Ritz's POV
"Isa kang Diyosa?!"
"Hmm. . " Tango niya bilang tugon. "As what I have said. I, Rhea, Goddess of female fertility and responsible for empowering of prophecy." Nagitla ako sa pagkarinig ko sa sinabi niya. Watda? Anong gagawin ko? Dapat ko ba siyang luhuran o paglingkuran. First time ko kaya maka-encounter ng isang goddess. Di ako mapakali hihi.
"No need to kneel and worship me, just respect me." mahinhin niyang sagot. Napakalambing ng tono ng pananalita niya. Haayy
Pero di ko pa rin maiwasan ang ma-awkward, ikaw ba naman makasama ng isang dyosa.
Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Umupo na din siya sa aking tabi.
"Kumusta ang pananatili dito sa paaralan? Ayos ka lang ba?" malambing niyang pangangamusta sa akin. Haayy first time kong makarinig na nangangamusta sa akin. You know ulila na ako, at walang sinuman ang nangangamusta sa akin.
"Okay lang po. Ayos naman po ako dito." sagot ko sa kanya. Napakaganda niya sa malapitan. Walang duda nga na isa siyang diyosa.
"Ahmm matanong ko lang po, ba't po kayo narito? I mean I know mayroon po talaga kayong sariling lugar o di naman kaya bahay. Namamasyal po ba kayo ngayon?" tanong ko sa kaniya dahil hindi ko nga alam kung bakit siya narito ngayon.
"Let say, yes, but I have an urgent meeting to do also." Ani niya, huh? Namamasyal pero may urgent meeting din. Gulo niya kausap haha. Diyosa ba talaga to?
"Don't you dare to insult me dear. I could hear your voice inside your head." Banta niya sa akin. Nako naman nakalimutan ko Diyosa pala talaga ito. Kaya niya sigurong makabasa ng isip ng tao. Tulad kanina. Patay tayo nito huhu.
"Nako sorry po. Sana 'wag niyo po akong parusahan. Maawa po kayo sa akin." Agad akong humingi ng tawag baka ano pang gawin nito sa akin. Marami pa akong gustong gawin no.
Natawa nalang siya sa inasta ko. "You're such a silly girl." Sunod tumawa siya ng pahinhin. "Of course I won't do that. Why would I do that? Parang sinira ko na rin ang mundo pagpinarusahan kita." Paliwanag niya. At ano raw? Parang sinira niya na rin ang mundo kapag pinarusahan niya ako? Aish . . mali lang ata ang pagkarinig ko.
Natawa nalang din ako. "Pero ano po ba talaga sadya niyo rito?" tanong ko ulit.
Agad nawala ang ngiting taglay niya kanina. Bakit kaya? "I'm here to warn you. Later on mangyayari't mangyayari ang propesiya. No one can change it. Also I need your help. Ipagkakatiwala ko sayo ang unang parte ng propesiya." Huh? Hindi ko maintindihan? Ba't ako? Propesiya? Nako hindi maganda ang pakiramdam ko rito. Someone help me please..
Unti-unting nag-iba ang kulay ng mga mata ng Diyosa hanggang sa maging kulay ginto ito, at binigkas ang mga katangang:
Four offsprings of Almighty Eagle
Bears indestructible elements of Life
Death's ally and bone shall raise and swell
On the second day of Luna's nightlife
Bumalik na sa normal ang Diyosa matapos binigkas ang mga iyon. Iyon kaya ang propesiya? Ang unang parte ng propesiya?
"Iyon po ba ang-"
"Yes my dear. Iyon ang unang parte ng propesiya. Keep it and think about it. Cause you're the only one key." Paliwanag niya.
Bakit ako? Sa dinami-daming estudyante at tao rito,bakit ako? Eh wala pa nga akong kaalam-alam sa mundong ito tapos ipinagkatiwala niya sa akin ang propesiya na iyon?
![](https://img.wattpad.com/cover/179957186-288-k446643.jpg)
BINABASA MO ANG
The Untold Prophecy
FantasyEveryone could commit sins and do evil. Even the gods could do this kind of things. No one is exempted. Zeus commit sin, not just an ordinary sin. Rhea has a prophecy in order to punish Zeus. Zeus refused it, he couldn't accept it. But once it's a p...