XXI | Heading North

25 3 1
                                    

Krezyle's POV

Aray ang sakit ng likod ko. Ano bang nangyari?

Kaagad akong nagpalinga-linga para malaman kung nasaan na ba ako ngayon.

Napagtanto kong nasaan ako ngayon. Nasa isang di ko malamang anong uring silid ako ngayon.

Ang alam ko ay nasa isang uri ako ng kweba ngayon. Puro mga bato at lupa kasi ang makikita sa pader.

At may iisang liwanag lamang na nagmumula sa isang apoy sa may gilid na siyang nagsisilbing ilaw ngayon ng silid.

Sa aking patuloy na paglinga-linga ay nahagilap ng aking mga mata ang isang lalaking nakahandusay na sa aking gilid.

"U-uy, sino siya?"

Tititigan ko na sana ang mukha nito ngunit napagtanto kong nakagapos ang aking mga kamay at paa.

Ba't nakatali ang mga paa at kamay ko? Nasaan ba kasi ako ngayon?

Pilit ko namang inaalala kung anong nangyari bago ako mapunta dito sa isang silid na puno ng kadiliman.

At sino 'tong kasama ko ngayon? Aish.

Teka . . . parang naaalala ko na . .

Flashback

Paano ko ba kasi sila  malalabanan? Eh ang lalaki nila. Nakakatakot din tignan dahil sa kanilang mga nag-iisang mata.

"Huy babae, mag-ingat ka! Ililigtas mo pa ako dito!" argh kairita naman 'tong lalaking 'to. Demanding.

"Huy una sa lahat may pangalan ako, pangalawa ang kapal ng mukha mo para sabihin mo na ililigtas kita." sagot ko nito.

"Eh anong ginagawa mo rito? Huwag mong sabihin na arte-artehan lang iyong sinabi mong tutulungan mo ako?" aba sumasagot pa.

May punto naman siya, bakit ko ba kasi 'yon sinabi. Argh

Hindi ko din kasi alam na napakademanding pala 'tong lalaking 'to.

"Che! Iwan pa kita ngayon. Hmp." huli kong sambit at hindi na siya pinakinggan.

Bagkus ay itinuon ko na ang aking atensyon sa dalawang naglalakihang mga nilalang.

Paano ba 'to? Palapit na sila.

Nahagilap ko naman ang isang maliit na tubo sa bandang gilid ng mga sirang upuan.

Dali-dali ko itong kinuha at itinapat ko ito sa kanila para hindi sila makalapit.

"Huwag kayong lalapit! Subukan niyo, makakatikim kayo sa akin!" sigaw ko sa kanila habang hawak-hawak pa rin ang tubo.

Ang tapang ko ah, para bang may gagawin ako ngayon eh wala naman akong ka-alam alam sa away.

Bahala na, sana matakot sila sa banta ko.

Nagkatitigan naman ang dalawa na para bang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.

Naasar naman ako dahil sa bigla nilang pagtawa.

Aba nang-iinsulto sila ah.

"Seriously? With that pipe?  Mag-isip ka nga!" sigaw uli sa akin ng lalaki.

The Untold ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon