XIV | Manipulator

62 38 3
                                    

Ritz's POV

Nagising ako mula sa isang masakit at mapait na bangungot. Ano na kaya nangyari sa babae?

At para saan iyong napanaginipan ko? Ano iyon? Totoo kaya iyon?

Parang hindi naman ata. Ni hindi ko nga kilala iyong babae, pero may kutob ako kung sino iyong lalaking nanghalay sa kanya.

Pero panaginip nga ba talaga iyon? Parang totoo kasi eh.

Aish, mamaya na nga yan.

"Tara Greciela, baka mahuli na tayo sa klase." aya ko sa isang babae na naiwan na lamang na gulong-gulo. Iyong kambal niya kasi ayun nauna na. Sana lahat maaga gumising.

"Teka sandali, hinahanap ko iyong singsing ko para sa activity." sigaw niya mula sa kanyang kwarto.

Bigla naman akong napa-isip sa sinabi niya.

Nako, iyong kwintas ko nga pala. Muntik ko nang makalimutan.

Dali-dali akong pumunta sa aking kwarto para kunin iyong kwintas ko.

Laking gulat ko nang aking buksan ang drawer.

"Ba't nag-iba ang kulay nito?" yes, from lavender and lilac lights naging pure white.

Siguro epekto sa spell na ginawa ni Grace, di bale na.

"Buti hindi pa tayo late. Phew." sambit ni Greciela habang patungo na kami sa aming silid.

"Kaya nga at mabuti rin ay pinaalala mo sa akin iyong activity. Muntik ko na kasing makalimutan kwintas ko eh."

Sa di kalayuan ay tanaw na namin ang classroom.

Nadatnan namin ni Greciela sa labas ng room sina Janvel at ang kasunod nitong isang pamilyar sa akin na lalaki.

"Hi Kier." bati ko sa kanya na may halong ngiti.

Ayan kilala ko na siya, gwapo pa naman. Sayang kung hindi mapapansin ang kagwapuhan niya.

"Oh ikaw pala Ritz. Hi" bati niya rin sa akin na may halong ngiti. Hihi syempre kinilig iyong lola niyo.

Ginantihan ko naman siya ng isang ngiti.

"You know him?" tanong ni Greciela. Bakit? Hindi niya rin kilala? Nahagilap ko naman na biglang napa-isip isip siya. May problema bam

"Yeah, why?" gulo kong tanong sa kanya.

"Sino siya?" tanong naman ni Jupiter at di ko naman mawari ang mukha ni Janvel. Problema niya?

Sabi ko nga eh, wala pala talaga siyang ka-expression expression sa mukha. Hmp.

"Si Kier, classmate natin. Kayo naman, hindi niyo masyado siya napapansin."
Ani ko.

"Ako din pala hihi." dugtong ko.

"Ehem, pwede ba kitang maka-usap sandali Ritz?" tanong sa akin ni Greciela mula sa likod ko.

"Bakit? Ano iyon?" gulo kong tanong sa kanya. Hindi ko kasi alam kung anong pag-uusapan namin. Eh kanina nag-uusap na kami hindi niya man lang sinabi kung anong pag-uusapan namin.

"Basta, dali." aya niya at hinila ako ng walang pasabi. Wala na akong nagawa kundi sumunod. Ang lakas naman nitong babaeng ito.

"Sige Kier, Jupiter sunod kami." paalam ko bago pa ako kaladkarin nitong babae na ito.

Nakita ko naman silang pumasok pero nahagilap ko ang masamang tingin ni Janvel kay Kier.

Eh? May problema ba iyong crush ko sa isa kong crush? Or matagal na silang magkakakilala? Baka naman matagal ng may galit itong si Janvel kay Kier. Hay ewan ko

The Untold ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon