forty-two~~knowing my real protector

2K 29 0
                                    


Allison's POV

Paano..... Paanong si Dominic ang kasama nya.Hindi!!!
Pinagkakatiwalaan ko sya.Hindi ito totoo.Hindi nya ako magagawang mangloko.Hindi nya to magagawa sa akin.Kaibigan ko sya....pamilya ang turing ko sa kanya....bakit....bakit nya ito nagawa sa akin...
Naramdaman kong may tumulong luha sa pisngi ko.Nakita ko napayuko si Dominic sa nakita nya sa akin.

"Dominic.......bakit mo ito nagawa sa akin..Tinuring kitang kapamilya....matalik na kaibigan.....bakit.....Dominic"

"Allison.. Mahal na mahal---"

"BAKIT MO ITO NAGAWA SA AKIN!!!!!"

"Una palang Allison....Nagagalit ako kay Rain...Allison sinaktan kalang  nya...hindi ko iyun magagawa sa iyo kung ako ang minahal mo...Sa totoo lang nalulungkot ako dyan sa dinadala mo....Masakit malamang  wala na talaga ako pag-asa sa iyo....umoo ako sa plano ni Monica... Pareho lang kaming dalawang nagmahal Allison.... Gusto nyang makuha ng lubos si Rain gayun din ako sa iyo...Kung ang Pag sama ko dito ang makakapagbigay saakin ng kaligayahang makuha ka gagawin ko.....dahil mahal kita"

"Selfish ka!!!!"

Ngumiti ng malungkot si Dominic...

"Oo....tama ka...selfish ako.Kung alam mo lang ang nararamdaman ko sa bawat Sandaling nagpapakita ka na mahal mo pa siya sa harap ko.Na sa bawat ngiti na pinapakita mo ay may lungkot na nakatago.....nasasaktan akong makita ka...na sana ako nalang....na sana ako nalang ang pinili mo..."

"Akala ko mabuti ka....ikaw nga yung protector ko diba??"

Nakita ko pangiti ulit ni Dominic sa sinabi ko.

"Isa pa yun Allison... Paano kita mapapasaakin kung sa una palang ay lamang na sya"

"Anong ibig mong sabihin...."

"Allison... Hindi naman ako ang taong sinasabi mo....nagkataon lang na nandoon ako nung time na niligtas kita....Allison.... Lagi syang nakabantay sa iyo"

"H-Hindi.....yung jacket... Alam kong--"

"Maniniwala ka bang Pag sinabi ko na hiniram ko lang yun sa totoong protector mo Allison"

"Hindi ikaw......"

"Oo....hindi ako Allison.... Si Rain yun....Sana ako nalang sya.... Dahil talong-talo ako sa kanya kahit na nadaig ko sya sa pagiging pinuno pero sa taong mahal ko ay talo ako......"

Hindi pa rin ako makapaniwala....si Demon...sya talaga ang protector ko since then.....

At lagi syang nakabantay sa akin...Napaiyak nalang ako sa mga pinagsasabi ni Dominic...

"Ngayon alam mo na dapat mong malaman--"

"AY!!!!...tama na yan Dominic.... Wala akong time pa para marinig ang mga latenya mo...Si Demon ang hinihintay ko.....At naiinip na akong makita sya....."

"Monica......maghintay ka"

"Nyeh nyeh..."

Kumukulo na ang ulo ko sa babaeng ito.....my godddd!!!!

Oo...naiinis akong malaman na kasama nya si Dominic.. Na kasabwat nya ito sa lahat ng Plano nya....kaya pala na alam nya ang pagsabog.....Totoo ngang dapat nating kilalanin ang mga taong sa tingin natin na makakapagkatiwalaan...

"Sorry Allison"

"Ang sorry mo ba ay matutumbasan ang sakit ngayon na nararamdaman ko....traydor ka Dominic!!!!!.. TRAYDOR!!!"

"Alam ko...." malungkot na ngumiti si Dominic at lumabas na ng kwarto....kasama ang mga tao nya at si Monica na dinidilaan pa yung baril nya.Pumutok sana sa dila nya yun....

