Chapter 17

370 9 2
                                    

Chapter 17



Rogue



"Seriously? Magiging teacher ka?"



Hindi ko pinansin si Akira. I already arranged everything. I will be my daughter's music teacher.



"The great phantom will be a teacher?" Dagdag pa niya.



"What's the problem with that?" Anak ko ang tuturuan ko syempre may mga ibang bata doon pero ang mahalaga ay makasama ko si Shan at maaari ko iyong gawing paraan para mas mapalapit sa mag-ina ko.



"Paano kung bumalik si Hunter?"



"Then he should be afraid dahil kukunin ko na pabalik ang para sa akin." I can't waste time dahil alam kong mas mahihirapan ako kung mas patatagalin ko pa.



"Kukunin pabalik...how sure you are na sasama sila sa'yo?"



My jaw clenched. "Sasama sila sa akin dahil ako ang tunay na mahal ni Shaila at ako ang ama ni Shan."



"Ipina-DNA mo na ba ang bata?"



"No need for that, alam kong akin siya. Shaila was pregnant nang maaksidente sila and that only means one thing, Shanaia is my daughter."



"But still you need a DNA test result dahil baka hindi maniwala si Shaila sa'yo knowing how much she cares or should I be savage to say, she loves her husband." I heard her sighed. "At kung anak lang ang alas mo, may I remind you that Shaila is pregnant at si Hunter ang ama so I advise you na gumawa ng konkretong plano because every step you take might break you."



"Break me?" I laughed. "I'm already broken and the only thing that can fix me is my family." Matagal ng sira ang buhay ko, matagal ng wasak ang aking puso and that because of Hunter Lockwood!



"Sigurado ka ba sa desisyong ito? Pwede pa kitang ihatid pabalik sa inyo." Sabi ko habang nakatingin sa kaniya. Kanina pa siya tahimik. "Mahal kita, Shaila pero hindi ako sigurado kung tama bang sumama ka sa akin." Hindi ko maibibigay ang buhay na kaniyang nakasanayan. Isang hamak na driver lang ako. Kung hindi pa niya ako tinulungan hindi pa ako magiging driver.



Tinignan niya ako. "Ayoko na sa amin. They are all liars. Lahat sila pinagkakaisahan ako." Aniya kasabay nang pagtulo ng kaniyang mga luha. "Ikaw lang, ikaw lang ang totoo. So please don't leave me, huwag mo akong ibalik sa amin. I have my savings with me, Rogue we can start a new life." Sabi niya na may pagmamakaawa.



Lumapit ako at niyakap ko siya. "Mag-uumpisa tayo. Pasasayahin kita. Mamahalin at kahit kailan hindi kita sasaktan."



We start a life together. Masaya kami. Hanggang sa isang araw ay hindi ko nadatnan si Shaila sa apartment na inuupahan namin. Naghintay ako, I waited and waited pero hindi siya bumalik. Hinanap ko siya but she vanished without a trace. Noong una nagalit ako sa pag-aakalang iniwan niya ako pero kahit na ganoon ay ilang beses akong nagpabalik-balik sa bahay nila kahit pa wala siya doon pati ang kaniyang pamilya. Ang laging sinasabi sa akin nila Manang ay nasa Amerika pa rin sila hanggang sa lumipas ang mahigit isang taon ay ibinalita na lang sa akin ni Manang na ikakasal na si Shaila kay Hunter. That they were building a family at may anak na sila. So I promised myself na maghihiganti ako sa kaniya and to fulfill that kailangan kong magkapera. Sumali ako sa isang singing contest, I won even with my mask on pero kulang iyon kaya sumali ako sa isang sindikato. I'm not a good person, my money came from illegal deeds. That time I don't care anymore basta ang gusto ko lang ay makapaghiganti. When I learned the truth, na hindi naman talaga ako ginago ni Shaila, tumiwalag ako sa grupo pero hindi naging madali ang pag-alis ko. Tiniis ko lahat para sa mag-ina ko at hindi ako makakapayag na mawala pa sila sa akin lalo pa at ganito na sila kalapit.




Heroine Series 2: DetritusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon