Ritz's POV
Sa isang iglap lang at hindi lubusang maisip ay tumunog na ang aking alarm clock. Senyas na oras para sa----.
"OMG! Late na ako di pa tapos report ko!" Dalidali akong lumabas ng kwarto sa inuupahan kong apartment para taposin ang report at makaabot pa ako sa unang subject namin sa school.
Lecheng report ito oh, bakit pa kasi sa akin pinapagawa? Oopss baka nakakalimutan mo Ritz, kaya mo ito ginagawa kasi binabayaran ka ng mga kagrupo at kaklase mo para may pangtustos ka sa pag-aaral at sa buhay mo. Oo na! oo na konsenya
Ulila na ako dati pa, mga raket² nalang ang pag-asa ko para mabuhay.
Minsan nagpapa-part time job para may pera. Minsan di pinapalad, pero kakayanin for the future. Haha enough for this drama Ritz late ka na papagalitan ka na naman ng mga kagroupmates mo.Dali dali akong tumakbo at naglakad at nakalimutan ko hindi pa pala ako nag-agahan, mamaya na lang nga.
• • •
"Good morning teacher, good morning classmate, Sorry I'm late." hingal na hingal kong bati pagkarating ko sa room namin.
"Late again Ms. Ritz? Tsk. Come in." Ani ng aming guro.
Hinanap ko kaagad ang upuan at ang aking mga kagrupo.
Nasa likod lang pala sila.
"Oh Ritz natapos mo na ba?"
"Thank God at di ka umabsent."
"Kung hindi, patay ka sa amin. Wala kaming grade sa GenChem."
"Masasayang lang binabayad namin sayo."
"Natapos mo na ba ang report?"
Bati ng mga kagrupo kong maypake sa grades at report nila. Tsk kung pangtutusukin ko kaya mga mata nila? Di pwede, sila ang kailangan mo para may makakain ka Ritz. Sa susunod mo na silang pangtutusukin, yong mayroon ka ng maginhawang buhay. Hayss Lord plsss help me.
"Opo natapos na, wag na kayong mag-alala mga kamahalan. So pwede niyo na ba muna akong paupuin?" Inemphazie ko talaga ang kamahalan nang sa gayo'y mailabas ko ng kunti ang inis ko sa kanila.
• • •
At natapos ang buong klase sa GenChem na ako lahat ang gumawa at gumalaw sa report namin. Ang mag set up ng report, ang maging reporter at sasagot sa lahat ng itatanong ni Mrs. Rosalie.
Hayss lalabas nga muna ako at. . . . . . hahanapin si crush para ganahan naman akong mabuhay ulit. Hehe chos.
Una ko siyang nakilala noong first day of school namin this 2nd Sem. Balita ko nga matalino raw at mayaman pa. Gwapo pa, ang puti. Almost perfect guy na siya of any girl's dream. Minsan iniisip ko ng magapakamatay pero, makita lang ang mukhang anghel ni crush, gaganahan ulit akong mabuhay. Oh diba tindi ng gamot ko sa sakit na Suicide syndrome hehe.
*Canteen*
"Isang calamansi juice ate." Ani ko sa tindera. Grabe gutom na gutom ako pero ito lang bibilhin ko? Wala ka bang awa sa sarili mo Ritz? Aish
"Isa din akin ate." Ani ng katabi kong lalaki. At pagkalingon ng pagkalingon ko . . . . . Oh shit! Si crush nandito siya at nakasabay ko pang bumili!! Wahhh heart tahimik. Ang lakas ng kabog ng heart ko. Self tigil.
"Vega." sambit ko ng pabulong kasi ang gwapo niya talaga eh, ang kilay niya ang kutis niya. Pwede bang ikaw nalang ang magiging katuwang ko sa aking buhay? Will you marry me? Ilan kaya magiging anak namin? The heck Ritz! Magtigil ka nga.
BINABASA MO ANG
The Untold Prophecy
FantasyEveryone could commit sins and do evil. Even the gods could do this kind of things. No one is exempted. Zeus commit sin, not just an ordinary sin. Rhea has a prophecy in order to punish Zeus. Zeus refused it, he couldn't accept it. But once it's a p...