Ritz's POV
"So that's the reason ba't naging ganito mukha ko?" Tanong ko sa kanila. Nandito kami ngayon sa cafeteria nila. Parang restaurant lang ang dating. Napakalaki at ang mamahal ng mga pagkain.
"Oo, nabasa ko sa isang libro kanina. Once you enter this world, your physical appearance will change. Either change for good or bad dahil lalabas at makilala mo ang tunay mong pagkatao." Sagot ni Greciela. Hindi talaga ako makapaniwala sa lugar na ito. Lahat kakaiba. Pero naiilang pa rin ako dahil sa tuwing dadaan ako sa maraming tao lahat sila tumitingin sa amin. Hindi ako sanay eh. Hehe
Ibig sabihin ito ang totoo kong pagkatao? What the?! Wahhhh.
"Pero . . may nabasa din ako na pwede hindi ka din magbago kasi nakilala mo na ang tunay mong pakatao. Which is ito yung nangyari sa amin ni kambal. Kaya walang nagbago sa amin." dugtong pa niya. Now i get it. Grabe naman itong lugar na ito. Aish nakakalito na.
"Ba't ang tahimik mo?" Sita sa akin ni Grace. Na halatang iritang-irita pa rin sa akin.
"Ahmm wala hehe. So saan next punta natin?" Tanong ko. Balak kasi nila akong ilibot dito sa paaralan nila at ienroll dito.
For the mean time dito muna ako, aalamin ko muna ang lahat, kung anong klaseng lugar ba itong napuntahan ko, bakit may ganitong uri na mundo, at sinong tao kaya ang naghatid sa akin dito. Makakatikim talaga siya sa akin. Walanghiya siya.
"Sa Headmaster Office." ani ni Greciela.
Mukhang normal naman ang school na ito, wala akong nakikitang kakaiba. Pwera nalang doon sa nakita kong halaman at about dito sa mundo na ito. So weird hehe. Pero anong school nga ito?
"Anong school nga ito?" Tanong ko ulit.
"Rendezvous Academy." And they smile. Pangalan pa lang ng school na ito nakaka-amaze na. How much more ang mga estudyanteng nandito at ang lugar na ito. Just . . . . wow
• • •
"Good morning po Headmaster." Bati nang magkambal pagdating sa sinasabi nilang office.
"Come in. So where is the new student?" Napakadonya ng kanyang tinig. Halatang may mataas talaga siyang katungkulan sa paaralan na ito. Pumasok na rin ako sa loob kasunod ng kambal.
Umupo kami sa bakanteng sofa dito. Oh diba ang gara, office lang ito pero parang office ng mga mayayamaning kompanya. Sofa ang inuupuan ng mga guests at mayroong malaking bookshelves sa kaliwa at sa kanang bahagi naman ay isang pintuan ulit.
"Oh welcome Ms. Montealegre" Bati ng headmaster sa akin. Medyo naiilang pa rin talaga ako dahil sa kanyang awra. Hindi ako makatingin ng maayos.
"Where's the letter?" Ani niya at sinunod namin ang kanyang sinabi. Letter? Yon ba yong ibinigay ng principal sa akin? Hala naiwan ata doon sa office ni principal. Aish. Kainis naman oh.
"Actually po ma--." naputol ang salita ko dahil sa biglang pagsalita ni Grace.
"Here, headmaster." taray na sambit ni Grace. May galit ba to siya kay headmaster? Pero teka? Bakit nasa kanya ang letter? Eh diba naiwan ko yun sa principal office? Aish. Nilingon ko kagaad si Grace at binigyan niya lamang ako ng i'll-explain-it-later look. Kaya wala na akong nagawa.
Tinanggap naman kaagad ni Headmaster ang sulat at inilagay sa isa sa mga drawer ng kanyang table.
"Okay, get the box there and all of you may go now. By the way, here is your ID card. If you want to know what is the use of this card, ask them. And your class will be start on Monday." Ani niya at tinuro ang magkambal pati na rin iyong box na sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
The Untold Prophecy
FantasyEveryone could commit sins and do evil. Even the gods could do this kind of things. No one is exempted. Zeus commit sin, not just an ordinary sin. Rhea has a prophecy in order to punish Zeus. Zeus refused it, he couldn't accept it. But once it's a p...