Chapter 9
Shaila
"Love, I'm ok you don't need to attend to me every now and then. Hindi naman maselan ang pagbubuntis ko." Inaalalayan ako, nasa park kami ngayon at naglalakad-lakad.
"But I wanted to, matagal na nating hinihintay ang blessing na ito so you can't blame me."
I smiled at him. "Sus, para namang first time mong maging tatay."
"Daddy is so excited and so am I, I already told my classmates about my upcoming baby brother." Ani Shan na lalo kong ikinangiti, my family is really excited kahit ang parents namin ni Hunter ay excited na excited na they even want to throw a party, iniisip ko tuloy kung ganoon rin ba sila kasaya noong nalaman nila ang tungkol kay Shan...maybe, maybe not dahil nasa coma ako ng panahong iyon, nasa panganib kasi pareho ang buhay namin noon.
"Mommy, daddy, magpeplay lang po ako doon sa playground." Ani Shan, tumango naman ako.
"Be careful, Shan." Paalala ni Hunter.
"Yes po, daddy." Mabilis na tumakbo si Shan papunta sa mga bata sumunod naman ang yaya niya.
While watching our daughter playing eith other kids hindi ko mapigilan ang makaramdam ng sobrang kaligayahan lalo pa't madadagdagan ang pamilya namin. I put my head on my husband's chest. "Thank you, Hunt."
"Thank you for what?" He asked then he hugged me.
"For this...akala ko hindi na mangyayari ito, I always imagine a life like this with you kaya lang habang nagkakaedad tayo panay mo naman akong tinutulak palayo, umalis ka pa nga eh para lang layuan ako."
I heard him sighed. "Love, we already talked about this. Ginawa ko lang iyon dahil pinakiusapan ako ni Dad na layuan ka muna then when you turned 25 sa ayaw o sa gusto nila kukunin na kita. I will snatch you no matter what kahit ikaw pa mismo ang ayaw."
"Hindi naman ako aayaw eh." I told him. "Pero hindi ka tumupad sa pangako mo kay Dad, you snatched me when I was only 20." May pa-baby pa nga siya eh. I giggled at that thought.
"And I don't regret it, ayokong mawala ka sa akin ng tuluyan."
"Hindi naman ako mawawala. I am yours, just yours." I said then his hug tightened.
Hunter
"I love you, love. Ikaw lang ang minamahal at mamahalin ko so I'm sorry if I snatched you but like what I've said earlier hindi ako nagsisisi dahil wala tayo sa ganito ngayon kung hindi ko ginawa ang mga ginawa ko noon."
Hindi ako nagsisisi na kinuha kita pero nagsisisi ako sa ginawa kong pananakit sa'yo. I did terrible things that you couldn't imagine that I could do at habang buhay kong pagsisisihan ang bagay na iyon. Nabulag ako ng matinding selos, galit because all along I thought ako lang ang mamahalin mo but I was wrong you fell out of love at ang masakit pa ay sumama ka sa lalakeng iyon, kung alam ko lang na mangyayari iyon sana hindi na lang ako lumayo, sana ipinilit ko sa tatay mo ang nararamdaman ko para sa'yo.
"I'm sorry, love." Humiwalay naman siya sa akin at tinignan ako.
"Sorry for what?"
Umiling na lang ako at isinandal siyang muli sa aking dibdib sabay halik sa tuktok ng kaniyang ulo. "Mahal kita."
"Mahal din kita. I'm sleepy, love." She said.
"Then sleep. Dito lang ako hanggang sa magising ka."
"Baka mangalay ka." Aniya.
Wala namang kaso pero baka siya ang mangalay. "Ikaw, baka ikaw ang mangalay. Sleep on my lap." I said. May dala akong maliit na unan dahil alam kong posible siyang antukin lalo pa't buntis siya. Inilabas ko iyon.
"Wow, boy scout ang asawa ko." Aniya na may malawak na ngiti.
"Of course, ayaw kitang nahihirapan eh." Inilagay ko sa hita ko ang unan at humiga naman siya.
"Good night, kiss ko?" Aniya na ngumuso pa.
I gave her a kiss. "Good night." Sabi ko, sinuklay ko ang kaniyang buhok gamit ang aking mga daliri para mabilis siyang makatulog.
