Janvels' POV
"Pre same pala tayo ng dorm oh." Ani ni Jupiter. Ang daldal naman itong lalaking ito. Yes we have the same dorm, hindi dahil sa magkakilala na kami pero yon ang sabi ng Headmaster nila dito.
Hinatid kami ng isa sa mga tagapangalaga ng school sa office ng Headmaster. Ibinigay namin ang letter na hinihingi ng Headmaster at ibinigay din sa amin ang dalawang box at dalawang ID card. Ngayon patungo na kami sa aming dorm.
"Pre tingnan mo oh, tinitingnan ka ng mga babae oh." Ani ng kasabay ko kaya nilingon ko rin ang mga babae. Tama nga pero ba't nila ako tinitingnan ng ganyan? Oh baka itong katabi ko ang pinagnanasaan nila. Hmmm.
"Naks gwapo mo pre hahaha." Ani naman ng mukong. Hindi ako sanay na tinatawag ng ganyan. Hindi ako komportable.
"Baka ikaw, tsk." Ganti ko naman at nagbangayan na kami papuntang dorm.
• • •
Sa aming paglalakad papuntang dorm, may nakasalubong kaming dalawang lalaking estudyante na base palang sa kanilang katayuan ay may mataas na silang posisyon dito sa paaralan.
Bigla na lamang silang tumigil sa harapan namin.
"So you must be the newbies here?" Ani ng lalaki na may eyeglasses. Tumango naman kaming dalawa ni Jupiter. Ang angas ng dating ah. Yabang.
"By the way I'm Ed Anthony Parker, President of School Council and current aiming the highest rank in this school." Pakilala niya na hindi ko naman tinatanong. Walang umimik sa aming dalawa ni Jupiter.
Ilang segundo ng pananahimik naman ang lumipas kaya't hindi nakatiis ang Ed na iyon.
"Wala ba kayong reaksyon?!" sigaw niya sa amin. The f*ck? Anong irereact namin doon? Eh hindi kami interesado!
"Pahiya ka Ed hahaha." Bulong ng kasama niya na rinig na rinig din namin. Mga gunggong.
"Shut up! Here's your sched for your class!" Sigaw niyang sambit at nagwalk out kaagad. Pinulot ni Jupiter ang nahulog na papel dahil sa kaOAhan ng lalaking iyon. Parang bakla tsk. Highest rank? Hindi bagay sa kanya.
Napatawa na lamang kami ng pahina ni Jupiter dahil sa inasta ng mukong iyon.
"Hayaan niyo na yon. Masyadong mahangin talaga yun. By the way I'm Rhaizarl. Nice meeting to the both of you." Ani ng kasama niya at umalis na rin.
"Pansin mo? Mukhang school ata to ng mga abnormal hahaha." Ani ni Jupiter kaya dinugtungan ko naman.
"Kaya nga nandito ka eh tsk." Pang-aasar ko.
"Kaya nga kasama din kita eh hahaha." Aba't nakabawi ang mukong.
Ritz's POV
Hanggang ngayon litong lito pa rin ako kung anong mundo ba itong pinasukan ko huhuhu. Una naging iba ang mukha ko. Pangalawa about doon sa Dyosa na may anak dito sa school na ito. Pangatlo yong kapangyarihan na nag-eexist bawat isa sa amin huhuhuhu ano na bang nangyayari? Eh hindi ko nga alam kung may kapangyarihan ba ako o wala.
Nanatili akong nakamukmok dito sa dorm namin. Yung magkambal umalis lang muna dahil may aasikasuhin raw sila. Pati yung magkambal parang ayaw nila akong kasama. Hindi ko feel na welcome ako rito. Okay na sana ako doon sa mundo ko dati. Kailangan ko na talagang makaalis dito. Pero di pwede, ibang mundo ito. Hindi ako basta basta makakabalik sa amin. Baka nga kailangan pa ng magic chuchu para makaalis dito. Waahhh!! Papatayin ko talaga ang nagdala sa akin dito! Argh aish.
BINABASA MO ANG
The Untold Prophecy
FantasyEveryone could commit sins and do evil. Even the gods could do this kind of things. No one is exempted. Zeus commit sin, not just an ordinary sin. Rhea has a prophecy in order to punish Zeus. Zeus refused it, he couldn't accept it. But once it's a p...