Ritz's POV
Grabe ako na kaagad ang susunod?! Wala bang resched dyan?! Di pa ako ready!
Nung nakita ko yung training ng dalawa kanina di ko na alam kung mabubuhay pa ako nun huhuhu. Di ko inaasahan yun pala ang klase ng training dito. Akala ko yung tuturuan ka lang nila paano palabasin ang ability mo, hindi kakalabanin!WAHHH!!
Hinanap ko kaagad iyong bruhang makakalaban ko. And speaking of
"Don't be afraid little girl. In fact we should have to make fun." Arghhh nakakainis ka na talaga Elisha!
Nanginginig akong pumunta sa field. Di ko kaya! Tatakas nalang kaya ako? Tama tatakas nalang ako, tumalikod na ako at akmang aalis na pero nakita ko ang pagmumukha ni crush nabigyan kaagad ako ng determinasyon kahit tinawag niya akong big boobs hmmp. As long as crush ko pa rin siya hehe.
"Ano tatakas ka?" Tanong ng bruha este Elisha.
"Ako tatakas? Baka ikaw?" Ganti ko. Paktay ka Ritz ba't mo sinabi yun?! Huhuhu talagang malilintikan ka ngayon Ritz. Goodluck sayo
"Tatakas lang ako kung, mawawala ka na." And she smirk. Goodluck Ritz. She reminds me of my classmates. Sarap tusukin ng mata eh. Hmmp.
Wala akong nagawa kundi ang pumunta sa gitna kasama siya.
Nakarating na kami sa gitna at nagsimula ng lumabas ng armas si Elisha. Isa itong bow and arrow. Iyong ginagamit sa archery pero ang sa kanya ay lumiliwanag gaya ng buwan. Ang cool.
"Sana all." iyan nalang ang nasambit ko dahil sa pagkamangha, kaba at takot. Amp naman oh!
"Hmmm...." laking gulat ko dahil binawi niya ito. Bakit niya naman binawi?
"Naisip ko, ang babaw naman kung kakalabanin kita kaagad gamit ang armas ko. Kaya sisimulan ko muna sa mano mano." Ani niya, tsk ang yabang pa rin. Agh.
Nagsimula na siyang sumuntok sa akin. Hindi ako nakailag kaya natamaan ako sa mukha, napaatras ako sa subrang sakit. Agad-agad? Wala bang kahit signal diyan para malaman kailan magstart? Bwisit
Arghh, anong gagawin ko? Wala akong alam sa mga ganitong gawa. Pagbabasa, sulat, gawain bahay lang alam ko. Huhuhu. Naman oh! Mapapaaga ata ang pagbisita ni kamatayan sa akin.
"Stop thinking bitch." Ani niya at sinuntok niya na naman ako sa kabilang mukha. Agh pangalawa na yun ha! No choice ako kundi ang lumaban din
Susuntukin ko na sana siya upang maging ganti ko sa ginawa siya sa akin, pero ang bilis niya, nakailag kaagad siya.
Inisip ko muna lahat ng paraan ng mga martial arts na napapanood ko para naman magamit ko ngayon.
Sipa diyan, sipa dito, suntok diyan, suntok dito. Aish.
Lahat ng mga naisip kong martial arts ay nagamit ko na pero wala pa ring talab sa kanya. Ang bilis niya at ang lakas.
"Ang hina mo naman talaga girl. Tsk haha." Pang-aasar niya sa akin. Bakit bah?! Eh wala nga akong alam dito arghh. Pero kakayanin ko. Nabibwisit na talaga ako sa kanya argh.
Tumakbo ako ng mabilis patungo sa kanya para suntukin siya pero nakailag siya at hinawakan ang kamay ko at sinuntok ang aking sikmura.
Napaluhod ako sa sakit at napaubo ng dugo, pero tumayo pa rin ako. Hinang hina na ako dahil sa mga natatanggap kong suntok at mga sipa sa kanya. Ayoko na! Tatanggapin ko nalang invitation ni kamatayan.
Sa kawalan ko ng pag-asa hinayaan ko na ang sarili ko na gawing punching bag niya. Wala akong laban, siguro mas mabuti pang mawala na ako para wala na akong ibang iisipin pa.
BINABASA MO ANG
The Untold Prophecy
FantasyEveryone could commit sins and do evil. Even the gods could do this kind of things. No one is exempted. Zeus commit sin, not just an ordinary sin. Rhea has a prophecy in order to punish Zeus. Zeus refused it, he couldn't accept it. But once it's a p...