Rogue
Napahilot ako sa aking sentido habang nag-iisip kung paano ko aagawin si Shaila, kung paano ako magpapakita sa kaniya na hindi siya matatakot sa akin lalo pa't buntis siya ngayon, I know there's a big possibility na hindi siya maniwala sa akin kung bigla-bigla ko na lang sasabihin sa kaniya ang katotohanan, I should get her trust first then drop the bomb called truth na ipinagkait ng gagong Hunter na iyon at ayoko rin namang may mangyari masama doon sa bata kapag nai-stress siya. It may not be my child but still it is hers and if ever sumama siya sa akin, I will gladly accept that child, ituturing ko na akin, I will love him/her like I love my own.
Inisang lagok ko ang alak na nasa baso.
"Iniiwasan mo ba ako?" Hindi ko mapigilang tanong sa kaniya nang daanan lang niya ako.
"H-huh? Hindi no!" Aniya. "Bakit naman kita iiwasan?"
"Tama, bakit mo nga naman ako iiwasan eh sa pagkakatanda ko wala akong ginawang mali?" Simula noong bumalik kami galing doon sa last gig ko ay hindi na siya naglalalapit sa akin, ni hindi na niya ako halos kausapin kapag naman sinusundo ko siya galing school ay mabilis siyang aakyat sa kwarto niya pagkarating namin dito sa bahay nila.
Huminga siya ng malalim. "Hindi kita iniiwasan, Rogue."
"Talaga? Bakit iba ang ipinaparamdam mo sa sinasabi mo sa akin?"
"Rogue, please. Magkaibigan tayo kaya hindi kita iniiwasan."
"Shaila." Mariin kong sabi. Gusto kong magsabi siya ng totoo at hindi ko siya titigilan. Nakipagtitigan ako sa kaniya.
"Fine!" Umiwas siya ng tingin at naglakad papunta sa isang bench. "You see, Rogue pauwi na si Hunter..." Tila nag-iisip siya ng sasabihin o baka nahihirapan siyang ipabatid ang nais niyang sabihin lalo pa't involve si Hunter. "A-ayokong mag-isip siya ng hindi maganda, I can't afford it dahil alam kong hindi pa niya ako mahal, hindi pa and if he sees you with me he will probably think na may namamagitan sa atin and he can cancel our soon-to-be engagement at ayokong mangyari iyon." Tinignan niya ako ng malungkot. "I'm sorry. I hope you understand." Dagdag pa niya.
"Oo naman, naiintindihan ko. Iniiwasan mo ako dahil ayaw mong mag-isip ng masama si Hunter sa ating dalawa." Alam kong narinig niya ang sakit sa mga binitiwan kong salita dahil bumakas ang guilt sa kaniyang magandang mukha. "Sige, Shai. Ipatawag mo na lang ako kung aalis ka." Sabi ko sabay talikod sa kaniya.
Pumunta ako sa kwarto ko at inis na inis na umupo sa kama. Napahilamos ako.
'Nang dahil lang sa Hunter na iyon handa niya akong itapon na parang basura.'
'Mali, Rogue hindi LANG si Hunter para sa kaniya. Mahal niya iyon habang ikaw isang hamak na kaibigan lamang' Kontra ng sarili ko
Ibinato ko ang hawak kong baso nang maalala ko iyon.
"Inirespeto ko ang pagmamahal mo kay Hunter noon pero hindi niya nagawang gawin iyon sa akin. He didn't just disrespected your love for me, he even got the guts to snatched you away from me."
Chapter 5 should be a chapter about their past kaya lang baka ma-spoil iyong ibang part ng story kaya pasensiya na kung bitin iyong past nila. Ma-oopen naman iyon sa ibang chapters, kung paano na-inlove si Shai kay Rogue at kung ano-ano pa although medyo kalat. Pagtiisan niyo na lang magulo ang isip ko ngayon. 😂😂😂
BINABASA MO ANG
Heroine Series 2: Detritus
General FictionShaila Avery Lockwood is living an ideal life with her loving husband and daughter, lahat ng hiniling niya sa Diyos ay nakuha niya. Her husband, Hunter Lockwood is perfect---mahal na mahal siya nito at wala na siyang iba pang mahihiling, she's livin...
