Greciela's POV
Naalimpungatan ako dahil sa silaw na tumatama sa mga mata ako.
Umaga na ata. Haayy bilis ng oras, parang segundo lang ang nakalipas mula noong natulog ako, ngayon umaga na agad.
Bumangon na ako sa pagkakahiga at nadatnan kong tulog pa rin sila.
Hmm . . tagal nilang gumising.
Pero napansin ko ang dalawang higaan na walang taong nakahiga.
Wait . . kaninong mga higaan 'yan? Sandali.
"Rhaizarl, Grace, Ed, Elisha, Jupiter, tsk iyong lalaking sumulpot lang hmp . . " nandito din pala siya, muntik ko ng makalimutan na kasama pa pala namin siya tsk.
Sandali . . nasaan si Ritz? Pati si . .
"Janvel? Nasaan sila?" napalingon lingon naman kaagad ako para hanapin sila.
Pero wala akong nakitang tao ni anino nila. Saan naman pumunta 'yong dalawa.
Teka . . parang iba ang kutob ko ngayon sa kanila ah? Hmmm hihi.
"Hindi man lang sinabi sa akin ni Ritz na meron silang pupuntahan ng fafa niya hihi haha." ano ba 'yan dapat nagshe-share sa akin si Ritz kung anong balak nilang dalawa.
'Tong Janvel din ayaw pa umamin, alam ko din kasing may gusto din 'yong lalaking 'yon sa kaibigan ko.
Hindi kasi nila alam na nababasa ko ang mga isip nila hihi. Syempre dapat secret lang, secret weapon ko kasi ito hihi.
Pati si kambal, hindi niya rin ang tungkol sa secret ability ko hihi. Kaya pati siya nababasa ko din ang isip nito.
Kahit pinapakita niya na maldita siya pero sa isip niya na concern din siya sa akin, kaya hindi ko magawang magalit sa kaniya hihi.
Pero si Jupiter lang ang hindi ko magawang mabasa ang isip niya. Ewan ko bakit hmp.
May gusto pa naman sana akong malaman sa kaniya. Kung anong iniisip niya, kagaya ng yong baka may 'you know' din siya sa akin hihi
Kainis kasi hindi ko mabasa isip niya hmp. Di bale na nga.
Napagpasyahan ko nang bumangon at iligpit na ang pinaghigaan ko. Para mamaya maka-alis na kami ng maaga.
Sa gitna ng pagliligpit ko ay isa-isa na ding nagsisigising ang mga kasama ko.
Unang gumising ang nakakairitang si Elisha.
Oo nga pala pati rin siya hindi ko magawang mabasa ang isip niya.
Ano ba 'yan. Nakakabasa nga ako ng isip ng tao pero kakaunti lang din ang nababasa ko.
"Where's Ritz?" tanong naman nito habang bumabangon.
"Hindi ko alam, basta pag-gising ko wala na siya." sagot ko.
"What do you mean wala? You didn't see her wake up? You also don't have an idea where she's right now?" kaagad niyang tanong.
"Parang ganoon na nga." sagot ko naman.
Nagtaka naman ako dahil sa bigla nitong pagmura.
"Shit." saka siya nagmamadaling ligpitin ang kaniyang higaan.
Anong meron ba't siya nagmamadali? At bakit parang concern siya ngayon na wala si Ritz?
Malay mo kasama niya ngayon si Janvel.
"Hey Ed! Wake up, we should have to leave now." aniya at saka niya ginising-gising ang Ed na mahimbing pa rin ang tulog.
"What happened?" tanong naman sa akin ni twinny na ngayon ay nililigpit na rin ang kaniyang hinigaan.
BINABASA MO ANG
The Untold Prophecy
FantasyEveryone could commit sins and do evil. Even the gods could do this kind of things. No one is exempted. Zeus commit sin, not just an ordinary sin. Rhea has a prophecy in order to punish Zeus. Zeus refused it, he couldn't accept it. But once it's a p...