhan si Hunter. Umaaray ito pero nang hawakan ko siya ay bigla na lang ako hinila at ninakawan ng mabilis ng halik.
"Surprise, Love!" He said.
Tinampal ko siya. "Nasaktan ka na nga inuna mo pa ang kalandian mo!" Galit na sabi ko.
"Sorry na, love tsaka huwag ka na uling tatakbo baka mapaano si baby." Aniya sabay haplos sa tiyan ko.
"Sino kayang may kasalanan kung bakit ako tumakbo?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Kaya nga sorry na love. Don't you miss me?" Pinahaba pa nito ang nguso. Halatang nagpapacute ang mokong.
"I missed you but don't pull something like this again. Paano kung napahamak ka?!" Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Sorry na, love. I love you."
My heart melts because of his 'I love you'. Kainis!
"Hindi pa ba tayo tatayo?" Mataray kong tanong para mapagtakpan ang paglambot ng puso ko.
"Tatayo na, love tapos diretso na sa kwarto." Pilyong sabi niya.
Binatukan ko naman siya. Umaray uli siya. "Grabe ka sa'kin, love. Dati-rati lang hinabol-habol mo ko ngayong nakuha mo na ko binabatukan mo na lang ako? Susumbong kita kay Shan."
"Hoy, 'yong bibig mo naman!" Panigurado mas babastos pa mamaya ang bunganga ng lalakeng 'to.
Inilibot ko ang tingin ko sa buong kabahayan. Nasaan sila Hilda?
"Sinong hinahanap mo, love?"
"Sila Hilda. Bigla na lang nawala."
"Huwag mo na silang hanapin." Hinawakan niya ang baba ko at hinarap sa kaniya ang aking mukha.
"All eyes on me, Mrs. Lockwood. Ako lang ang pwede mong hanapin at makita." He said while looking at me. He's so serious and hot! Sh*t! My hormones are kicking in!
"S-sira! O pano si Shan?!" Sabi ko na lang.
"Ako muna, love. Mamaya na si Shan." Aniya. Binuhat niya ako.
"Ay! Ano ba, Hunter?! Hindi ka ba napagod sa byahe mo?" Nag-umpisa na siyang maglakad.
"Napagod so please pamper me." He said cutely. He even pouted his lips.
Jusko! Mamamatay ako sa kakisigan ng asawa ko. My heart is running wild. Binaon ko ang mukha ko sa kaniyang dibdib while he's still carrying me. "Hun, please stop." I said. I know my cheeks are red as an apple now.
"Stop what?" Takang-takang tanong niya.
"Stop making me f-fall. Masyado na kitang mahal, I d-don't even know what I'll do kapag mas minahal pa kita. I m-might eat you alive." My voice is shaking while saying it. Para akong teenager na nagconfess sa crush niya. Hiyang-hiya ako.
Naramdaman kong tumigil siya sa paglalakad. Nag-angat ako ng tingin. He's looking at me. Parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko pero sandali lang iyon, napalitan agad iyon ng masayang ngiti tapos biglang naging pilyong ngiti. "I'm all yours, love. You can eat me anytime...anywhere." He said then winked at me.
BINABASA MO ANG
Heroine Series 2: Detritus
Ficción GeneralShaila Avery Lockwood is living an ideal life with her loving husband and daughter, lahat ng hiniling niya sa Diyos ay nakuha niya. Her husband, Hunter Lockwood is perfect---mahal na mahal siya nito at wala na siyang iba pang mahihiling, she's livin...
