Chapter 3
Rogue
Ilang ulit kong hinaplos ang gilid ng aking labi na pinunasan ni Shaila gamit ang kaniyang daliri. Hindi maiwasang hindi bumilis ang tibok ng puso ko at alam ko kung bakit. Gusto ko siya, may gusto ako sa kaniya. Unang kita ko pa lang sa kaniya sa eskinita na umiiyak at nagmamakaawa ay tila nakakita ako ng anghel, ang ganda-ganda niya at ngayong nakikilala ko siya ng husto ay lalo ko siyang nagugustuhan. Hindi lang siya maganda sobrang bait pa.
"Kaibigan kita, Rogue." Napahilamos ako sa aking mukha. Kaibigan...gusto lang niya akong maging kaibigan at imposibleng magkagusto siya sa akin, magkaiba ang mundo namin, isa lamang akong laki sa Quiapo, ni hindi ako nakapagtapos ng highschool. Sa hirap ng buhay kailangan kong magtrabaho para sa sarili ko, para makakain ako.
Isa pa, may mahal na siyang iba at mukhang mayaman rin, VP of ano nga ba iyon? Basta VP---vice president yata iyon. Hindi ko naman sinasadyang makinig, talagang nakalimutan lang niya na nandoon ako kaya ako na ang kusang umalis pero bago ako makaalis ay nagkatitigan kami noong lalake---kunot na kunot ang noo niya na para bang gustong pumatay ng tao, doon sa narinig kong usapan nila ang tingin ko ay si Shaila lang ang nagmamahal pero noong nagkatinginan kami, nakita ko doon ang galit at disgusto, at isa lang ang ibig sabihin noon, may gusto rin iyon kay Shaila kaya mas lalo akong walang pag-asa.
Humiga ako sa kama na nasa kwarto ko, ang yaman-yaman nila pati driver na katulad ko ay may sariling kwarto, kamang matutulugan at aircon. Doon sa tinitirhan ko noon, banig lang ang higaan ko ni walang electric fan, kapag wala akong raket at sobrang init ay pupunta ako sa isang mall para doon magpalamig. Pumikit ako at pagkapikit ko ay ang magandang mukha ni Shaila ang aking nakita. Nagmulat akong muli, kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko, ayokong mawalan ng trabaho, maganda na ang kalagayan ko dito kaya hindi ako pwedeng pumalpak.
Nakarinig ako ng katok kaya tumayo ako para buksan iyon at ang bumungad sa akin ay ang namumulang mata at ilong ni Shaila. Napaawang ako ng bibig. Anong nangyari sa kaniya?! Bakit siya umiiyak?! Bago pa ako makapagtanong ay bigla niya akong niyakap.
"A-anong---" Natigil ako nang humikbi siya at pumalahaw ng iyak. Hinayaan ko siyang umiyak sa dibdib ko, hinaplos ko iyong likod niya.
"Ang daya niya. Ang daya-daya niya." Aniya. "I-i hate him, ayoko na sa kaniya, ayoko na sa lalakeng wala namang ginawa kundi ituring ako na paslit, ituring bilang nakababatang kapatid." Umiiyak siya dahil doon sa kausap niya?! Pinaiyak siya noong lalake?!
Napatiim ako ng bagang. Anong karapatan niyang paiyakin si Shaila? Kahit pa mayaman siya kapag nagkita kami babasagin ko ang mukha noon!
Bahagya siyang humiwalay sa akin at tinitigan ako. "Bakit hindi niya magawang tignan ako bilang babae? Mukha ba kong eight years old?!" Aniya. "Titigan mo ko! Mukha ba kong bata?!"
"Hindi." Dalagang-dalaga na siya at sobrang ganda niya kahit pa namumula ang kaniyang matangos na ilong. "Sinungaling! Magkasing-edad lang kayo eh." Tinampal niya iyong braso ko. "Nakakainis siya, Rogue! Bakit ba hindi niya ko makita bilang isang babae na kaya niyang mahalin?!" Isinandal niya ang kaniya ulo sa aking dibdib. "Alam ko naman eh. Alam kong wala akong panama sa mga babaeng umaaligid sa kaniya pero ano ba naman iyong bigyan niya ako ng konting chance? Mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal." At habang nakikinig ako sa mga hinaing niya ay parang hinihiwa ang puso ko. Dapat ko na talagang pigilan ang nararamdaman ko dahil wala itong patutunguhan.
