Chapter 4
Shaila
Ngiting-ngiti ako habang pinapanood ko iyong bride na naglalakad habang si Rogue ay kumakanta, sumama ako sa kaniya dito sa Laguna kung saan gaganapin iyong kasal na inayos ng kapatid ni Serenity---pang-limang beses na rin siyang kinukuha bilang singer. It's a garden wedding at napakaganda talaga ng pagkakaayos ng place. I can't wait na kami naman ni Hunter ang magpapakasal, I want a church wedding, sa church kung saan kinasal ang parents ko and I want my dress to be so long iyong tipong nasa harap na kami ng pari pero nasa pinto pa rin iyong damit ko but then ayoko namang maging uncomfortable sa kasal namin, I want to enjoy every moment of it kaya paiiklian ko na lang siguro kalahati ng simbahan ang haba.
I laughed at my thoughts bago ang kasal kailangan ko munang i-seduce si Hunter then after that proceed kami agad sa simbahan para wala na siyang kawala sa akin. Nang iabot ng bride ang kamay niya sa groom ay bumaling ako kay Rogue, nahuli ko siyang nakatingin sa akin so I gave him a smile then he closed his eyes na parang dinadama iyong kanta, dama ko rin iyong emotions niya. Ang galing talaga niyang kumanta. I look at Rogue hanggang sa matapos ang kanta but before he finished the song he opened his eyes.
Take me to your heart... He sang and I suddenly felt something on my chest. My heart is beating so fast! Para akong kakapusin sa hininga, what's wrong with me?! I know this feeling! Ganito rin ako kay Hunter, ganito rin ang nararamdaman ko sa kaniya tuwing lalapitan niya ako at ngingitian but why am I feeling this now?! Oh my gosh! No! Hindi pwede ito.
Madali akong nag-iwas ng tingin at ibinaling ang aking atensiyon sa ikinakasal. Mag-aapat na buwan ko pa lang siyang nakikilala, imposible naman na nagkakagusto ako sa kaniya, di ba? He is my friend. Just a friend and I'm in love with Hunter. Siguro dahil lagi kaming magkasama at dala lang siguro ito ng pagkanta niya. Masyado lang akong nadala sa emosyon tapos kasal pa itong pinuntahan namin so hearts everywhere talaga.
"Shai, ayos ka lang?" Napabaling ako kay Serenity na katabi ko.
"Yes, why?"
"Kanina ka pa kasi nakahawak sa bandang chest mo. May masakit ba sa'yo?"
Tinanggal ko iyong kamay ko sa dibdib ko. Hindi ko napansin na dinadama ko na pala ang heartbeat ko.
"I'm fine, may naalala lang ako."
"I see. Ang ganda talaga ng boses ng driver mo." Aniya. "Gwapo pa, pwedeng artista." Dagdag niya.
Nginitian ko siya. "Sinabi ko na rin sa kaniya iyon."
"May Star Hunt, bakit hindi niya i-try doon? Baka maging housemate siya ni Kuya o kung hindi man baka masali siya sa tawag ng tanghalan o sa kung ano mang singing contest."
"Ayaw yata niya." Ilang beses ko na iyong nabanggit sa kaniya pero parang ayaw niya.
"Sayang ang talent niya kung hindi niya ipe-pursue."
"Ilang taon na kayo ni Kiro?" Biglang tanong ko sa kaniya.
"Magti-three years na, why?"
"Sa loob ng three years na iyon hindi ka ba naattract sa ibang lalake?"
"Simple admiration, yes but attraction na tulad ng kay Kiro, no. My heart beats for him...exclusively for him."
"How about Greco Del Fierro?"
Kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga. "That Greco is crazy as f*ck, he is an assh*le that should be buried six feet under the ground."
Napangiwi ako. "Hindi ka naman masyadong galit, no?"
Seri gave me a fake smile. "Slight lang."
Hanggang ngayon galit pa rin siya sa ginawa ni Greco sa kaniya? Sabagay sino ba namang hindi magagalit.
"Ang ganda noong bride." Sabi ko na lang para maiba baka ma-beast mode ito.
"Kailan ang uwi ni Kuya Hunter?" Bigla niyang tanong. Yes, kuya ang tawag niya kasi daw mas matanda si Hunter sa amin.
"Sa May, nandito siya sa birthday ko, we will celebrate together...just the two of us."
"Oh my gosh! Am I hearing wedding bells?" Excited niyang tanong. "Kayo na ba?"
Umiling ako habang nakangiti. "Hindi pa." Pero malapit na.
"Huwag ka munang magpapakasal ah! 20 ka pa lang niyan kaya dahan-dahan lang."
"Opo, mommy di ko pa po siya pipikutin. Pag-21 na lang ako." Biro ko.
"Gaga!" Aniya na sinabayan ng tawa. Buti na lang at medyo malayo kami sa mga ikanakasal.
Iyong naramdaman ko kanina, siguro wala lang iyon. Tinignan ko uli si Rogue to test if may ganoong effect pa rin pero wala na, my heart is normal and then he smiled at me. Sh*t! It's now abnormal again!
BINABASA MO ANG
Heroine Series 2: Detritus
Ficción GeneralShaila Avery Lockwood is living an ideal life with her loving husband and daughter, lahat ng hiniling niya sa Diyos ay nakuha niya. Her husband, Hunter Lockwood is perfect---mahal na mahal siya nito at wala na siyang iba pang mahihiling, she's livin...
