Chapter 13
Shaila
"Good morning, Mommy." Bati sa akin ni Shan nang magising siya, dito na kami nagpalipas ng gabi dahil walang tigil ang ulan and thankfully ay magaling na siya.
"Good morning too, baby. How are you? Still dizzy?"
Umiling ang anak ko. Yumakap siya sa akin. "I'm hungry, mommy."
Natawa ako sa sinabi niya. Ni hindi man lang niya napansin na nasa ibang lugar kami. "Ok, we will eat pero may sasabihin muna si mommy."
"What is it, mommy?"
"Nasa ibang house tayo, I have a friend who helped us kasi na-stranded tayo dahil sa flood so be nice to him. Say thank you."
"Who is he, mommy?"
"His name is Rogue, he is a new friend kaya hindi siya kilala ng daddy kaya kapag tumawag ang daddy mo don't tell him agad-agad about your Tito Rogue, ako ang magkukwento sa kaniya."
Ngumuso ang anak ko. "Why? Why can't I make kwento to Daddy?"
Natawa ako sa kaconyohan ng anak ko, kasalanan 'to ng mga kaibigan ko, nahahawa ang anak ko. "Pwede ka namanh magkwento sa daddy mo pero huwag muna iyong tungkol kay Tito Rogue. You know your dad he will get upset kapag may new guy friend ako so ako muna ang magkukwento para ma-explain ko sa kaniya ng maayos."
"Ok po." Buti na lang at napapayag ko siya kung hindi baka mapauwi ng wala sa oras si Hunter.
"Let's go." Tatayo na sana si Shan nang biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Rogue na may tulak-tulak na tray na mga pagkain.
"Good morning." Bati niya.
"Good morning." Bati ko pabalik, I looked Shan and she knows what to do.
"Good morning po, Tito Rogue."
"Good morning. Are you hungry?" Ngiting-ngiti ani Rogue.
Mabilis na tumango-tango si Shan. "Great, I brought you some foods."
"Mommy, I'm not sick anymore. Can we eat in dining?"
"Of course, baby." Sabi ko. Tinitigan ko si Rogue at tumango naman siya.
"Susunod na lang kami, Rogue."
"Sige." Lumabas siya at sinimulan kong ayusan si Shan, pinunasan ko siya at pinagmumog.
"Huwag masyadong magalaw, anak baka mabinat ka." Paalala ko.
"Yes, mommy." Nang matapos na ay bubuhatin ko sana siya ng pinigilan niya ako. "No! Daddy said you can't buhat me because you are pregnant. Ayoko pong masaktan ang baby brother ko."
Well-oriented talaga 'to sa tatay niya. Lahat ng bawal sa akin ay alam niya pati kape sa hapag ay pinagbabawal na medyo nagiging OA na. Sabagay pareho naman silang OA pati ang pagtayo ng matagal ay bawal.
Pinisil ko ang kaniyanh pisngi. "Sorry na po, ate. Halika na."
Pagdating namin sa hapag ay nakaayos na ang lahat. Ang dami ring ulam. "Nasaan si Manong?" Tanong ko.
"Nagpaalam kanina noong natutulog pa kayo, ipapaayos daw iyong gulong ng kotseng dala niyo."
Una kong pinaupo si Shan sa tabi ni Rogue, nakakahiya kasi kung mag-iiwan kami ng isang space kapagkuwan ay umupo naman ako sa tabi ng anak ko.
BINABASA MO ANG
Heroine Series 2: Detritus
General FictionShaila Avery Lockwood is living an ideal life with her loving husband and daughter, lahat ng hiniling niya sa Diyos ay nakuha niya. Her husband, Hunter Lockwood is perfect---mahal na mahal siya nito at wala na siyang iba pang mahihiling, she's livin...