Nang lumabas na sila ay napatingin ako sa kalagayan ko ngayon.... Nakakainis naman.....sana may dumating.....sana dumating si Demon at iligtas ako...all this time... Sya pala ang hinahanap ko....maraming beses ko syang namemeet  pero sya talaga.Napangiti ako ng isiping may pagmamahal pa lang natitira sa puso ni Demon para sa akin....Kahit na pinagsasabihan ko sya ng masasamang salita at masasakit na salita din ay nagagawa  nyang bantayan ako...kaya pala minsan feel kong may sumusunod sa akin o nagmamatyag ay sya pala yun.....Lagi syang nagbabantay....Di nya ako pinababayaan....Sana nandito sya ngayon para masabi ko ang pagpapasalamat ko sa kanya.

Nabigla ako ng bumukas ang pinto at iniluwa doon si Dominic na bugbug sarado....

Oh myyyyy.....

"Huh???!!!!...AKALA NYO BA HINDI KO MAPAPANSIN YUN...Akala mo rin bang maniniwala akong kasama ka sa amin Dominic. Alam kong sumama ka lang para iligtas mo yang babaeng yan."

Dinuraan nya sa Dominic.

"Pareho kayong walang silbi...naturingan ka pa namang mafia boss ehhhh...mga tauhan ko hindi mo maipatumba...!!"

Gumagapang na palapit  sa akin si Dominic. Naghihinayang ako sa mga pinagsasabi ko kanina. Nagawa lang pala nito ni Dominic para iligtas ako sa balak ni Monica. At ako naman si ako...pinagsasabihan ng kung ano-ano si Dominic... Naiinis na ako sa bibig ko!!!!

"PAREHONG DAPAT KAYONG MAMATAY!!!!..LALO KA NANG BABAE KA!!!"

Natatakot na ako di lang sa babaeng ito kundi kay Dominic at sa anak ko.....

"Pero hindi muna" sabi ni Monica at tumatawa pa ....baliw na talaga ito.

"At nag-eenjoy pa ako sa view.Magrereunion lang naman kayo....isasama ko na rin ang pipitsyuging protector mo Allison...." at tumawa naman mag-isa si Monica pero bigla syang huminto at tumigil sa pagtawa at tinignan ang mga tauhan nyang tahimik.....

"Bakit hindi kayo tumatawa...."

Napatingin naman ang mga tauhan ni Monica sa kanya at tumawa din sila at nakisabay namang ulit na tumawa si Monica at huminto pati na rin ang mga tauhan nya pero may pang tumatawa sa mga tauhan nya.

Mabilis na pinutukan ni Monica yung tauhan nyang tumatawa mag-isa kanina.... Shet;!!!!!...

Baliw na talaga itong babaeng toh.

"Masyado mo naman kasing inenjoy!!" sabi pa ni Monica at dinilaan pa yung baril....baliw na nga....pati baril ginawang ice cream .

"Yung balang susunod ay saiyo na Allison..." Tumawa na naman si Monica at sumabay ang mga tauhan nya na nasa sampo lang naman.....

"Allison..... Hihintayin natin ang magiting mong protector at ipapakita ko sa iyo ang sakit na nararamdaman ko saiyo!!!"

Sabi nya at lumabas na kasama ang mga alipores nya.Napatingin ako kay Dominic na walang malay dahil sa pagbubugbug sa kanya.Gusto ko syang lapitan....pero nakatali ang kamay at paa ko...nakakainis na talaga ....kapag nakatakas lang talaga ako dito......ipagsisipa ko siya sa kabayo....bituka nya lang ang walang latay!!!!!!

Napatingin ako sa pumasok sa pinto at si Monica ulit.

"Nandyan na pala ang magiting mong protector..... Hahahaha..." sabi ni Monica at tumatawa pa....goddd!!!...sana maging maayus ang mangyayari... Ayokong may mangyaring masama kay Demon.....sa protector ko..

My Protector (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon