Ritz's POV
Napahawak ako sa aking ulo dahil sa sakit.
Ano ba ang nangyari?
Nagpalinga-linga ako para malaman kung nasaan na ba ako ngayon.
Nasa isang silid ako at kasalukuyang nakahilata sa isang kama. Mukhang luma tingnan ang silid dahil sa disenyo nito.
Bumangon ako sa pagkakahiga para malaman kung may kasama ba ako ngayon o wala.
Pero wala naman akong nadatnan ni isang tao.
"A-aray." sambit ko dahil sa sakit na naramdaman ko sa may bandang ulo.
Mukhang nahihilo ako. Aray argh
Ano ba kasing nangyari? Hindi ko maalala kung saan ako huling pumunta o huli kong ginawa. Para mapunta sa ganitong kaligayan.
Aish.
Napansin ko ang biglang pagbukas ng pinto sa aking kanan na siyang pagpasok naman ni Greciela.
"Gising ka na pala Ritz. Pinag-alala mo kami." kaagad niyang sambit at niyakap ako.
Bakit? Ano palang nangyari para mag-alala sila ng ganito?
"Ano palang nangyari?"
Kumalas naman siya sa pagkakayakap at sinagot ang aking tanong.
"Hindi mo ba naalala? Nawalan ka ng malay sa gubat, buti nalang at nakita ka ni Elisha at dinala dito."
Nawalan ng malay?
Dahil sa kaniyang mga sinambit ay unti-unti ko nang naalala ang mga nangyari.
Si Rhea nasaan? Marami pa akong gustong malaman na kasagutan sa mga nagraramihang katanungan dito sa aking isipan.
Tulad nung nasa imahe, sino sila? Ba't niya ipinapakita ang mga iyon?
Akala ko pa naman masasagot na iyong mga katanungan ko. Aish.
Pero teka . . . .
Ang kwintas ko.
Kaagad akong napayuko para tignan kung suot-suot ko pa ba ang kwintas.
Buti nalang nandito pa. Akala ko nawala na. Nakahinga naman ako ng maluwag.
Pero ano kamo sabi niya? Si Elisha mismo nakakita sa akin? At dinala niya pa ako rito?
"Si Elisha? Iyong malditang iyon? Paano?" kaagad ko namang tanong.
Eh hindi kasi ako makapaniwala, kung siya naman makakita sa akin dapat iniwan niya na lang ako doon.
Hmmmm . . may puso din pala iyong babaeng 'yon. Sana tuloy-tuloy na iyan Elisha ha. Hihi.
"Oo, eh hindi nga din ako makapaniwala." sang-ayon naman niya. Tama nga naman siya.
"Di bale na, atleast nakabalik ka na. Kung alam mo lang, gaano kami nag-alala kakahanap sa iyo." dugtong pa niya.
"Talaga?" hindi ko makapaniwalang tanong.
Tumango naman siya bilang sagot.
Ang espesyal ko namang tao para pag-alalahanan nila ako ng ganito.
Pero may gusto akong malaman . . .
"Pati iyong . . si . . alam mo na? Hinanap din ako?" dugtong ko pang tanong. Eh baka naman kasi hindi niya ginawa, mag-aasume lang ako, aasarin pa ako nun hmp.
"Hmm . . ."
"Ano?"
"Excited malaman teh?" asar niya na naman.

BINABASA MO ANG
The Untold Prophecy
FantasyEveryone could commit sins and do evil. Even the gods could do this kind of things. No one is exempted. Zeus commit sin, not just an ordinary sin. Rhea has a prophecy in order to punish Zeus. Zeus refused it, he couldn't accept it. But once it's a p...