Napangiti ako ng mapait. Hinding-hindi niya ako mamahalin dahil may mahal na siyang iba at kumpara sa lalakeng iyon ay para lamang akong langgam na pwede niyang tapakan at durugin ng hindi man lang pinagpapawisan.
Kinabukasan ay pumasok sa kotse si Shaila nang nakangiti at parang masayang-masaya bagay na ikinagulat ko. Kahapon lang ay umiiyak siya ngayon naman ay mukha siyang tumama sa lotto.
"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kaniya na ngiting-ngiti sa tabi ko at mukhang nakuha niya talaga ang gusto kong itanong sa kaniya.
"Yes. Nagpaliwanag na si Hunter, hindi naman pala niya girlfriend o fling iyong babaeng nakita ko sa condo niya. Kaibigan lang niya iyon tapos doon nakitulog dahil may aksidente daw at baka di daw makauwi."
At naniwala naman siya sa alibi na iyon? Based sa kwento niya kagabi naka-nighties daw iyong babae. "Magkaibigan tayo, di ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo naman."
"Huwag ka masyadong maniwala sa lahat ng sinasabi ng lalakeng iyon." Payo ko.
"Tingin mo ba nagsisinungaling siya?" Hindi ko siya sinagot. "Siguro kung ibang lalake, oo pero si Hunter iyon eh hinding-hindi siya magsisinungaling sa akin. Straightforward at honest siya, sa sobrang honesty niya pinatay niya agad ang hopes ko sa kaniya pero syempre hindi ako susuko. Pasasaan ba't mamahalin rin niya ako."
Napailing na lang ako. Dismayado ako, saan nga ba ako dismayado?
"Anyway, uuwi daw siya sa birthday ko. He wants to celebrate it with me, iyong kaming dalawa lang daw, pupunta kami sa Bora." Masayang-masaya niyang balita. "And I'm so excited! Kailangan ko ng magdiet to achieve the body goals!"
Hindi ko napigilan ang paghigpit ng hawak ko sa manubela. "Kailan ba ang birthday mo?"
"Sa May pa."
"Matagal pa."
"Malapit na kaya!" Giit niya.
"Wala na kong sinabi."
"Anyway, my friend send me this. There's an event, a wedding and they asked me to sing there but I declined it and said that I knew someone who has a good voice."
Nakakaintindi naman ako ng ingles kahit pa hindi ako nakatapos pero dahil sa bilis niyang magsalita ay hindi ko nasundan ang kaniyang pinagsasabi.
"Hindi kita maintindihan ang bilis mong magsalita."
"Oh, sorry!" Aniya.
Ngumiti ako habang nakatingin sa daan. "Ayos lang, sorry din dahil hindi kita nasundan."
"So...may event iyong ate ng kaibigan ko at wala silang singer, iyong bride kasi gusto daw may singer na kakanta habang naglalakad siya sa aisle at inir---inirekomend---I recommended you. Ano ba 'yan nabubulol ako." Aniya dahilan para matawa ako.
"Ikaw ah! Binubully mo ko. I know how to speak tagalog or Filipino sadyang nabulol lang ako."
"Sige nga, sabihin mo nga nakakapagpakababag." Pucha! Nabulol rin ako!
Tumawa ng malakas si Shaila. "Ha! Bulol ka rin. It's nakakapagpababa---oh, forget it!"
Ako naman ang tumawa, tumawa na rin siya. "I think we need to take Filipino classes." At napuno ng tawa ang buong kotse.
BINABASA MO ANG
Heroine Series 2: Detritus
Ficción GeneralShaila Avery Lockwood is living an ideal life with her loving husband and daughter, lahat ng hiniling niya sa Diyos ay nakuha niya. Her husband, Hunter Lockwood is perfect---mahal na mahal siya nito at wala na siyang iba pang mahihiling, she's livin...
