Chapter 7

547 23 3
                                    

Chapter 7

Shaila

"Oh, I'm so sorry." Hingi ko ng paumanhin sa babaeng naatrasan ko. Ang sikip dito pero wala naman akong magawa dahil gustong makita ng anak ko iyong tinatawag na Phantom, a mysterious singer na nakamaskara habang nagpeperform and according to google no one not even his manager saw his face ewan ko lang kung totoo. I actually heard his voice, araw-araw ba naman patugtugin ng anak ko ang mga kanta niya.

"Mommy, ang sikip!" Reklamo ng anak ko.

"Wala tayong magagawa, anak gusto mong makita si Phantom, di ba?" I remember when I was a teenager, ganito rin ako nakikipagsiksikan sa album signing. Makikipagbalyahan talaga ako.

"My, buhat." Aniya sabay taas ng kaniyang kamay. I lift her, mabigat na siya. "Susumbong kita sa Daddy mo. Nagpapabuhat ka kahit mabigat ka na." Sabi ko sa kaniya habang nakangiti.

"Mommy naman eh." Aniya habang nanlalambing kaya natawa na ako. Daddy's girl talaga itong baby ko, ayaw na ayaw niyang napapagalitan sa Daddy niya. "My, bakit Shanaia iyong name ko?" Tanong niya para malibang ang kaniyang sarili.

"Well, I read somewhere that...that name brings love and new starts into life, you are the reason kung bakit lalong nag-go-grow iyong love namin ng Daddy mo sa isa't-isa, sa family natin and having you was the start of a new chapter in our lives." After having her, one year later nagpakasal kami ni Hunter sa mismong first birthday niya.

"How about Artemis?"

Lalo akong napangiti sa tanong niya. "Artemis because you are Hunter's daughter, our little huntress. In greek mythology kasi Artemis is the goddess of hunt." Gusto ko nga Huntress ang ipapangalan ko sa kaniya pero pinigilan ako ni Fenix, ang pangit daw, kinutya-kutya niya iyong pangalan ng anak ko so Hunter and I decided to named her Artemis.

"Wow, I so love my name!" Bulalas niya.

Ilang minuto ang lumipas at tanaw ko na si Phantom, he is wearing a mask while signing. Pinag-aralan ko ng husto ang kaniyang mukha, I mean iyong hindi natatakpan ng maskara. Iyong mata at ilong lang naman ang natatakpan. He seems familiar. Pinag-aaralan ko pa ang mukha niya nang bigla siyang mapatingin sa lugar namin, our eyes met!

"Mommy, tanaw ko na po siya." My daughter said na naging dahilan ko para maiiwas ko ang aking tingin aa kaniya.

"Yes, baby. Konti na lang."

"Do you think he is handsome?" She asked.

"I think so."

"Why is he hiding his face?"

"I don't know maybe you can ask him yourself." Biro ko. "Don't do that, ok? Baka ma-offend siya." Biglang bawi ko sa biro ko mahirap na at baka talagang itanong niya.

"Mommy, I'm hungry na."

I rolled my eyes. Ang daming reklamo ng anak ko mana sa pinagmanahan. Kakakain lang namin eh. "Later na lang, after this."

"Where is Daddy?"

"In his office."

"Can we go there?"

"Yes, so ano alis na tayo? Punta na lang tayo kay Daddy?"

Mabilis siyang umiling. "Pagkatapos na lang po natin."

"Ok." I kissed her on the cheeks. After waiting several minutes at last kami na. Ibinaba ko si Shan.

"Hello, Mr. Phantom!" Ngiting-ngiti na bati ng anak ko. Phantom smiled at her.

"Hello, little girl." Where did I hear that voice? Malamang, Shaila sa mga kanta niya.

"Please, sign this for me po." Shan said handing the album.

Pinirmahan iyon ni Phantom. "What's your name?"

"Shanaia Artemis." Sagot naman ko.

He started writing S-H-A-N at doon na ako sumabad. "Aia."

Tinignan ako ni Phantom. "What?"

"Oh, her name spells S-h-a-n-a-i-a then simple Artemis." Ngiting sabi ko.

"Ok. Thank you." Aniya.

"Hey, Mr. Phantom did you know what my name means?" Biglang ng anak ko.

"No, what is your name means?" Sagot naman niya na parang aliw na aliw kay Artemis.

"My name means that I'm bringing love and fresh new start into life."

"Wow."

"My mom's brilliant, right? She's the one who named me."

"Yes, she is." Aniya na tinapunan ako ng tingin.

"Anyway, why are you wearing a mask? Are you ugly?" Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ng anak ko. "My Dad said that maybe you are ugly that's why you are hiding your face."

"Shan!" I hissed. Pasimple kong tinakpan ang bibig ng anak ko. "I'm so sorry, Mr. Phantom." I said apologetically.

Sa halip na ma-offend ay kita ko kung paanong lumapad ang ngiti sa labi ni Phantom. "It's ok, she's just a child and she's so cute, beautiful just like her mother." He compliments.

I blushed because of that then biglang may bumulong kay Phantom, overstaying na yata kami dito. Ang alam ko kasi ay tatlo hanggang limang minuto lang ang allotted time per fans lalo na at sobrang haba ng pila.

"Can we take a photo with you?" Tanong ko na baka kasi kapag pinaalis kami ay pumalahaw ng iyak si Shan dahil hindi siya nakapagpapicture.

"Of course." Inabot ko sa isang staff iyong phone ko, nasa gitna si Artemis actually kinandong siya ni Phantom.

"One, two, three smile." The staff took 3 shots.

"Thank you." Kukunin ko na sana si Shan kay Phantom nang magsalita ito.

"Wait." Aniya. Tumingin siya doon sa staff na kumuha ng larawan namin, inabot niya iyong phone niya.

"S-sa cellphone niyo po?" Naguguluhang tanong ng staff.

"Yes." Seryosong sagot niya. Tumayo siya habang kalong si Shan tapos bigla siyang umakbay sa akin.

"One, two, three smile." Sabi ng staff. Tatlong shot din iyon at tuwang-tuwa naman ang anak ko kaya hinayaan ko ang pagdantay ng kamay niya sa balikat ko.

"Thank you." Sabi ko. "Shan, magpathank you ka na kay Mr. Phantom."

"Thank you po." At dahil kalong-kalong pa rin ni Phantom si Shan ay abot ng anak ko ang pisngi ng lalake. Shan gave him a kiss on a cheek. Ito talagang anak ko, mana sa akin! Magaling pumaraan.

"You're welcome." Ibinaba ni Phantom ang anak ko.

"Bye-bye!" Sabi pa ni Shan.

"Bye!" Ganting ani Phantom.

Niyakag ko na ang anak ko paalis sa venue kahit pa nahihiwagaan ako sa iginawi ni Phantom, ganoon ba talaga siya sa mga bata? Baka.

"Mommy, patingin ng mga pictures." Aniya sabay kuha ng phone ko.

Tinignan ni Shan iyon kaya napatingin rin ako and there I realized who he is! Siya iyong nakasayaw ko, ibang maskara nga lang ang gamit niya. What a small world!

Heroine Series 2: DetritusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon