Ritz's POV
Natapos ang buong klase namin ng maayos at walang gulo.
Pauwi na sana kami nang biglang naisipan ko ang mag-isa. Ewan ko bakit, pero trip ko lang.
"Twins punta muna ako library may hahanapin akong libro." paalam ko sa kanila.
Tumango naman sila bilang tugon.
"Huwag ka magpapagabi." paalala ni Greciela bago ako umalis.
Pero ang totoo sa secret garden ako pupunta. Gusto kong mapag-isa ngayon at pag-aralan itong ability ko.
Para naman kahit kunti may alam ako sa ability ko. Gusto ko ako ang unang makakadiskubre at matututo sa ability ko.
Dating gawi, esasarado ko kaagad ang gate pagkatapos pumasok. Mahirap na baka hindi na ito magiging secret garden sa susunod.
Pumwesto na ako doon sa dating pwesto noong una kaming nagka-usap ni Rhea.
And speaking of, "Hindi ko pa pala alam kung anong kahulugan nung propesiya. Aish." ani ko sa aking sarili.
Nakalimutan ko na naman, meron pa pala akong dapat alamin sa propesiya na iyon. Pambihira naman oh.
Isantabi ko muna itong propesiya na iyan. Magpokus muna ako sa kapangyarihan ko.
Huminga ako ng malalim saka nag-focus at nag-concentrate.
Itinapat ko ang isang kamay sa isang maliit na bato sa aking harapan.
Maya't-maya pa ay bigla na itong gumalaw-galaw . . . hanggang sa lumutang na ito. Ha .
"Wow. Nagawa ko hihi." puri ko sa aking sarili. Ang babaw ng kaligayahan ko hihi. Di ako makapaniwala
Naghanap ako uli ng pwede kong palulutangin.
Itinapat ko na naman ang kamay ko sa isang di kalakihang bato sa di kalayuan sa pwesto ko.
"Agh . . " medyo mahirap. Bago pa lang ako sa ability ko tapos magbubuhat na agad ng mabigat? Ano nakain mo Ritz?
Hindi ko na itinuloy, baka mapagod lang ako at baka ano pa ang mangyari sa akin.
"Hmm . . atleast kahit papano naco-control ko na ng maayos."sambit ko.
Di bale, bukas et-train ako ni Greciela. Baka bukas marami na akong matutunan sa kapangyarihan ko.
"You already discover your ability, nice." puna ng kung sino man. Boses lalaki eh.
Napalingon-lingon ako at di ko inaasahan kung sino siya.
"Anong ginagawa mo dito?" taray kong tanong sa kanya. Syempre pa cold-cold din tayo kahit crush ko pa rin siya. Atsaka isa pa hindi pa rin ako nakakamove-on sa pang-aasar niya sa aking nung ano basta.
"I don't know." and he shrugged. Ang hirap naman kausap nito.
"How about you? What are you doing here?" tanong niya naman sa akin.
"Gusto kong mapag-isa, kaya pwede bang umalis ka na." aniya ko sa kanya pero syempre biro lang iyon. Huwag niya man sana akong iwan dito hihi. Gusto ko din kaya siya makasama. Chos.
"Eh panong ayaw ko?" aniya at umupo na sa aking tabi. Ene be? Sebeng emeles ke ne hehe. Pero taray mode pa rin tayo.
"Tch."
"Can you show me what else you can do with your ability?" tanong niya at the moment.
Eh? Ba't biglang naging interesado itong si Janvel sa akin? Ikaw ha, may gusto din ata ito sa akin eh.
BINABASA MO ANG
The Untold Prophecy
FantasyEveryone could commit sins and do evil. Even the gods could do this kind of things. No one is exempted. Zeus commit sin, not just an ordinary sin. Rhea has a prophecy in order to punish Zeus. Zeus refused it, he couldn't accept it. But once it's a p...